Chapter 5

9K 96 0
  • Dedicated kay Kathleen Joyce Chua
                                    

Jhen's Pov

~Flinders University~

"Hi Miss"

"Lubayan mo ako" masungit kong sabi kay Ryan, amoy yosi pa kainis umagang umaga!

"Sabay na tayo" sabay akbay sakin

"Ewww, get lost will you?!" sabay tanggal ko ng pagkakaakbay nya sakin.

"Ang cute mo talaga pag naiinis" sabay pisil nya sa pisngi ko

"Aarrrgh! Tigilan mo sabi ako, ayoko sa gangster OK?"

Ganyan ang laging sumasalubong sa umaga ko since last week, kainis! Kelan nya ba ako tatantanan!

"Oh Jhen ang aga-aga naka busangot ka na agad jan" tanong ni Yana

"Kulit kasi ni Ryan eh"

"Hoy girl ang dami kayang naiinggit sayo kasi sayo lang nagkakaganyan si Ryan" sabi ni Ally

"Girls ayaw ko ngang mapabilang sa mga naging apple of the month nyang si Ryan no"

Naiirita kong sagot, eh ano ngayon kung ganyan si Ryan sakin wish ko nga lubayan na nya ako sa pagsunod sunod nya sakin, madami ng babaeng masama ang tingin sakin ng dahil sa Ryan na yan.

"Malay mo naman seryoso sayo" sabi naman ni Den

"Wag nga kayong patawa"

Maya-maya dumating na yung prof namin, ayun nagdiscuss lang sya ng nagdiscuss at wala akong maintindihan, lutang ako eh.

"Excuse me po mam dito po ba yung klase ni Miss Jhen Andrada?" Isang gwapong lalaki ang nasa pintuan namin pero mas gwapo pa din si Ryan, ansaveeh ko?

Bigla naman nagtilian yung mga classmate kong babae.

"Bakit?" mataray na tanong ni mam Azul sa lalaki

"May nagpapabigay po kasi sa kanya ng mga 'to"

habang pinapakita yung mga dala nya ako naman napalunok lang kasi naman nakakahiya lahat nakatingin sakin.

"O miss Andrada kunin mo na" utos ni mam Azul

tumayo ako at pumunta sa lalaking mag-aabot ng pinabibigay daw sakin. Ano ba yan! Nakakahiya naman, eh pano ba naman ang laki nung bear halos kalaki ko na tapos 100 pcs na red roses ata 'to.

Naglakad na ako pabalik sa upuan ko, lahat ng mga kaklase ko nakatingin sakin kaya binilisan ko makabalik sa upuan ko.

"Kanino galing yan girl?" bulong ni Yana

"Malay ko"

"Bakit kaya di mo basahin yung card noh?" habang tinuturo ni Ally yung card na nasa bulaklak, ssshhh di ko nga pinapansin eh

kinuha ko na yung card at binasa...

"Yiee grabe na to Jhen, level up" hagikgikan naman ang mga loka. Kainis!

Bakit ko ba naging kaibigan 'tong mga 'to? Mga pang-asar! Si Denny nakisali narin baka nahawaan nato nila Yana eh.

"Manahimik nga kayo dyan"

tinignan ko ulet yung card

Baby, please go out with me tonight.

-Ryan

Kapal ng mukha, may pa-baby baby pang nalalaman tong ungas na 'to ano ako nasusuhulan? Kahit na maganda tong bear na 'to di ako pupunta, manigas siya tska wala naman nakalagay kung saan kami magkikita, wapakels ako!

**

Ryan's Pov

Nagustuhan kaya ni Jhen yung binigay ko? sana nagustuhan nya ang mahal kaya nun. Tsaka first time kong magbigay ng regalo sa babae, excited na ako para mamaya. Anyway, natutuwa ako sa university na 'to, ilang linggo palang ako simula nang lumipat ako dito ako na ang most popular man on this school, most of the students here especially guys envy me, I know because I got all the attentions and believe me its true. May mga tao pala akong inutusan para mag bantay kay Jhen, para kung saan man siya pumunta at kung anong mga ginagawa niya alam ko. Kaya wag na kayong magtaka kung bakit alam ko ang schedule niya.

He's My Gangster Boyfriend (UNDER MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon