Chapter 6

7.5K 86 6
                                    

Jhen's Pov

Andito ako ngayon sa palasyo este bahay ni Ryan, sobrang laki ng bahay  nila at ang linis at may ilang maids din akong nakita compare sa bahay namin na mukang kwarto lang ni Ryan.

"Hi son...is she the girl the one you talking about last week?" nakangiting tanong ng magandang babae na parang model palagay ko mommy sya ni Ryan kasi hawig sila ng mata at ilong.

"Yup mom...so can we eat now? we're hungry." sabi ni Ryan habang hawak nya pa yung tiyan nya.

Pumasok kami sa isang room merong long table siguro 20 person ang kasya tapos may mga wine glass sa ibabaw at napaka daming kutchara kada pinggan.Pinaupo ako ni Ryan sa tabi nya. Yung mommy nya umupo sa pinaka unahan pero malapit lang samin.

"Oh by the way hija I'm Isabel Smith, Ryan's mom." pagpapakilala sakin ng mommy ni Ryan grabe mala-anghel kung magsalita ang mommy nya samantalang ako....arrgh whatever! Magpapabebe nalang ako pero teka kailangan pala di nya ako magustuhan kaya todo volume dapat akong magsalita. Tama tama ganun nga ang dapat kong gawin.

"HI PO MA'AM AKO PO SI JHEN MAE ANDRADA NAKATIRA PO AKO DYAN SA MAY PANGLIMANG KANTO!"

"You're so cute hija, I like you." Sabay tawa ng mahinhin. Kahit pag tawa may poise parin.

Pero anyare? Mali ba ginawa ko ba't parang natuwa pa siya sakin? Anak ng! Muka na nga akong tanga eh tapos cute padaw ako? si Ryan naman nakangiti lang sakin! Asar!

"Oh ayan na pala yung foods....Ryan paglagyan mo si Jhen ng food sa plato nya." sumunod naman yung uto-uto.

Ah may naisip ako ulit, sana gumana na....

"NO TITA AKO NA PO MAGLALAGAY! PATAY GUTOM PO KASI AKO!" tapos tumawa ako ng malakas, tawang di dapat para sa isang matinong babae.

Nagulat naman si Ryan tapos yung mga maid naman nagtawanan, mukang effective. Yes!!!!

Pinuno ko yung pinggan ko at kumuha pa ako ng isang pinggan ko din, yung mama ni Ryan nakatingin lang sakin, pero di mukang galit o ano, nakangiti pa sya sakin.

Luh? Bakit ganun?

"Eat all of that or else you can't leave this house." sabi ni tita nang nakangiti sakin.

Patay! eh ang hina ko pa naman kumain.. Ah alam ko na! talino ko talaga. *evil laugh*

"BABY! SAY AHHHH" pagharap agad sakin ni Ryan sinalpak ko na agad sa bibig nya yung kutsara na punong puno ng ulam at kanin. Nanlalaki naman yung mata niya sa biglaan kong pagsubo.

"Aw, your so sweet naman hija, sige, tuloy nyo lang, huwag kayo mahihiya sakin."

Naknang! Mukang di talaga uubra yung mga pinag gagagawa ko mukang mas lalo pa akong nagugustuhan ng mommy nya. Kainis eto last na pag di talaga umubra ewan ko na.

"TITA PWEDE PO BANG PABALOT AKO NG PAGKAIN KASI ANG SARAP LANG PO KASI TALAGA NG PAGKAIN. PASENSYA NA PO PATAY GUTOM PO KASI TALAGA KO, PWEDE PO BA??"

Muntik ng maibuga ni Ryan yung iniinum nyang tubig.

At matapos naming kumain ay nagpaalam na kami sa mommy ni Ryan na kailangan ko nang umuwi.

Pasakay na sana ko ng kotse ng hawakan nya ko sa siko para paharapin sa kanya.

"I know what your doing earlier, if you think na matuturn off ako sayo at si mom its a big NO and by the way my mom invites you again, she like you so much."

Naka smirk na sabi niya, di ko na hinintay na pagbuksan nya ako ng pinto pumasok na agad ako sa sasakyan nya nang nakasimangot.

"Pag tayo inabot ng 20 min ulit sasakalin na talaga kitang bwisey ka!" pagbabanta ko

"Okay okay!" natatawang sabi nya.

Pag dating sa tapat ng bahay namin di ko na ulit hinintay na pagbuksan niya ako ng pinto, agad akong bumaba at binuksan ung gate ng di sya nililingon kaya pag pasok ko binalibag ko yung gate.

"Ouchhhh!"

Hala yung kamay ni Ryan naipit.Agad-agad akong lumabas para tignan sya, naawa naman ako kasi hawak nya yung naipit nyang kamay, lumapit ako at hinawakan ko yung kamay nya.

"Oh shit! Sorry di ko sinasadya." mangiyak ngiyak kong sabi kasi nag va-violet na yung parte na naipit, si Ryan di na naipinta yung mukha.

"H-hey! Dont cry baby please it's ok di na masakit. It's ok please dont cry." natatarantang sabi ni Ryan, alam kong di okay kasi di nya magalaw yung kamay nya, bakal pa naman yung gate namin.

**

Ryan's Pov 

Super sakit ng kamay ko pero parang nawawala yung sakit nang nakita ko na sobrang nag-alala si Jhen sakin.

"Sorry talaga Ryan pasok ka muna gagamutin kita." kahit muntik nakong mabalian ng buto sa kamay parang ayos lang kung ganito ba naman sya sakin kung mag-alala, kaya todo arte ako na sakit na sakit ako e. Pero masakit naman talaga, mas OA lang 'tong arte ko pero mukang di naman nya napapansin.

"Ok." maikling sagot ko, napangiti naman ako ng palihim.

Pag pasok namin sa bahay andoon yung mama niya nanunuod ng tv napansin ata nya yung kamay ko kaya agad syang napatakbo palapit samin.

"Ano nangyari sayo hijo naku gamitin natin yan umupo ka muna." sunod-sunod na sabi ni tita.

"Kukuha lang ako ng gamot ma."

"Teka dito ka na, ako na kukuha ng gamot." umupo naman sa tapat ko si Jhen, muka talaga syang nag-aalala sakin, este sa kamay ko.

"Come here baby." sabi ko habang tinatap ko yung pwesto na magkatabi kami.

"Nandito naman ako"

"No I mean here beside me please?" lumapit naman siya sakin tapos ngumiti, oh lord that smile can kill me now. Ay joke papakasalan ko pa pala sya not now pala lord.

"Masakit pa ba?" ngumiti ako kay Jhen kasi napansin ko na sobra na yung pag-aalala nya lalo tuloy akong nagkaroon ng lakas ng loob para pagpatuloy yung panliligaw ko sa kanya.

"Hmm..Can I ask your number?"

"Sige, eto cellphone ko ilagay mo at isave mo yung number mo dyan and akin na cellphone mo isesave ko din yung number ko sayo
" natataranta naman akong kinuha sa bulsa ko at iabot sa kanya ang cellphone ko.

Nang matapos kami mag exchange ng number ginamot ng mama nya yung sugat ko at nilagyan ng benda, nang matapos gamutin nagpaalam na akong umuwi.

Pag-uwi ko dumeretso na agad ako sa room ko at humiga binuksan ko yung tv pero wala akong makitang magandang palabas kaya I grab my cellphone at tinext ko si Jhen.

Me: Hi Baby :)

Pag sent ko nilagay ko sa dibdib ko yung cellphone, ilang minuto lang tumunog na yung cp ko kaya natataranta kong tinignan yung text.

Baby ko: hu u?

Nyek! Who you daw eh may number naman ako sa kanya.. Eh malamang pinagtitripan na naman ako nito kaya reply agad ako.

Me: Baby dont play game on me.. I miss you already.

Baby ko:  D qta qlala. Cnu ca bva?

Nakakatawa naman palang katext 'to si Jhen, mukang di sya napag iwanan ng jejedays ah.

Me: Ryan :)

Baby ko: cnong Ryan?

Medyo naiirita na ako kaya umupo ako sa gilid ng kama ko at tinawagan ko na siya, nakailang ring lang sinagot na naman niya agad, di ko na sya inantay mag hello nagsalita na agad ako.

"Baby naman. Bakit ganyan ka? Tinatamad ka bang ka-text akl? You want to heard my voice? sana sinabi mo agad so I can call you soon. I miss you. What are you doing?" ginamit ko ang pinaka sexy kong voice para mapangiti ko si Jhen pero nagulantang ako ng nagsalita na sya.

"Punyita natotolog yong tao esturbo ka, seno ka ba dong ha? naeenes na ako kung ayaw mo matolog magpatolog ka, lakas ng trep mo! ano ba kelangan mo? hoy mag saleta ka dong hoy!!! Hilu? Hilu?!"

O______O

Di na ako sumagot at agad kong binaba yung cellphone ko.

Loko ka talaga Jhen baby, naisahan mo ako dun ah!

He's My Gangster Boyfriend (UNDER MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon