Chapter 5

122 8 2
                                    

Yow! eto na yung chapter 5 :DD Hahaha sorreh ang tagal kong mag update pano tadtad kmi sa assignments wala ng time para maka update ako :))! nga pala ang saya ng prom nmin xD hahaha kailangan i-broadcast? wala lng first time ko kse mag prom. Matagal nga pala ako uli makakapagupdate sorry :""( buti pa sa pilipinas wala na silang pasok xD Ang drama ko XC hahaha geh ito na ung ch. 5 :PP

----

Maagang gumising sila Leslie,Chris, at Daniel para maghandang pumasok, habang ako natutulog. Grabe,

parang panaginip lang lahat ng nangyari kahapon.

"Ms. Sleepyhead,Ms. Scaredycat, Ms.Sungit~! Huy! Gising na! Tingnan mo tulo pa yung laway mo oh?! xD" sabi ni Chris.

Hinampas ko tuloy ng unan si Chris. Loko to ah? hindi niya ba alam yung kasabihang. "Magloko ka na sa lasing, wag lang sa bagong gising?" At pag bangon ko galit ka agad yung ipinakita ko sa kanya, kakagising palang..asar ka agad ang tumambad sa akin. -,-" at yun padabog akong tumayo at iniligpit yung higaan ko. I'm really pissed off.

Balik na naman kami sa normal. Haii... hanggang kailan kaya ito?!

"Sige,magalit ka lang, gusto mo bang ipagkalat ko yung mga ginawa mo kahapon?" mukhang nangaasar na mukha ni Chris.

"Ahahaha! Sinong galit? ako galit? hindi ren ah... kaya wag mo ng ipagkalat yung tungkol sa phobia ko ah?"

Sabi na nga ba eh, gagamitin niya yung secreto ko pa ra lang asarin ako at iblockmail.  sana hindi ko na lang sinabi, kilala ko na tong Chris na to. Pero malamang kailangan sundin ko muna siya,para hindi niya ipagkalat

yung secret ko.

"Eh, parang galit ka lang nung pagkabangon mo ah?"

"Sabing hindi nga eh... halika na nga at mag breakfast na tayo, baka ma-late pa tayo sa school."

So yun bumaba na nga kami at pagkababa namin.Nakaready na yung breakfast.

So yun kumain na kami, parang feel at home lang sila Leslie,Chris, at Daniel. 

Kung makaasta eh parang magkakapatid lang kami. hahaha at gustong-gusto ren nila 

mama at papa, only child lang kasi ako kaya ayun parang ginawa na ren nilang anak sila Leslie,Chris, at Daniel.

"Sige kain lang kayo ng kain." sabi ni mama

"Opo!" masiglang sabi nila Leslie,Chris, at Daniel.

Hahaha ang saya lang, sana everyday na lang sila andito. ;)) para na kaming totoong pamilya.

At yon natapos na kaming kumain at nagreready na kami pumasok. Kami ni Leslie, busy mag ayos ng buhok. At yung mga lalaki nman hindi ko alam ang ginagawa nila. And after an hour. Natapos na kaming lahat. Ready na umalis.

"Let's go! Sago!" sabi ko sa kanila.

At yun lumabas na kami. Habang naglalakad kami... ang pinaguusapan lang namin is yung tungkol sa mga nanyari kahapon.

"Uy! naalala niyo ba yung pillow fight? grabe si Daniel, kahapon ko lang siya nakita na ang saya-saya parang bata" sabi ni Leslie.

"hahaha oo nga, first time ko ren makita si Daniel na ganun!" tugon ko naman kay Leslie

"Ako, nung bata pa kami lagi kaming naglalaro ng tagu-taguan ni Daniel, tapos kapag hindi niya ako mahanap, iiyak na ka agad yan." napapatawa na sabi ni Chris.

"Huy! tigilan niyo nga ako?! masama bang mag enjoy?!! pero at least kahapon was unforgettable." sabi ni Daniel

"Naalala ko pa ren hanggang ngayon yung pinanood nating horro, yung babae dun grabe nakakagulat."sabi ni Leslie.

"The Turning Point of My Life" [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon