Blue's POV
Pagpasok ko ng room nabingi ako. Puro tilian ang narinig ko.
Lumapit ako sa isang babae na nandoon. "May nakaupo ba dito?""Wala. Sige na umupo ka na." Another victim na naman.
Maganda siya, Maputi at Sexy. Yung tingin niya sakin pang malandi. Haha! Type ako nito.Ang boring ng subject na to. Ano na kayang ginagawa ni Red? Tss. Sana kasi magkasama nalang kami eh.
Naramdam kong biglang umurong yung upuan nung babae kanina sa tabi ko. Haha! Nice, siya pa gumagawa ng move ah :D
"Bored?" tanong niya sakin.
"Yeah." Sagot ko.
Naramdaman kong isinandal niya sakin yung ulo niya. Ang landi talaga. Nagsasawa na nga ako sa mga babae eh. Pare-parehas kasing malalandi yung nakakasama ko. Parang gusto ko naman yung tipong mga pa-hard-to-get na babae. Para exciting diba?
"Wanna go outside?" alok niya.
"Sure." walang alinlangan na sagot ko.
Hinila niya ako at lumabas sa nakaka-suffocate na classroom na yun. Bakit ba kasi kailangan pang mag-aral? Hindi ba pwede mambabae nalang habangbuhay? Tss.
Mukhang matinik tong babaeng to ah. Mukhang pursigido sakin eh. Hindi ko pa nga alam yung pangalan niya eh.
Huminto na kami. Pagtingin ko sa paligid para siyang Mini Forest. Puro berdeng puno ang makikita mo.
"Ano? Maganda ba?" Tanong niya in a flirt way.
"Yeah, Maganda dito. Refreshing. Pero Mas Maganda ka." Hahaha. Siyempre kailangan maging bolero. Isa yan sa talent ng mga lalaki.
"I know right." Lumapit siya sakin at naramdam kong ipinalupot niya sakin yung braso niya.
Alam ko na gusto nito.Hinalikan ko siya kaagad. At siya? Gustong-gusto naman. Alam ko naman na yun lang ang habol sakin lahat ng babae eh. Gusto nila ako dahil sa itsura ko. Wala naman nagkagusto sakin dahil sa ugali ko. Gusto lang nila ako makalandian. Para bang isang achievement sakanila kapag nakascore sila sakin.
Ang dami ko ng babaeng nakilala. Ang dami ng babaeng dumaan sa buhay ko. Pero lahat sila? Pare-parehas lang.
Kaya wala akong sineseryoso sakanila eh. Mukha lang nila ang gusto ko. Saan kaya ako makakahanap ng babaeng mamahalin ako dahil sa ugali ko? Tss.
Hinayaan ko lang na halikan niya ako. Magsawa siya sakin hanggang gusto niya.
/Craaaack/
Nakarinig ako ng nabali na kahoy. Wala naman akong pakialam sa kahit na anong nasa paligid ko eh. Kaya tuloy-tuloy pa rin kami sa little show na ginagawa namin ng girl of the day ko.
Grabe tong babaeng to ah. Naubusan na ako ng hininga kaya humiwalay na ako. "I need to go. May klase pa ako."
"Sabay na tayo baby." Ikinapit niya yung kamay niya sa braso ko at naglakad na kami pabalik sa classroom namin kanina. Doon pa rin yung Second subject ko.
Sa dami ng babaeng nakilala ko wala pa naman umabot sa puntong alam niyo na. Kahit gago ako hindi pumasok sa isip ko na gawin yung bagay na yun. Mamaya niyan magkasakit pa ako.
Pagpasok ko sa room kanina napansin ko kaagad yung babae. Yung kasama namin ni Red sa bahay. So Classmate pala kami ngayon sa second subject?
Malayo yung upuan niya sa upuan ko. Ano nga kayang pangalan niya? Kasama namin sa bahay tapos hindi ko man lang alam.Wala pa naman yung professor kaya tumayo ako ng biglang may humawak sa kamay ko. "Where are you going?" sabi nung kahalikan kong babae kanina. So feeling niya sakanya na ako ngayon? Tss. Yan problema sa mga babae eh. Madikitan lang ng kaunti akala gusto na sila. Tss.
BINABASA MO ANG
I Need You (Vkook)
Ficção AdolescenteNang dahil sa isang katangahan nakilala ko sila. Paano na nga ba ang buhay ko ngayong kasama sila.