Ellaine's POV
Ang bilis ng panahon. Isang buwan at mahigit na mula noong tumira sa bahay ko sila Blue at Red. Isang buwan na rin ako nagtitiis sa ugali nila. May oras na mabait sila may oras naman na ang sama nila.
At si Blue? Ayun, Hindi na niya talaga ako kinukulit kagaya noong unang araw niya sa School. Ewan ko pero namiss ko talaga yun, mauulit pa kaya yung pangungulit niya sakin? Tss. At sa isang buwan na yun puro iba-ibang babae ang nakikita kong kasama niya at kahalikan niya. Ginagawa niyang laruan mga babae. Marami na rin akong nakitang napaiyak niya. Ang sama niya ano? Tss.
Si Red naman ayun, Para talagang may sariling mundo. Nagsosolo siya palagi, pero kung minsan kasama niya si Ice. Yung girlfriend niya na bestfriend ko. Pag nagkakasama kaming tatlo lumalayo ako agad. Ewan ko ba kung bakit, pero hindi ko kasi kayang makita yung dalawa na yun eh. Selos ba to? Pero bakit naman ako magseselos eh hindi ko naman gusto si Red. Tss.
Isang buwan na sila sa bahay pero mukhang hindi ko pa rin sila nababago. Kailangan ko ng simulan yun, Para kapag nagbago na sila makakabalik na sila sa bahay nila. Sa ganun matatahimik na rin ang bahay ko.
Mabilis natapos yung klase namin. Pumunta agad ako sa tambayan ni Blue. Kung saan ko siya madalas na may kasamang babae. At di ako nagkamali, nandito siya kasama ang girl of the day niya.
"Blue. Samahan mo naman ako." Ang tapang ko. Sinabi ko yan habang may kahalikan siya. Nagulat sila sakin. Nakita kong tinaasan ako ng kilay nung babaeng kasama niya.
Problema mong babae ka? Ikinaganda mo yan? Nakakainis!
"Im busy, di mo ba nakikita?"
"Please? Maggrocery kasi ako eh. Ang hirap kasi buhatin." sabi ko.
"Sasakay ka naman ah..Daming arte. Nakakapaggrocery ka naman dati na walang kasama ah. Tss."
"Masama kasi pakiramdam ko eh. Si Red sana aayain ko kaso kasama niya girlfriend niya."
"So ako ngayon ang inaaya mo? Di mo ba nakita na busy rin ako. Kaya mo yan."
Alam niyo ba, sa kanilang dalawa kay Blue magaan ang loob ko. Kaya lang bakit ganito na siya ngayon? Hayy.
"Okay sige..Pasensya na sa abala. Ge, tuloy niyo na yan." naglakad na ako.
Ano pa nga bang magagawa ko diba? Tss. Naglakad na ako papalabas ng school. Sana maglaho nalang ako. Hindi ko yata kakayanin baguhin yung dalawa na yun..Malala na sila eh.
Namili lang ako lahat ng kakailanganin namin. Ang tatakaw kasi nila kaya ilang beses na ako naggogrocery. Nahihilo talaga ako. Ang bigat ng pakiramdam ko.
Binilisan ko na yung pamimili ko tapos nagbayad na ako. Ilang plastic yung dala ko. Ang bigat talaga. Naghihintay ako ng masasakyan ng biglang may bumusina sakin.
"Ellaine! Ang dami mong dala. Ihahatid na kita." Si Sir Jack pala.
"Ay wag na po Sir. Ayos lang po, madami naman po diyan na jeep."
"Okay lang. Sainyo rin naman punta ko. Susunduin ko kasi sila Blue at Red."
"Ah talaga po? Okay po sige." bumaba si Sir tapos isinakay yung mga dala ko sa kotse niya. Sasakay na sana ako ng pigilan niya ako.
"Sa harap ka na. Magmumukha akong driver mo eh. Saka para makapag-kwentuhan na rin tayo." Nahiya tuloy ako bigla. Sumakay na ako sa harap. Nakatingin lang ako sa daan.
"Mahirap ba kasama yung dalawa?"
"Sakto lang naman po."
"Ano ka ba, huwag mo na nga akong i-po. Nagmumukha akong matanda eh."
BINABASA MO ANG
I Need You (Vkook)
Fiksi RemajaNang dahil sa isang katangahan nakilala ko sila. Paano na nga ba ang buhay ko ngayong kasama sila.