Red's POV
"Anong ginagawa mo dito?" Nandito kami sa isang resto. Kasama ko sina Jack at Blue. Nagulat ako sa babaeng nasa harap namin. Anong ginagawa niya dito?
"Obvious po ba Sir? Nagtatrabaho po. Ano pong order nila?" tanong niya.
"Yung madalas kong inoorder. Thanks." Jack.
"Okay po sir. 10 minutes po. Excuse."
nakatingin lang ako sakanya habang papalayo siya.
"Sinusundan ng tingin? Type mo si Fuego no? Kanina pa kita nahuhuli ah..Magmula sa klase ko."
"Oh?" Blue.
"Oo. Nakatingin kay Fuego. Type ata."
"Tigilan niyo nga ako. Alam niyo naman na ayoko ng babae diba. Baka si blue, Babe yan ng babe kanina pa eh."
"Hahaha. Type mo blue?" Jack.
"Hindi rin. Inaasar ko lang siya." Blue
"Alam mo bang sakanya kami nakatira ngayon? Badtrip si Mom. Itapon daw ba kami sa bulok na bahay nun." sabi ko.
"Oh? Haha. Tama lang ginawa ni Tita..Baka sakaling magbago kayo. Hahaha!"
"Tss. Whatever."
"REEEEEED!!" Tae. Ano naman ginagawa ng isang yan dito?!
"Oh, Ice. Anong ginagawa mo dito?" Blue.
"Di ko ba nabanggit sainyo? Sila may-ari nito." sabi ni Jack.
Badtrip talaga tong si Jack. Alam niya naman pala na sila Ice may-ari nitong resto dito pa kami dinala. Alam niya rin kasi na kinukulit ako nun. -__-
"Buti dito kayo kumain. Dahil nandito si Red, Libre na yung kakainin niyo. Sagot ko na!" Umupo siya sa may table namin. Asar naman >__<
"Kayo na ba?" Jack.
"Hindi pa niya ako sinasagot eh." tibay talaga ng babaeng to. Sabihin ba naman na siya yung nanliligaw. Hindi na nahiya kababaeng tao.
"Sagutin mo na Red! Tagal ka na niyan gusto oh." Blue.
"Tss." Wala kasi akong masabi.
"Hayaan mo na Blue. Pahard-to-get eh. Hahaha." nagtawanan naman sila. Akala naman nila natutuwa ako sakanila. Tss!
Dumating na yung pagkain. Kaya lang hindi na si Ellaine yung nagserve. Kumain nalang ako, Wala naman ako balak makisali sa usapan nilang tatlo.
"Blue..Andiyan si Ellaine ah. Gusto mo tawagin ko? Ayieee!" nabulunan ako sa sinabi ni ice. Inaasar niya si Blue kay Ellaine? Tss.
"Sige ba."
Sinenyasan ni Ice si Ellaine kaya lumapit ito sa table namin.. "Ano po yun Ma'am?"
"Ano ka ba. Ayoko nga ng tinatawag mo akong Ma'am. Ang sakit sa tenga. Haha! Oo nga pala, guys si Ellaine bestfriend ko." Bestfriend? matagal na kaya sila magkaibigan?
"Hi Ellaine." Jack.
"Ay, Hello po Sir." ang pormal masyado nito ni Ellaine.
"Wala naman tayo sa school kaya Jack nalang."
"Sorry." Then she smiled.
"Okay lang."
"Ah sige po balik na po ako. Kulang po kasi kami sa tao eh madami pong customer." sabi niya at umalis na.
BINABASA MO ANG
I Need You (Vkook)
Fiksi RemajaNang dahil sa isang katangahan nakilala ko sila. Paano na nga ba ang buhay ko ngayong kasama sila.