Blue's POV
Pagpasok ko nakita ko siyang nanginginig.
"Mama...mama...." Ayan na naman yung boses niya. Pero mukhang tulog naman ata siya. Nananaginip ba siya?
Baka nga nananaginip lang siya. Lalabas na sana ako para hindi ko siya maistorbo ng marinig ko na naman siyang magsalita.
"Kuya tulungan mo ko....huwag mo akong iwan kuya...kuya.." Bakit ganito nararamdaman ko?
Lumapit ako sakanya. Hinawakan ko ang mukha niya at naramdaman kong mainit siya. May sakit ba siya? Hinawakan ko ang noo niya at oo nga, may lagnat nga siya.
Kumuha ako kaagad ng Bimpo at ng Malamig na tubig saka ko siya pinunasan.
Nakatitig lang ako sakanya. Naiinis ako sa sarili ko. Kahit na anong gawin ko hindi ko magawang iwasan siya. Hindi ko kayang pigilan tong nararamdaman ko.
Feeling ko mas lalo akong nahuhulog sakanya sa ginagawa kong to. Oo nga, iniiwasan ko nga siya, pero itong puso ko kahit anong iwas ang gawin ko walang magbabago.
Dahil habang tumatagal ko siyang nakakasama. Mas bumabaon tong nararamdaman ko. Iniiwasan ko siya kasi natatakot ako. Natatakot akong baka isang galaw ko lang masaktan ko siya.
Ang tanga ko nga eh, nasasaktan naman talaga siya. Ang harsh ko kasi eh. Samahan mo pa ng pagkaharsh ng Kakambal ko. Oh diba, for sure sobrang pagtitimpi nalang ang ginagawa ni Ellaine samin.
Matapos ko siyang punasan naghanap ako ng gamot sa mga cabinet niya. Pero mukhang wala naman siyang stock ng medicine kaya lumabas nalang ako para bumili sa drug store.
Pabalik na ako sa bahay ng nakarinig ako ng yabag ng paa. Paglingon ko may lalaking sumusunod sakin. Tae. Totoo pala yung mga ganito? Mas binilisan ko yung lakad ko pero mukhang nakatunog yung lalaki kaya mabilis akong sinunggaban.
"Holdap to. Wag kang kikilos." Akala ko madali lang pag nasa ganitong eksena ka na. Yun pala mahirap. "Labas mo wallet at Cellphone mo. Hubarin mo rin mga alahas mo. Bilisan mo."
Dahil napaka-masunurin ko kinuha ko kaagad yung phone at wallet ko at ibinigay sakanya.
"Yung alahas. Dali."Dahil importante tong alahas na to sakin hindi ko to basta ibibigay sakanya. Yung kwintas kong suot bigay pa to sakin ng Lola ko no. Ayoko na isuko nalang to. Binigay ko na nga wallet at phone ko e. Aba, abusado naman siya masyado kung pati tong kwintas na to.
"Kuya, Fake lang to." sabi ko.
"Alam ko kung fake or hindi yan. Alam kong tunay yan kaya tanggalin mo na ngayon na."
"Ayoko nga. Binigay ko na nga yan sayo e. Tapos gusto mo pati to?"
"Aba. Loko ka pala e. Holdap nga to eh!" sabi niya sabay labas ng maliit na patalim.
"Ano?! Sasaksakin mo ko? Kuya, bumenta na yan eh. Akala mo va natatakot ako sayo? Gago!"
"Aba, Hindi ka natatakot? Anong akala mo sakin? Hindi ko to kayang gawin?"
"Kuya, pwede ba tama na yang drama mo. Kailangan ko ng umuwi. Kailangan na uminom ng gamot ng kaibigan ko. Kaya iba nalang puntiryahin mo. Magkano na yang nasa wallet ko at yung phone ko oh. Matuto kang makuntento kuya." Aba, Si Blue Savana ata to. Ang pinakacool na Playboy.
"Aba. Gago ka pala e! Akala mo ba nakikipaglokohan ako sayo?" Argh! Nakayakap siya sa may leeg ko. Kumbaga, sinasakal niya ako. Halos hindi na ako makahinga.
Aba binubuwisit ako ng lalaking to ah. Kailangan na nga makainom ng gamot ni Ellaine tapos nagiinaso pa tong holdaper na to masyadong demanding.
"ARAAAAAAAY!!!" Hahaha.
"Oh. Ano ka ngayon? Baka gusto mong itapon kita sa ilog pagkatapos kitang chopchopin. Ano ha? Papalag ka pa sakin?" Ako lang naman ang nagsabi niyan. Mabilis akong kumilos kaya ako na ngayon ang may hawak sakanya namamalipit na siya sa sakit.
Sinikmuraan ko lang siya at sinuntok ng tatlong beses saka iniwanan siya dun na nagpipigil ng sakit.
Malapit ako sa bahay ng biglang may dumaplis sa akin. Nakita ko nalang na nagdurugo yung braso ko. "Hindi pa tayo tapos, Bata. Babawi ako sayo tandaan mo."
"Aba, duwag ka pala e. Bakit hindi pa ngayon? Wala ka namang binatbat e. Sa susunod na manghoholdap ka dapat grupo kayo para hindi ka naiisahan. Idiot!" pagkasabi ko nun nawala na siya agad na parang bula.
Pagpasok ko ng bahay mukhang wala pa rin si Red. Nilagay ko na sa lalagyanan yung binili kong lugaw at nagpunta na sa kwarto ni Ellaine. Umupo lang ako sa tabi niya at ginising siya
"Ellaine." Tae. Di ko akalain na mag-aalaga ako ng may sakit. "Ellaine? Gising uy. Kainin mo muna to. Hoy Ellaine!" nagulat ko ata siya. Napatayo kasi siya e.
"Ano yun? Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko?"
"Kumain ka muna nito para makainom ka ng gamot. Nilalagnat ka." tumango lang naman siya kaya sinubuan ko na siya nun. Nakatitig lang siya sakin. Naiilang tuloy ako -__-
Pagkatapos ko siyang pakainin at painumin ng gamot nahiga na siya. Pinunasan ko na siya ulit para tuluyan ng bumaba yung lagnat niya.
"Magpahinga ka na. Dito lang ako sa tabi mo kung may kailangan ka."
"Blue...may dugo..napano yan?" hahawakan na niya sana yung braso ko ng inilayo ko ito.
"Wag mo na tong intindihin. Wala lang to. Sige na matulog ka na. Gigisingin nalang ulit kita mamaya para makainom ka ng gamot mo."
"Okay sige...Goodnight Blue..Salamat." Nakatanggap lang ako sakanya ng isang ngiti at pagkatapos nun ipinikit na niya yung mga mata niya.
Inayos ko lang yung pinagkainan niya at yung ipinampunas ko sakanya. Umupo ako sa may gilid niya at pinagmamasdan ko lang siya habang natutulog siya.
*dug.dug.dug.dug.*
Eto na naman yung puso ko. Nagwawala na naman. Araw-araw nalang talaga nahuhulog ako sakanya. Hindi ko na yata to kayang pigilan.
Ellaine, mahal na nga talaga kita. Akala ko kaya ko tong iwasan pero hindi pala. Ipaparamdam ko na sayo tong nararamdaman ko. Hindi ko na pipigilan pa. Iiwasan ko nalang ang mga bagay na makakasakit kayo.
Hindi kita lolokohin. This time seryoso na akong magmahal. At ikaw ang dahilan kung bakit natauhan ako sa panloloko ko sa mga babae. Dahil sa concern mo nalaman kong may nagmamahal sakin kahit na ganito ako.
Isa lang naman ang gusto ko e. Ang may magmahal sakin ng dahil sa kung sino ako hindi dahil sa itsura ko. Ikaw Ellaine, mukhang mahal mo naman ako diba?
--
Pabebeng Note ni Author:Short Update. Wala na pumasok sa isip ko e. Haha! Okay siguro hanggang 20 chapters lang to. :)
kbye.
BINABASA MO ANG
I Need You (Vkook)
Teen FictionNang dahil sa isang katangahan nakilala ko sila. Paano na nga ba ang buhay ko ngayong kasama sila.