Red's POV
Anong oras na pero magkakasama pa rin kaming magka-kaibigan. Napasarap na rin kwentuhan e.
Ano na kaya ginagawa ni Blue sa bahay? Malamang tulog na yun. Eh si Ellaine kaya? Aish.
"Hoy Savana! Tulala ka diyan. Uuwi na daw si Ice. Ihatid mo na!" Blake.
"Huh?"
"Sabi ko uuwi na si Ice. Ihatid mo na, Magpaka-gentleman ka nalang sa girlfriend mo!" Bakit ba pinagpipilitan nila sakin si Ice? Tss. Di ko naman type tong babaeng to. Dahil ayokong mapahiya siya tumayo na ako.
"Naks. Ihahatid nga ni Red si Ice! Nagkakamabutihan na nga sila. Whoooo." Stephany.
"Eto na naman si OA." Blake.
"Alam mo ang epal mo talaga. Inaano ba kita? Nakakagigil ka na ha." Steph.
"Oh tama na nga yan. Nagsisimula na naman kayong dalawa eh." Vonn.
"Eh siya kasi e. Nagsasalita ako dito sabat ng sabat." Steph.
"Wait guys. Alis na kami ha? Baka magtagal pa dahil dito sa dalawang to e. Haha! Ingat kayo paguwi later." Ininom ko na yung huling baso ng alak saka ako tumayo.
"Ingat." sabi ko sakanila at naglakad na papalabas. Wala pang isang minuto naramdaman kong may nakahawak na sa braso ko. Pagtingin ko si Ellaine.
Damn. Ellaine?!
Ipinikit ko saglit yung mata ko at pagdilat ko si Ice pala yun. Akala ko si Ellaine.
Bakit siya nakita ko? Lasing na nga yata ako.
"Saan kita ihahatid? Tawagan mo na driver mo..Pasundo ka na dito." Sabi ko.
"Sa bahay ko. Tulog na yung driver ko. Ihatid mo nalang ako."
"Wala akong kotse. Magtaxi ka nalang. Tara isasakay kita." Alam naman niyang wala akong kotse eh."Mamaya di ako makauwi ng buhay. Ihatid mo nalang ako Red, Please?" Oo nga naman. Baka hindi pa siya makauwi ng bahay nila. Ang ikli ng suot. Baka halayin pa to ng masasakyan niya.
Hindi na ako nagsalita. Naglakad nalang ako dire-diretso. Alam ko naman na nakasunod lang siya sakin.
Saktong paghinto ko may dumating na Taxi. Binuksan ko.lang agad yun at tumingin sa may likod ko. "Ano pang hinihintay mo diyan? Sakay na..Para makabalik ako kaagad." nakita ko ang paglawak ng ngiti niya.
Aba. Ang saya niya ah? Pasalamat talaga siya hindi ko kayang maatim na magbiyahe siya magisa ng dis-oras ng gabi.
Tahimik lang kami sa biyahe. Ayoko naman kausapin siya. Baka mamaya isipin niya na gusto ko na rin siya. Ayoko talaga sakanya, Hanggang kapatid lang ang turing ko sakanya. Bakit kasi ako pa yung nagustuhan niya eh.Hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa tapat ng bahay niya. "Oh? Ano pang hinihintay mo? Pumasok ka na at magpahinga. Maaga pa pasok mamaya."
ngumiti siya sakin. Binuksan na niya yung pinto. Akala ko bababa na siya pero hindi pa pala. Lumingon pa siya sakin at....
*Chu~*
"Thank you Red. Ingat ka." Hindi ko na namalayan na wala na pala siya sa tabi ko. Tae, ang bilis niya ah?! Hinalikan ako.
Sinabi ko doon sa driver yung address ko. Haay, antok na antok na ako. Makatulog kaya ako ng maayos? Sasakit na naman ang likod ko nito e. Isang buwan na nga ako sa bahay nila Ellaine pero nahihirapan pa rin ako. Ang sakit matulog sa sofa. Hindi ako kasya. -__-
BINABASA MO ANG
I Need You (Vkook)
Fiksi RemajaNang dahil sa isang katangahan nakilala ko sila. Paano na nga ba ang buhay ko ngayong kasama sila.