First day of school went smooth.
Nagkaroon ako ng bagong friends at nakilala ko na yung mga bagong subject teachers. Naging class president pa ako. Ninominate kasi ako ng bago kong friend sa room tapos ako yung may pinaka maraming votes.
Sana wag akong ma stress sa section na 'to.
Nung break time, nagkita-kita kami nina Abby sa may quadrangle para sabay-sabay kaming mag recess. Hindi na ata talaga kami mapaghiwa-hiwalay sa kahit na anong gawin namin.
"How's your first day, guys?" Tanong ni Abby.
"Okay lang naman. Naging muse pa nga ako, eh" sagot ni Rian sabay pabirong nag hair flip.
"Ay wow. Sana all muse. Sinong escort?" Tanong ni Abby.
"Yung classmate naming gangster" sagot ni Emjay na sinundan ng malakas na halakhak. Magkaklase parin kasi sila na Rian kaya alam niya.
Maya-maya ay nasamid ito sa kinakain dahil sa kakatawa kaya agad ko siyang inabutan ng tubig.
"Yan, deserve. Tawa ka pa, ha. Kainis nga, eh. Feeling ko ninominate lang nila ako para ma-ship sa kaklase ko" sambit ni Rian.
"Ikaw, Avi? I heard, naging president ka daw, ah" Tanong ni Abby.
"Wow naman. From class secretary to president ang dating ni ate. Baka, Averie 'yan" sabi ni Emjay.
Secretary kasi ako sa section namin dati. Hindi ko din inexpect na magiging president ako this school year pero I guess, it's for the better? Para matuto din ako at ma-enhance ang leadership skills ko.
"Kaya nga, eh. Nag level up na ako. Pati responsibilities, nag level up na din" sabi ko at kumagat sa turon.
"Okay lang 'yan, girl. You can do it, ikaw pa?" Abby, being a motivational speaker she is, remarked. I somehow felt relieved dahil sa sinabi niya.
"Dahil diyan, sayo nalang 'tong choco mucho ko" inabot ko ang chocolate ko kay Abby na ikinatuwa naman niya.
"Really? Thank you, Avi. You're the best talaga!"
"Hoy, ang daya! Si Abby lang binibigyan! Kami rin, pahingi!" Rian exaggerated kaya inagaw nila ang chocolate kay Abby at itinaas iyon sa ere para hindi niya maabot. Kasing edad lang namin si Abby pero siya ang pinaka kapos sa height. Bumawi nga lang sa ganda.
Nag sabay-sabay ulit kami nung uwian. Hindi talaga boring at walang dead air kapag sila ang kasama ko pauwi. Sinusulit ko ang mga pagkakataon na kasama ko sila dahil alam kong magiging memories nalang ito sa future. Hindi kami habang buhay na magiging magkakasama. We will have to part ways because that's life.
Pag dating ko sa bahay, nagbihis agad ako at kumain. I did my nightcare routine at tsaka ako gumawa ng assignment. Oo, first day palang, may assignment na. Gumawa din ako ng group chat namin per subject at in-add ko lahat ng classmates ko. 11:00 PM na ako natapos kaya natulog na ako agad dahil may pasok pa bukas.
***
Kinabukasan, nagising ako at nagluto ng almusal. Nasa trabaho na si Mama at Papa since 10 AM na. Kahapon lang hindi pumasok si Mama dahil day off niya. After eating, naligo ako at nag ligpit sa kwarto ko.
Habang nire-ready ko ang mga dadalhin sa school, nakita ko yung payong na binigay sa akin nung lalaking hindi ko alam kung sino. I decided to give this back to him. May sarili naman akong payong. Hindi ko kaylangan nito. At saka mahirap na din ang buhay ngayon kaya hindi dapat tayo namimigay ng payong sa kung sino-sino. Ewan ko kung anong connect basta ganon.
YOU ARE READING
Sun Rays
RomanceShe kept loving someone that she cannot have without noticing the other person that did nothing but to shower her with love and stay by her side all the time.