"Gusto mo bang sumali sa SCO?"
Nandito kami ngayon sa may fishpond ng school. Recess time kasi at dito namin napiling tumambay.
"Bakit?" tanong ko.
"Naghahanap kasi ng candidate yung partylist namin para sa posisyong secretary. Yun nalang ang kulang namin, eh. Sige na, sumali ka na please" pamimilit ni Emjay.
"Pag-iisipan ko muna. President na nga ako sa room namin eh, baka hindi ko kayang pagsabay-sabayin"
SCO stands for Student Council Organization. Kapag may mga projects and events sa school, kadalasan yung mga SCO officers ang nag ho-hold. May parte sa akin na nahihiwagaan at gustong sumali dahil may mga advantages iyon kagaya ng certificates tuwing recognition at bagong social circle with your org mates. Isa pa, nakaka proud tignan kapag suot mo yung org shirt niyo with your surname and position sa likuran. Pero I hate skipping classes. Kapag tumakbo ako at sakaling manalo, sigurodong maya't-maya ang pag excuse sa akin sa klase sa tuwing may events. Mas lalo nang dadami ang responsibilities ko. Pero ayos lang lahat ng 'yon kapag hangad mo talagang makapaglingkod sa mga kapuwa estudyante mo.
"Kaya yan! Tsaka sure ako na mananalo ka, marami namang nakakakilala sayo dito" pangit man pakinggan, alam kong totoo ang sinabi ni Emjay. Popularity over credentials na nga talaga ngayon. Kahit maganda ang platforms at credentials mo, parang wala ding silbi dahil mas pipiliin talaga ng mga voters yung mga kilala.
"Hindi naman. What if matalo ako?" Tanong ko. I have a great fear of losing. Hindi ko gusto ang pakiramdam ng natatalo. Lahat naman siguro, ayaw 'non. Kahit pa sabihin natin na parte din ng buhay ang pagkadapa at pagkatalo, aminin na natin na lagi nating hinahangad na manalo.
"Manalo ka man o matalo, okay lang yun! At least you tried, diba? At saka akala ko ba, new school year's resolution mo ang mag try ng mga bagong bagay at hindi pangunahan ng hiya at takot? Sige na, girl! Sali ka na!" Pangungulit pa niya.
He was right. Sinabi ko sa sarili ko na hindi na ako magsasayang ng opportunities para maka experience ng mga bagong bagay. Why not give it a shot?
"Sige. Try ko"
"Yiee! Perfect! Kumpleto na kami. Wait lang, icha-chat ko si ate pres na may nahanap na ako ng tatakbo for secretary" natutuwang sabi niya sabay pindot sa cellphone.
I know i can do it.
Pagkatapos ng dalawang linggo, simula na ng campaign. Excused kami sa klase dahil gugugulin namin ang buong maghapon para mangampanya. Naka yellow t-shirt lahat ng members ng partylist namin dahil iyon ang color na napili namin. May dala din kaming banner at flyers na may nakalagay na names namin at position na tatakbuhan.
Nagsimula kaming mag room to room sa mga grade 9 buildings. Sumunod naman sa grade 10. Afternoon classes kasi ang grade 9 and 10, grade 7 and 8 naman, morning classes. Sabi ni pres, bukas na daw kami mag ca-campaign sa grade 7 and 8.
Dama ko na yung pagod habang umaakyat papuntang second floor. Last building na 'to na pupuntahan namin pero may three remaining floors padin.
"Good afternoon, ma'am. Mag ca-campaign lang po kami saglit" paalam ni ate Chu, president namin.
"Sige, pasok kayo" the teacher let us in. Tahimik ang mga estudyante, siguro nag di-discussion sila.
"Good afternoon everyone! We are Sandigan Partylist" sinimulan namin ang pag i-introduce isa-isa at pati na din ang pag e-explain ng platforms namin.
After my turn, nakinig nalang ako sa mga sinasabi nila at tumingin tingin sa paligid. Yung iba, nakikinig. Yung iba naman, nagdadaldalan. Siguro jina-judge kami or what. Meron ding iba na kumukopya lang sa slides na naka flash sa tv screen at walang pakialam sa mga dinadada namin. Meron ding kumakain kahit tapos na ang recess— wait!
YOU ARE READING
Sun Rays
RomanceShe kept loving someone that she cannot have without noticing the other person that did nothing but to shower her with love and stay by her side all the time.