"Who's your president?"
"Ma'am" I raised my right hand to get my teachers attention.
Isang taon na din ang lumipas at heto, grade ten na kami. Ang bilis ng panahon. Kaunting kembot nalang, tapos na kami ng junior high.
Kami-kami pa din ang magkakaklase ngayong grade ten dahil iyon ang sistema ng school na 'to. Sayang, gusto ko pa namang maging classmates yung mga friends ko. That would be fun.
Section at teachers lang talaga ang nag iba dahil napagdesisyunan naming magkakaklase na 'wag nang baguhin ang officers.
So technically, I'm still the president. Pero okay lang naman 'yon sa akin because my section isn't that hard to handle. Masunurin naman sila kahit papaano. Naii-stress lang talaga ako sa mga stealing issues ng section namin.
Pati ang classroom namin ay same pa din which is a good thing dahil heto ang pinakamaganda at pinakamalinis na room sa buong building. No wonder na ito palagi ang ginagamit kapag may mga observations at final demo na gaganapin.
"Kindly distribute this work sheets to your classmates" utos niya at iniabot sa akin ang mga papel. Second day pa lang, nagpapaulan na agad sila ng mga activities.
Nami-miss ko tuloy nung elementary na kapag first day of school, wala kayong ibang gagawin kung hindi ang mag recess at kilalanin ang isa't isa. Ngayon, hindi na ganon. Introduce yourself to teachers lang tapos discuss agad ng first lesson.
Ine-expect ko din naman na 'to dati pa. Alam kong mahirap at maraming gawain ngayon dahil grade ten ang last level ng junior high at graduating na kami.
"Miss president, kindly collect the work sheets of your classmates and submit it to me tomorrow. Nasa reading room lang ako since wala akong schedule sa inyo tomorrow. Understood?"
"Yes, ma'am"
"Good. You may now have your break. Goodbye and thank you"
"Goodbye and thank you, ma'am Santos"
Finally, break time na. Pagkatapos kong ipamigay ang worksheets, kinuha ko ang wallet ko sa bag at dali-daling lumabas ng room.
Pagpasok sa canteen, tumambad sa akin ang maraming estudyante pero I still managed to find my friends' table. Bumili muna ako ng ensaymada at calamansi juice bago pumunta sa kanila. Umurong si Ichiro sa upuan para magkaroon ng space at makaupo ako sa tabi niya.
"Sakit ng katawan ko" Rian groaned.
"Ano bang ginawa mo? Bakit sumasakit katawan mo?" tanong ni Emjay na sumisipsip pa sa palamig niya.
"Tsk. Buong araw kaming nag training kahapon, eh" sagot niya sabay sunod-sunod na umubo.
"Oh, inuubo ka na. Baka nagpapatuyo ka ng pawis?" sabi ni Ichiro.
"Hindi, ah" tanggi ni Rian.
"Eh bakit ka inuubo? May pilay ka ba? Look, umiinom ka pa ng malamig!" walang nagawa si Rian kung hindi kumain habang pinagsasabihan siya nila Emjay.
"You should take care of yourself. Intrams is coming pa naman, diba Avi?" tanong ni Abby.
"Oo nga. Baka hindi ka makapaglaro niyan" I said, attempting to scare her out.
"Hindi 'yan. Ang OA niya naman! Natural lang na mapagod ako. Athlete ako, eh"
"Kaya nga. Athlete ka kaya dapat ingatan mo yung katawan mo. Magpahinga ka muna. Kung may training kayo mamaya, 'wag ka munang pumunta. Akong bahala kay coach Azazel" sabi ni Emjay.
"Ayaw ko! Malapit na ang intrams-"
"Rian, 'wag matigas ang ulo" seryosong sabi ko kaya napatango nalang siya.
YOU ARE READING
Sun Rays
RomanceShe kept loving someone that she cannot have without noticing the other person that did nothing but to shower her with love and stay by her side all the time.