"Bakit ka may dalang gitara?" tanong sa akin ni Abby.

"Tuturuan daw ako ni Ichiro"

"Really? H-he offered to teach you?" parang hindi makapaniwalang tanong niya.

"Oo. Sinabi niya kahapon. Nabanggit ko kasi na hindi ako marunong tumugtog ng gitara"

"Oh. You know what? I think he likes you. You seem special to him" judging by her face, she looks like she said something that would hurt her. Para siyang may sinabing bagay na hindi niya kayang sabihin pero pinilit niya pa din.

Could the reason be . . .

Hindi ko gusto ang patutunguhan ng usapan na 'to kaya nagpatuloy nalang kami sa paglalakad at hindi na nag salita hanggang sa makarating kami sa usual waiting place namin. Sa tapat iyon ng street food stall at dito kami tumatambay kapag hindi pa binubuksan ang gate dahil malilim at tahimik dito. Medyo malayo sa matao, mainit, at maingay na waiting shed sa tabi ng main gate.

Umupo kami sa upuan na gawa sa semento at nanatiling tahimik. Ang awkward tuloy. Bakit ba kasi niya naiisip na gusto ako ni Ichiro? Lagi nalang ganiyan. Ilang beses ko bang sasabihin na kaibigan lang ang tingin ko kay Ichiro at ganon din naman siguro siya sa akin? Mabait lang talaga siya. He treats all of us like a precious people. May mali ba doon?

Imbis na mag rant sa utak ko at mag isip ng kung ano-anong bagay, napagdesisyunan kong kausapin nalang si Abby tungkol sa naiisip niya. Minsan lang siyang mag sabi ng saloobin niya kaya hindi na dapat ako magtampo sa ganitong sitwasyon. At isa pa, I hate the awkwardness! Ayaw kong tumagal pa 'to.

"Paano mo nasabing special ako kay Ichiro?" I asked her. Ayaw kong matulad siya sa ibang tao na tinatago nalang ang mga iniisip at nananahimik nalang dahil lagi silang kinokontra.

Parang nag aalangan pa siyang mag salita pero wala na siyang magagawa dahil nakatingin na ako sa kaniya at nag-aantay ng sagot.

"A month ago, I also discovered that he plays guitar. Sinadya kong sabihin na hindi ako marunong mag gitara kahit marunong naman talaga ako" she chuckled.

"You lied? Bakit?"

"Haven't you really noticed it? 'Till now?" she asked, her eyes finally looking straight through mine.

Ang ano? Teka, ano bang puwedeng maging reason niya para sabihin kay Ichiro na hindi siya marunong mag gitara kahit marunong naman talaga siya?

Naputol ang pag-iisip ko nang bigla siyang mag salita.

"I lied because I wanted him to teach me. Not just simply to teach me, but to also spend time with me. Why do you think?"

I'm not dumb. Sa dami ng mga sinabi niya, naisip ko din ang sagot.

"Because you like him? Tama ba?"

She just sighed as a response.

"Should I take it as a yes?" muli kong tanong. Baka kasi mali lang ako ng iniisip.

"Dati pa, kung alam mo lang, Avi. Nagustuhan ko siya simula pa nung grade eight kami. Magtatatlong taon na kaming magkakilala. Gusto ko na siya nung mga panahong. . . hindi mo pa siya kilala"

So all this time, crush niya pala si Ichiro, huh? I can't help but to hide my smile. Abby just opened up her feelings to me. She told me her feelings towards Ichiro, which she rarely do dahil nga madalas ay tinatago niya lang ang nararamdaman niya.

Sana mag tuloy-tuloy na 'to. Ang pag amin niya sa akin ay isang palatandaan na nagtitiwala siya sa akin. That's a progress for her. She's brave for that because even myself knows that I can't admit my feelings. Hindi ko kayang umamin sa iba dahil natatakot ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 22 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sun RaysWhere stories live. Discover now