"Bye, Ollie!" paalam ko sa bago kong tuta na kanina pa pinapahid ang sarili sa mga binti ko na para bang ayaw niya akong paalisin.
"Kawawa ka naman. Maiiwan ka dito mag isa. May pagkain naman diyan, kainin mo nalang kapag nagugutom ka, ha? Babalik agad si ate, okay?" parang ayaw ko tuloy umalis dahil napakalambing nitong si Ollie.
Nag research ako kagabi ng magandang pangalan ng aso at ito lang ang pumukaw ng atensyon ko. Bagay naman ang Ollie sa kaniya. Alam kong nagustuhan din niya iyon dahil sa tuwing tinatawag ko ang pangalan niya, agad siyang lumalapit at iwinawagayway ang maikli niyang buntot.
"Kinakabahan ako sa exam natin" sabi ng nag-aalalang si Emjay.
"Bakit ka kakabahan? Nag review ka diba?" tanong ko. At alam ko namang maipapasa niya ang exam kahit hindi siya mag review. Emjay pa ba?!
"Syempre. Hindi naman pwedeng hindi. Ayaw kong bumagsak 'no"
"Oh, nag review ka naman pala, eh. You won't fail. Trust yourself" Abby assured, causing me to also gain trust to myself.
Hindi ako babagsak. Wala akong subject na maibabagsak because I know that I've been putting a lot of effort to my studies.
"Sus! Dami niyong sinasabi. 'Yan pa, babagsak? 'Wag nga tayong mag lokohan dito. Puro tayo academic achievers here, oh!" Rian said in a not so silent way kaya napatingin sa amin yung mga estudyanteng kasabay namin maglakad.
Etong si Rian talaga, hindi na naman nakapag preno!
"Edi sana all" rinig kong sabi ng babae sa likuran namin. Nakakahiya tuloy. Mukha kaming mayayabang!
"Tumigil ka nga, Rian! May mga nakakarinig sa 'yo" I mumbled and jokingly pinched her waist.
"Ano naman? Wala naman akong sinasabing masama, ah?" tatawa-tawang depensa niya pa.
Bakit ko pa nga bang naisipan na sawayin ang isang Rian Velarde?
"Tapioca tayo after taking the exam!" anyaya sa amin ni Abby.
It became our friend group's tradition to go to a milk tea shop near our school called 'Tapioca' whenever we finished our exams. Walang masyadong pumupunta at bumibili do'n dahil sa dinami-dami ba namang ka-kompetensya sa pagtitinda ng milk tea. Iyon ang pinupuntahan namin dahil bukod sa kaunti lang ang tao, masasarap din ang mga desserts na tinitinda nila. May libreng k-pop photo cards pa kaya bet na bet talaga doon nila Emjay at Rian.
"Gora ako diyan"
Nakakasira talaga nang mood kapag math ang first subject na ite-take. Parang nabibigla kasi yung brain cells ko, eh. Hindi ba puwedeng ESP muna? Math talaga? Kainis. But still, I was able to answer the questions confidently in every subject kasi inaral ko ang lahat ng iyon.
Dahil I did my best for today, it's reward time!
Noong uwian, nakita ko si Renji sa hallway, nakikipag usap sa mga friends niya. Medyo naging familiar na din sa akin yung mga friends niya dahil sa dinami-dami niyang mga kakilala, etong mga 'to ang madalas niyang nakakasama.
Nandon din ang muse nila, si Kristen. Matangkad, maputi, payat, at may maamong mukha. Katabi niya si Renji at nagtatawanan pa sila.
Ano naman?
"Uy, Averie!" sa sobrang pagkalutang ko, hindi ko namalayan na nasa harap ko na pala sila.
W-wait, baliw 'to, ah? Sinabi nang Avi lang ang itawag sa akin, eh! Kulit!
"Bakit?" tanong ko. I'm keeping my cool, kunwari hindi ko sila tinitignan kanina. At kunwari rin, hindi ako naaasar sa pag Averie-Averie niya.
"Ayan yung gf mo diba, Ren?" Tanong nung isa niyang kaibigan sabay tawa. Walang naging reaksyon si Renji sa sinabi ng tropa niya at inakbayan lang ako.
YOU ARE READING
Sun Rays
RomanceShe kept loving someone that she cannot have without noticing the other person that did nothing but to shower her with love and stay by her side all the time.