"Tara, Avi. Dito muna tayo" anyaya ni Emjay.

Nasa loob na ng bookstore si Abby pero sa katabing kpop merch store gustong pumasok ni Rian at Emjay. Wala naman daw kasi silang gagawin sa bookstore.

"Ayaw ko diyan. Hindi naman ako mahilig sa kpop" I spoke.

"Ako din, eh. Susundan nalang namin si Abby sa loob" sabi ni Ichiro.

"Tara" Pumasok kami sa bookstore at iniwan yung dalawa sa labas. Bahala sila diyan, magtitilian na naman iyon kapag nakita nila yung mga boyfriend kuno nila sa merch store.




I instantly loved the vibes inside the bookstore. Langhap ko ang bango ng mga libro. Ang sarap sa mata kapag nakikita ko ang mga shelves na punong-puno ng mga books. I can live here, actually.

Nag ikot-ikot lang kami ni Ichiro sa loob, tumitingin sa mga libro.

"Mahilig ka bang mag basa?" tanong niya.

"Oo. Super bookworm ako, eh. Ikaw?"

"Sakto lang. Depende sa mood"

"Anong klaseng mga libro ang binabasa mo?" tanong niya pa.

"Uhmm. . . Teen fiction, mystery novels, historical fiction, tsaka mga love stories. Minsan nagbabasa din ako ng mga educational books"

Biglang sumagi sa isip ko na may bagong nga palang ni-release na book yung favorite author ko. Right! Baka nandito na 'yon. Hinanap ko yung libro at kinuha sa shelf.

"Bibilhin mo 'yan?" tanong ni Ichiro.

"Yup! Favorite ko kasi yung author na nag sulat nito" he just hummed.

Nakaka-excite isipin na may bagong libro na naman akong babasahin bago matulog sa gabi. Excited na talaga akong basahin 'to!

"Love Triangle" binasa ko ang title ng librong hawak ko. Narinig ni Ichiro ang sinabi ko at tinignan din yung libro.

"Do you think, love triangle really happens in real life?" tanong niya. Nakakailang tanong na siya sakin. Kaunti nalang, iisipin ko nang ini-interview niya ako.

"Oo naman. Pero I haven't experienced it yet. Ikaw ba, ano sa tingin mo?" I asked him back.

"I'm not sure din" sagot niya sabay kibit-balikat.

"Totoo 'yon" I heard Abby's voice behind us. May dala siyang apat na libro sa braso niya.

"Huh? Anong totoo?" tanong ko.

"About the love triangle thing, totoong nangyayari 'yon. Sakit nga eh" Abby answered.

Ichiro and I stood there confused.

"Paano mo nalaman? Naranasan mo na ba?" tanong ni Ichiro.

"No. Hindi pa. I just think so, haha. Let's go na sa counter" sagot niya at nagpamauna nang maglakad papuntang counter.

I showed Ichiro a confused look.

"Ang weird niya these days"

"Siguro base on her experience 'yon"

"I don't think so. The last time I checked, wala pa siyang nagugustuhan. According to her" we just shrugged it off at pumunta nang counter para mag bayad.

Pag labas namin ng bookstore, saktong kakalabas lang din nila Rian. As I predicted, marami silang mga binili na na merch. Dalawang paper bag ang dala ni Rian at Tatlong malalaking paper bag ang kay Emjay.

"Tara na sa park. Gutom na ako" sabi ko habang hinihimas ang tiyan.

"Bakit? Hindi ka pa kumakain?" tanong ni Ichiro.

Sun RaysWhere stories live. Discover now