Prologue.

1.2K 39 8
                                    

“Daddy!”

Lahat napatingin sa akin nang sumigaw ako.

I smiled at him widely. Dinipa ko ang aking mga braso to hug him. Nang makalapit ako ay akmang yayakapin ko siya ay napatigil ako. Napatigil ako at bumagsak sa lupa nang bigla niya akong sinampal ng napakalakas.

“Dad!” rinig kong sigaw ni Kuya Justine.

Napanganga ako at tulalang nakatitig sa lupa. Parang nawala ako saglit tamang pag-iisip. Hindi pumapasok sa aking isipan ang nangyari.

“Don't you dare lay your filthy hands on me, you slut!”

“Hon…”

Nanginginig kong hinawakan ang namamanhid kong pisnge. Tila binuhusan ako ng malamig na tubig nang mag-sink sa akin ang nangyari.

Daddy slapped me. He slapped me!

Naluluha kong tiningnan si Daddy na ngayon ay nagbabagang mga matang nakatingin sa akin. Pinipigilan siya ni Mommy sa braso upang hindi siya makalapit sa akin.

“D-Daddy…”

“I’m not your Father! Dahil wala akong anak na malandi, kabit, at lalo sa lahat, makati!” galit sigaw niya

“D-Daddy… ano po bang sinasabi m-mo?” pinilit kong tumayo saka hinarap siya.

Nandidilim ang mukhang tumalikod siya sa akin saka kinuha ang hawak ni Ate Julianna na ngayon ay sobrang talim ang matang nakatingin sa akin. Humarap muli si Daddy sa akin saka itinapon ang mga bond paper na iyon sa harapan ko kaya napaatras ako.

Tinitigan ko ito. Napaatras ako lalo nang makita kung ano ang nakalagay roon. Napatakip ako sa bibig habang sunod-sunod tumulo ang aking mga luha.

Nakita ko ang larawan ko kasama si Keven. Hindi lang iyon. I saw myself and Keven kissing. Ito iyong gabi na…

Mabilis akong tumingin sa kanila lahat.

“H-Hindi… Mali po kayo ng intindi…” nahihirapan akong magsalita.

“Walanghiya kang babae ka! Napakalandi mo!”

Second LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon