Chapter 18.

355 9 0
                                    

Third Person’s POV.

Habang naghihintay si Yuan kay Lianna ay nag-uusap ang mga kasama niya sa mesa. All he can do was to listen while staring at the door in the cafeteria. Wala naman siyang connection sa mga pinagsasabi nila and he was not interested at all.

Nagtataka siya kung bakit ang tagal bumalik ni Lianna, eh, sabi naman nito na ilang minuto lang, but it was already half an hour yet she’s not back. Nakaramdam siya ng pag-alala.

He checked his phone to see if Lianna text him but there was none, not even a single word. Hindi niya alam kung bakit siya biglang kinakabahan pero pilit niya itong binabaliwala. Alam naman niyang kaya protektahan ni Lianna ang sarili niya. He knows what she was capable of.

“Okay ka lang?” he looked at one of Lianna’s friend, hindi niya alam ang pangalan pero mukhang masungit na nerd. Itim na itim ang buhok na hanggang balikat at may bangs pa. Napaisip si Yuan na kamukha nito ang isang cartoon na may dalang purple na bag na palaging nakikita niya na laruan at pinapanood ng mga bata.

“Yes,” maikling sagot niya saka iniwas ang tingin dito.

“Tsk. Sungit.” hindi niya pinansin ang babae dahil ayaw niya itong kausap. Baka ano pa masabi niya’t kaibigan ni Lianna ito kaya ayaw niyang hindi makipag-usap dito.

“Hayaan mo na ‘yan, Olis. Ganiyan naman talaga ‘yan,” rinig niyang sambit ng isa sa mga kaibigan din ni Lianna.

Hindi na niya pinakinggan ang mga ito at nagpatuloy sa paghihintay kay Lianna. Ang buong akala niya ay dadating talaga ito ngunit nag-klase nalang ay hindi pa rin ito dumadating. He kept on checking his phone but there was no message from her. Sobrang kinakabahan na siya but he kept on calming himself. Iniisip niya baka sumama na sa butler nito pauwi o kung saan.

Pero mag-uwian nalang ay wala pa rin si Lianna at maski isang text ay wala. Sa sobrang pag-alala niya ay nilapitan niya ang mga kaibigan nito kahit na hindi niya close ang mga ‘to.

“Where’s Lianna?” agad niyang tanong sa Apat.

“Ay jusko maryosep!” gulat na sabi ng may kulot na kulot ang buhok na may salamin, si Nadine. Gulat ang apat na nakatingin sa kaniya including ang jowa ni Luke. Hindi nila inaasahang lalapit siya sa mga ito at makipag-usap. It was their first time. Sa cold ba naman niya, akala mo nilagay sa freezer at ayaw sa tao.

“B-Bakit?” tumikhim si Evie. “Bakit mo naitanong? ‘Di ba nagpaalam siya sa’yo?” takang tanong niya.

“She didn’t come back.” Nagkatinginan ang mga ito at tumingin ulit sa kaniya pero walang maisagot ang mga ito. “What?” he started to lose his patience.

Second LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon