Chapter 17.

350 9 0
                                    

Lianna’s POV.

Pagkatapos ng usapan na ‘yon ay hindi ko na sila pinapansin hanggang mag-Monday. Akala yata nila mapapatawad ko sila sa ginawa nilang pambubugbug sa boyfriend ko. Pwes, hindi! Sobra-sobra ‘yong ginawa nila, halos patayin na nila ‘yong tao dahil sa pagka-overprotective nila. Naawa nga ako kay Yuan dahil halos hindi na siya makakain ng maayos. Kaya palagi ko nalang siyang pinupuntahan sa condo niya to help him.

Kung sa tingin nila na okay lang kay Yuan ang lahat, sa akin hindi. Magdusa silang hindi ko kinakausap. I don't care if they beg to forgive them. I don't care if they will jump on the building to ask forgiveness. Akala siguro nila sila lang ang marunong maging ruthless. Ha! I think they forgot that I have the same blood as them. I can be heartless too.

“Nasaan si Evie?” I asked Nadine after our first class. Hindi kasi siya pumasok but Kassandra told me na pumasok naman daw siya. Nakita pa nga raw siya kanina. Pero nakakapagtaka lang na hindi siya pumasok rito. Hindi naman niya gawain ‘yon.

After our first class, wala na kaming klase. Mamayang hapon na naman ulit. Pero ayaw naman naming umuwi dahil nagsasayang lang kami ng energy dahil babalik na naman kami rito. We decided we stay at the library muna. But we really need to find Evie, may usapan pa naman kaming ililibre niya kami ng pagkain sa lunch.

Nagkibit-balikat si Nadine. “I don’t know. Hindi siya nag-text.”

“Me neither,” sabi ni Olis habang binubuhat ang bag niya. Lalabas na kasi kami ng classroom.

I looked at Kassandra, bored. Lumaki ang mata niya. “What? I don’t know where she is.” Tinaasan ko lang siya ng kilay. “Totoo nga. As I’ve said, nakita ko siya sa hallway kanina pero hindi ko nilapitan kasi parang nagmamadali. ‘Yon lang talaga.”

Nagbuntong-hininga ako saka sinukbit ang shoulder bag. “Let’s just go. Baka nandoon na si Evie or maybe makakasalubong natin,” anyaya ko na ikinatango nila.

While walking towards the door, may narinig ako kaya binagalan ko ang paglalakad at nagpahuli.

“Bakit kaya hindi pumasok si Luke?” I heard Andrew asked. What? Hindi pumasok si Luke? Bakit hindi ko napansin ‘yon?

“I don’t know, Bro. Hindi rin naman siya nag-text,” sagot ni Ethan, I think he was checking his phone.

I heard Jason laughed. “Alam niyo naman kung ano ang ginagawa ng isang ‘yon kapag hindi pumasok. Malamang nakipag-se—”

“Gago!” sabay na sabi ng dalawa sa kaniya na mas lalo lang niyang ikinatawa.

Second LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon