Chapter 32.

377 19 2
                                    

Lianna’s POV.

“Kyah! Pupunta talaga tayo right now? I can’t wait!” malakas na tili ni Freya habang nagtalon-talon.

“Goodness! Your heels will break, stop that!” iritang saway ni Hannah habang inaayos ang sarili.

Nandito kami ngayon sa living room, hinihintay ‘yong mga kasama kong hindi pa tapos sa pag-aayos sa sarili. Nakaupo lang ako sa may sofa habang nagbabasa ng magazine while Porsia, Freya and Hannah were so noisy again.

We are being invited to the mansion of the Perez, my past family’s home. Hindi ko alam kung bakit pero nagulat ako nang biglang tumawag si Kuya Justine at sinabing inimbitahan kami ng magulang niya to have dinner in their mansion. Nakakapagtaka man dahil alam nilang hindi na ako interesado sa kanila but I guess they want to get to close to me again and seek for my forgiveness. Ha! Akala siguro nilang mapapatawad ko sila. They should keep on dreaming, baka sakaling hindi na sila magising. I’ll never forgive them.

After what they’ve done and said to me? They were expecting me to forgive them? Oh, the confidence they have. Hindi man nga lang nila ako kinakausap at nanatili lang tahimik when I am around. Well, who would talk to me if they know that they made me like this. They already forsaken me so why they did they invite me? For what? Gagawin ulit akong pamilya nila? Well sorry for them, I don’t see them as my family. I see them as strangers, nothing else.

“We’re done!”

Napatingin ako sa may hagdanan nang sumigaw si Mondra. There, I saw my other friends walking down the stairs. Nakasuot sila ng normal na damit kahit hindi naman required na magsuot ng ganoon. But they said that it looks good and presentable. Gusto nilang maging elegant sa harapan ng pamilya ko para ma-intimidate raw sila at syempre, pinasuot din ako ng katulad nila and hindi naman ako nag-reklamo pa, alam ko namang wala akong laban sa kabaliwan nila. Eh, sa totoo naman ay walang ka-elegant-elegant ang mga ‘yan except kay Warren, Hannah, at Porsia. Tsk!

Tumayo na ako at isa-isa silang tiningnan, tumango ako nang makitang hindi naman over ang pinagsusuot nila. Tiningnan ko rin ang sarili ko: I was wearing a white off-shoulder fitted dress na above the knee, black four inches heels and I have this black purse with me. Naka-braid ang bahaba at tuwid kong kulay puting buhok, may stands na iniwan sa harapan at may mga black pearls sa braids ko. Porsia did it when she saw that my hair was not still ready. I am also wearing a simple yet bold make-up, si Hannah naman ang may gawa. And I can say, I look stunning.

“Let’s go,” malamig kong sabi habang tinapuan si Vincent na nakatingin sa akin. I started walking towards the door.

“Lagot, galit pa rin Lianna. Halaka, Vincent,” rinig kong asar ni Mondra kay Vincent.

“Good job for making her angry, Bro. Hindi ka na makakalapit kay Lianna. Deserve,” natatawang asar din ni Verhel.

Second LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon