Chapter 22.

358 8 2
                                    

Lianna’s POV.

Hindi ako mapakali sa aking kinauupuan. I was sitting in the table with my siblings and our friends. Hindi ko alam kung paano ako napunta rito dahil ang bilis nang nangyari. Imbis na kila Mommy ako uupo ay hinila ako ni Ate Julianna to seat with them. Malaki ang mesa kaya kasya kami pero hindi naman ako komportable not as Lianna, but Christine. Paano ba naman kasi, nakatingin silang lahat sa akin na tila jinajudge ako. Of course, I have my mask on. They didn’t recognize me.

Simula nang makaupo ako rito ay wala nang nagsasalita, maski sila Kuya Justine. Panay sulyap ang tatlo sa akin na tila tinitingnan ang reaksyon ko. Halos ngiwi na nga ang binibigay ko sa mga taong lumalapit sa aking kinauupuan para batiin ako. Nakakailang ang atmosphere.

Idagdag mo pa ‘yong si Yuan na titig na titig sa akin kaya pilit kong iniiwas ang mata ko sa kaniya. I know he did not recognize me because of my eyes, my true eyes. Pero hindi ko alam kung bakit ang dilim at matalim ang kaniyang mata, para bang may nagawa akong masama. Huwag niyang sabihing nakilala niya dahil nako, impossible.

Napangiti ako nang may dumaang waiter. Ngayon ay makakatakas ako. Gusto kong kumain.

“Kuya,” tawag ko rito.

Tumingin siya sa akin at nagulat. “P-Po?”

Nakangiting tumayo ako at nilapitan siya. “Can you help me take food?” gusto kong tumakas sa table!

“Ay, ako na po ang kukuha, Ma’am,” natarantang aniya.

Umiling ako. “Hindi na, Kuya. Gusto kong ako na kumuha ro’n,” tanggi ko. Pero pinipilit pa rin niya ako. He kept on saying na siya na raw hanggang sa lumapit sa amin si Manang Selya at sinabing tutulungan nalang niya ang waitress. Hindi pa sana ako papayag kung hindi lang nagsalita si Kuya Justine.

“Let them, Li—Christine. Sit down and let’s all have a chat,” seryosong sabi niya ngunit muntik ko na siyang samaan ng tingin. Muntik na niyang masabi ang unang pangalan ko. I will definitely punch him if we get caught.

Wala akong nagawa dahil ayoko namang makakuha ng atensyon ng iba dahil sa pagmamatigas ko. All of the people here were enjoying themselves. At kailangan ko talagang umupo dahil sa akin nakatingin lahat ng nasa table namin. Kahit gustuhin ko mang umalis at makipag-usap sa ibang tao ay wala akong kilala maski isa. I remembered that I was hidden and don’t have friends as Christine except for Evie who was looking at me with eyebrow raised. Alam kong iniisip niya na ang weird ko’t parang baliw.

Nagbuntong-hininga nalang ako at napilitang umupo ulit, pilit din akong ngumiti sa kanila kahit na sobrang tahimik. Kanina pa talaga, they didn’t even introduce themselves. Bumati lang sila na parang hindi komportable at hindi makatingin ng diretso sa akin. I know that I am intimidating but I hope they didn’t made it so obvious.

Second LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon