Chapter 1

431 18 2
                                        


"Pumayag ka na kasi!" Kinulbit ko na namang muli si Archie na kanina pa siguro inis na inis sa presensya ko.

Kanina pa siya palakad-lakad dito sa sunken garden sa kaka-iwas niya sa akin— at kanina pa rin ako sunod nang sunod sakanya. Nakahinga ako nang maluwag namg sa wakas, umupo siya sa isa sa mga benches para ayusin ang camera na kanina niya pang dala-dala.

"Buti naman umupo ka! Kanina pa tayo lakad nang lakad eh, excercise ba 'yon? Alam mo, I think, pwede ka nang mag gym instructor!" I smiled.

Archie looked at me with extreme annoyance. Ibinaba niya sandali ang camera at inilapag ito sa pagitan naming dalawa.

"What do you need, Roxy? You're so loud, hindi ka ba makaramdam na kanina pa 'ko iritang irita sa'yo, ha?" He rolled his eyes.

"I want to interview you! For the publication, sa letters never sent!" I exclaimed.

Sa totoo lang, wala namang interviews ang letters never sent. Isa lang talaga siyang anonymous submission outlet ng mga estudyante na gustong sabihin ang mga nararamdaman nila. I-prinopose ko lang naman ang interview section para kay Archie.

I have always been curious about Archimedes Aguerro. Everyone sees him as this arrogant, indestructable, annoying but secured guy from the film department. Ganoon ang tingin sakanya ng lahat dahil ganoon ang pinipili niyang ipakita— but for some reason, I believe that he is more than that facade. I don't know, but it somehow feels like I can see through him.

"Letters never sent has no featured interviews, right?" He shot his brow up.

"Bakit mo alam? Fan kita, 'no?" Pag bibiro ko sakanya.

Hindi ko talaga naisip na alam niya ang letters never sent, kasi 'yong mga ganyang tao, hindi naman mukhang interesado sa dyaryo. Parang kahit sa imagination ko, hindi ko makitang nag babasa si Archie ng campus paper, 'no!

"Everyone knows The Clarion, Roxy. Kahit yata si manong guard, alam ang tungkol sa publication ng Journalism department sa sobrang ingay mo," He rolled his eyes once again. Hindi ko na mabilang kung ilang beses siyang umirap sa'kin ngayong araw!

"Basta pumayag ka na ha!" Pag pupumilit ko.

Nag sisimula nang lumamig ang simoy ng hangin dahil papalubog na ang araw. Hindi na naman pinansin ni Archie ang sinabi ko dahil nang mapansin niya ang takip silim ay agad niyang kinuha ang camera niya para kunan ito.

"Archie—" Mag sasalita pa sana ako ngunit natigilan ako nang kunin naman niya ang cellphone niya para mag play ng kanta.

"Will you shut up for a while?" He glanced at me. I nodded.

The cold wind gazed into our faces. Archie took his camera down once again as he quietly watched the sun go down. I loosened up because somehow, it felt comfortable.

I have witnessed how he is for the longest time, and I was used to seeing him fight with different people from here and there, cause troubles in and outside of school, scream, shout, and all that— but right now, I am seeing a different Archimedes Aguerro. He's quiet. He's calm— and I feel a lot more comfortable with this version.

Giliw, kung pahihintulutan mo ako
ipagkakatiwala ko sana sa'yo ang puso ko

Alamat lang ba ang pahinga ng dalawang puyat sa pira-pirasong mga bugtong? Nag tatanong.

"Why should I agree, Roxy?" He said silently without looking at me.

"It would help you... voice out your feelings?" I wasn't sure. He doesn't seem like the type of person who likes voicing out his thoughts. Maybe he does, but I'm sure he expresses it through art. Napanood ko na ang iilang short film na gawa ni Archie noon at doon ko unang nakita na may lalim siya. The script was good. His storylines were meaningful. His cinematography speaks thousands of emotions.

"In one condition," As expected. Lahat naman ng gagawin mo rito kay Archie, may kapalit! Hindi talaga pumapayag magpa lamang 'tong batang 'to.

"Ano pa nga ba?" I rolled my eyes for the first time today. Sinubukan ko agad na hindi mainis dahil gusto kong samantalahin na kalmado lang siya. Minsan lang 'to 'no! Sa ilang taong pagakaka kilanlan ko kay Archie, ngayon ko lang talaga siyang nakita na ganito ka-tahimik!

"Be my subject," Archie said as he looked directly at my eyes for the first time today.

"Sige, anong subject ba? Sana hindi Math," I joked around a bit.

Agad kong nakita ang muling pag babago ng ekspresyon ni Archie, ayan, maiinis na naman siya!

"Joke lang! Ano bang gagawin? Film?" I asked.

"Music video,"

My eyes sparkled. Mas matagal ang music video kesa sa isang interview kaya ibig sabihin, mas madami akong panahon para kilalanin pa siya. Mas mahaba ang panahon ko para subukang makita kung sino nga ba talaga siya. Mas madami akong pagkakataon para makita ang tunay na ngiti ni Archimedes Aguerro.

"Take it or leave it, Roxy," He shrugged. Kalmado na siya nang lagay na 'to pero ang yabang pa rin!

"Okay!" I said as if I didn't have any hesitations.

Napatingin si Archie sa'kin na tila ba nagtataka kung bakit ang bilis kong pumayag.

"What? Why do you want me in your paper so bad, Roxy? Alam mo ba kung gaano katagal mag shoot ng video?" He arched his brows.

Of course, I do. 'Yong simpleng stand ups nga ng Journalism, ang tagal bago namin matapos. Ano pa kaya ang video na talagang may flow at storyline?

Napatahimik ako sa tanong ni Archie pero pinili ko nalang na tumango. Archie sheugged and started to fix his things, making himself ready to leave.

"Text me," He gave me his freelancer calling card and left the place right after.

Napaisip din tuloy ako bigla kung bakit nga ba? Will everything be worth it? Will all of these pay off once I finally see Archimedes Aguerro's genuine smile?

Letters never sentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon