Chapter 7

687 30 27
                                    


"Kamusta 'yung sainyo ni Archie?" Tanong ni Sky na siyang kina-gulat ko. Anong pinagsasabi nito?!

Isang linggo na ang nakararaan simula nang ihatid ako ni Archie noong mag Antipolo kami. Hindi na kami nag usap simula nang araw na 'yon. Sabi ko kasi, mag te-text nalang ako kung sakaling matutuloy na 'yong letters never sent interview. Naging busy din ako nitong mga nakaraan kaya hindi ko pa siya ulit nako-contact. Hindi naman sa iniintay ko siya, pero hindi rin naman sinubukang mag paramdam ni Archie.

"Anong sa'min?! Tropa lang kami, huy!" Defensive kong sagot kay Sky.

Narito kami ngayon sa coffee shop na malapit sa university para mag habol ng backlogs. Thankful ako na kahit madami akong backlogs, atleast ito lang hinahabol ko, beh! Pass sa lalaki!

Napatingin sa akin si Sky na tila walang emosyon sa mga mata. May nasabi ba 'ko?

"Tanga, bakit?" Medyo kinakabahan kong tanong kay sky. Sumimsim siya nang kaunti mula sa kape niya bago inilapat muli ang tingin sa akin.

"Akala ko ba interview lang 'yan? Bakit biglang friends na kayo ngayon?"

Agad na nanlaki ang mata ko nang mapagtanto ang tunay na ibig sabihin ng tanong ni Sky. Pucha, Roxy, masyado kasing defensive! Feeling nasa korte kasi lagi, ayan, huli tuloy na parang disappointed akong friends lang kami ni Archie!

"Baliw ka, syempre, 'diba sabi ko nung nai-propose 'yung letters never sent, hindi siya formal interview? Parang tropa-tropa lang— ayan, trinopa ko!" Defensive ko na namang sagot.

Napaisip tuloy ako sa tanong ni Sky. Ayoko pa namang inaasar ako sa tao kasi parang nagiging crush ko talaga! Ayokong maging crush si Archie nang tuluyan, huy, sainyo nalang 'yang taong 'yan.

He literally sounds like bad news. Hindi ko yata kaya magka-crush sa taong ginagawang pangalawang tahanan ang club 'no! Mag o-overthink lang ako nang mag o-overthink na baka may kasamang iba o ano pa man. Tsaka, hindi naman sa judgmental ako, medyo ganon lang, pero 'yung sasakyan ni Archie, tipikal na sasakyan ng mga babaero. Ilan na kaya naisakay niya ron?

"Speaking of the devil," Sky simply pointed at the door as it reveals a man figure holding a girl by her waist. Archie.

I acted as if I didn't see anything. Ayokong titigan 'no! Mamaya isipin niya pang apektado ako.

"Ayos ka lang?" Tanong ni Sky na ikinatawa ko. Parang sira 'tong batang 'to, bakit naman ako magiging hindi okay?!

"Malamang?" Sagot ko kay Sky nang may kasabay na irap.

Ang sabi ko hindi ako titingin sakanila pero hindi ko mapigilan! Suot ni Archie ang tipikal niyang black shirt at flannel habang ang kasama niyang babae ay naka suot ng isang pink na sunday dress. Maganda siya. Bagay sila!

"Halata ka hoy," Puna ni Sky nang makita niyang wala na 'kong ibang ginawa kundi ang pag masdan sila mula nang pumasok sila rito.

"Halatang ano? Halatang masaya para kay Archie?" Pinilit kong ngumiti kay Sky.

Hindi naman sa pinilit ngumiti pero parang ganon na nga. Hindi dahil nagseselos ako o ano! Unfair lang dahil habang may kalandian dito si Archie, ako nag hahabol ng deadline. Lugi na naman, hindi na naman nanalo sa mundong 'to!

Sumimsim ako sa kape na binili ko habang patuloy na pinag mamasdan kung paano sila mag usap. Napa balikwas na
lamang ako nang umilaw ang cellphone ko.

From: Archie (medyo maligno)
Stop staring.

Kumunot ang noo ko sa nabasa. Feelingero na naman siya. Naiinggit lang naman ako kasi bakit may lovelife siya tapos ako wala? Ayun lang 'yon!

"Rest room lang ako, Sky!" Paalam ko kay Sky bago tuluyang tumayo mula sa kinauupuan ko. Mag aayos lang ako nang konti para naman slayable pa rin ako habang nag aaral kasi beh, ang kabobohan at ang backlogs, natatago naman 'yan! pero ang ganda, hindi! Slay lang nang slay, ate ko!

Bumuntong hininga ako kaagad nang makarating sa rest room. Bakit ganon?! Bakit ba tinitignan ko sila na para bang harap-harapan akong niloloko? Napaka OA mo, Roxy! Feeling pinag taksilan?

Ikinalma ko ang sarili ko at nag handa nang bumalik sa lamesa namin ni Sky. Hindi na ako titingin. Mag aaral na 'kong mabuti.

"Ay, maligno!" Napa balikwas ako sa gulat nang may lalaking nag aabang sa labas ng rest room. Hindi naman mali ang reaksyon ko. Maligno pala talaga.

Archie chuckled.

"Why were you staring? Selos ka?" He then raised his eyebrows.

Humilig sa pader si Archie at isinandal ang kaliwang kamay niya na tila kinukulong ako. Pinagpawisan ako bigla. Pucha, humina ba 'yung aircon?

"Selos your face! Kahit mag kiss pa kayo diyan, wala akong pakialam 'no!" Defensive kong sabi bago ko siya inirapan.

Akala niya yata nakalimutan ko nang 'di na siya nag paramdam simula last week. Back to zero na kami, wala na. Tapos makikita ko pa siya rito? Wala na, maligno na talaga siya ulit sa mata ko.

"She's a client, Roxy..."

"Client pero naka hawak sa bewang? Kasama ba 'yon sa package?" Tinaasan ko siya ng kilay pero hindi siya nagpa tinag at tinawanan niya lang ako.

"No, inalalayan ko lang kasi she almost tripped. Umiwas ka kasi agad ng tingin kaya you didn't see how quick it was lang. Sorry na," Pag papaliwanag niya.

Teka nga, bakit ba 'to biglang nag papaliwanag? Para namang obligasyon niyang sabihin sa'kin ang real score sakanila, 'no!

"Sorry na," Sabi niya habang ginagamitan ako ng puppy eyes. Cute— este mukhang maligno!

"Bakit ka ba nag e-explain, ha?" Hindi ko na mapigilang mag tanong.

"You were already killing me with your stares kanina. Hindi ko naman alam na selosa ka. Sorry na," Sambit na naman niya habang patuloy na nag papaawa at nagpapa cute sa'kin.

Naiirita pa rin ako sakanya, pero bakit ganon? Bakit parang tumatalab?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 06 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Letters never sentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon