"Ayoko nga, Roxy," Sky frowned.Ngayon ko lang sinabi kay Sky ang tungkol sa pag lalagay ng interview sa Letters never sent. Sky has to know because she's the acting EIC of our publication while our senior's on LOA.
Mag uumpisa pa lang ang meeting namin kaya talagang perfect time para sabihin ang tungkol dito!
"Sky, hindi tayo sasablay! Promise, cross my heart!" Pag pupumilit ko pa sakanya. Umirap si Sky at ipinag patuloy na lang ang pag aayos niya ng projector na gagamitin para sa meeting.
"Ano bang mapapala natin kay Archie bukod sa kayabangan niya?"
Pag tapos ng huling pag uusap namin ni Archie ay para bang mas gusto ko na siyang makilala. Nadala siguro ako noong tahimik na atake niya kahapon sa sunken! Tsaka medyo maganda rin pala ang music taste niya, 'no? Akala ko kasi puro rap songs tsaka mga skusta clee ang maririnig ko sa playlist niya. Akalain mong may shirebound and busking?
Umupo ako sa pinaka unahang upuan dahil gusto kong ipaglaban 'tong interview na 'to! Siguro nilagyan ni Archie ng gamot na kung ano 'yung water jug ko kaya ganito na lamang ako ka-curious sakanya!
"Madami! May lalim 'yon siya, Sky. Napanood mo na ba mga gawa niya?" I defended.
I'm really confident that his works alone are proof that he's something more than what we see.
"Matalino kasi, Roxy, hindi malalim. Baka magaling lang talaga siya sa craft niya," Pag salungat na naman ni Sky.
Totoo rin naman— matalino talaga siya. Back in highschool, everyone looked down on him for repeating a year. Hindi naman kasi talaga namin siya ka-batch pero na-delay ang graduation niya dahil bumagsak siya sa Math subject. Akala tuloy ng lahat bobo siya. Mali. Tamad lang si Archie. I mean, he wouldn't get into this university if he's not smart, right?
"Edi magagamit pa rin 'yon! Syempre kapag matalino, may substance, 'diba?" Pilit kong pag lalaban sa kagustuhan ko.
Hindi lang naman si Archie ang nag iisang mai-interview namin kapag naging bahagi na talaga 'to ng dyaryo. Kumbaga, si Archie ang practice ko para sa future ng Clarion!
We're currently on the second semester of our first year. Ilang buwan na rin kaming nag susulat para sa The Clarion, 'yong opisyal na publikasyon ng Journalism department.
Sky and I both went for UP Journalism. Ako, matagal ko na talagang pangarap kasi mahilig akong mag sulat. Si Sky naman, naniniwala na kaya niyang maging mabuting alagad ng midya na kayang sumalungat sa mga nasa itaas. Bukod pa ron, gagawin niya raw 'tong pre-law kung sakali man na kaya pa ni Tita Tanya na pag aralin siya ng law school. Na-realize niya lang 'yong mga pangarap niya nang dahil sa nangyari kay Luna. Wala gaanong ugong ng balita noon dahil lahat nababayaran— lahat nabibili ng pera, kahit na prinsipyo pa 'yan.
Nag simula na ang meeting nang makumpleto na kami. Kinakabahan ako! Ilang saglit lang ay tinawag na ako ni Sky para i-present ang ideya ko. Halatang labag sa loob niya!
"I would like to propose a new feature for Letters never sent, specifically, uh, one on one interviews!" I said optimistically.
"Hindi ba salungat sa layunin? Hindi na siya anonymous, Roxy," One of the board members said.
It was a great question and indeed a great way to debunk the idea... kaso prepared ako, 'no!
"Kikilalanin natin sila nang mas malalim, pero hindi natin ilalabas sa dyaryo kung sino sila unless, choice nila. It will be between them and the publication. Tsaka, karamihan sa mga sumusulat sa letters never sent, walang mapagsabihan kaya doon nilalagay. A lot of them needs someone to talk to. It would benefit them as well," I said confidently.
My face lit up when I saw some of them agreeing to the idea. I proceeded.
"May senders tayo na gustong mag labas ng saloobin— bukas pa rin ang website para doon. May mga senders din tayo na gusto ng sagot para sa mga saloobin nila— dapat bukas din ang publikasyon para sakanila. Kumbaga, confession page pero may sasagot sa'yo! It wouldn't be a formal interview. Not at all. Para lang natin silang tropa!" I initiated.
I ended my presentation after a while. Umupo ako habang ine-evaluate ang naging suggestion ko. Nag presinta na rin ako na pwedeng ako ang gumawa ng one on one interviews kasama ang mga sender.
"Let's try it," Sky agreed. Finally. Everyone in the room voted and the results were great. Everyone agreed to atleast give my suggestion a chance.
After the meeting ended, Sky and I started to roam around to find a place to spend our vacant time on. Kanina pa kami paikot-ikot, sigurado akong sa isang random na upuan lang din naman kami uupo!
"Ano bang nakain mo, Roxy? Talagang may powerpoint ka pa kanina ah," Pamumuna na naman ni Sky.
"Curious nga ako, teh! Ano kayang itsura ng totoong ngiti ni Archie? Kasi Sky, isipin mo, lagi siyang naka busangot! Parang hindi nabibigay cravings ng nanay niya habang pinagbubuntis siya!" I laughed.
Kagaya ng inaasahan, nandito na naman kami sa isang random na upuan sa campus. Sawa na nga yata kahit ang mga maligno sa'min kasi araw-araw nalang kaming nandito!
"At anong mapapala mo sa ngiti ni Archie? Trip mo ba 'yon, hoy?" Nanlaki ang mga mata ni Sky nang sambitin ang huling tanong.
"Hindi 'no! Pero ano naman kung oo? Pogi naman si Archie ah!" I defended. Totoo naman. Gwapo naman talaga si Archie kahit na ganon 'yon na laging galit sa mundo! Ang daming may gusto sakanya, lalo nitong mag college pero ayon, wala talaga siyang pakialam. Mukha lang siyang babaero, pero sa totoo lang, hindi man lang niya tinatapunan ng tingin ang mga nag papapansin sakanya! Pogi behavior.
"Tarantado 'yon, Roxy, obvious naman!"
"Ang judgmental mo, huy! Kaya nga kikilalanin ko sa letters never sent!" Pag po-promote ko na namang muli sa suggestion ko.
Siguro pag uwi ko ng dorm, tatawagan ko na si Archie. Text ba o tawag? Formal ba dapat o chill lang, ganon? Roxy na masaya o Roxy na taga Clarion? Teka nga, bakit ba masyado akong worried? Si Archie lang naman 'yon!

BINABASA MO ANG
Letters never sent
FanfictionEveryones sees Archimedes as this good for nothing guy from UP Diliman's film department. He's intimidating, arrogant, and a total red flag, like what most of them would say. However, Roxanne seems to see him from a different light. She has always t...