Medyo madilim ang lugar. Medyo tago at papasok din kasi kaya tahimik. Kung saan saan ako pinag bibitbit ni Archie! Mamaya hideout pala nila 'to nung mga tropa niyang laging high eh!
"Hoy, sure ka bang walang adik dito?" I asked. Tumingin siya sa'kin nang blangko ang ekspresyon. Nag tatanong lang naman ako para sigurado!
"Why would I even bring you here kung meron? Besides, I don't use that shit anymore," He said as he walked towards the front door.
I wonder how long he's been clean. Magandang balita ulit ng panginoon 'yon na tinigil na niya.
"Weh? Bakit 'di ko alam?"
Napahinto si Archie sa paglalakad nang marinig ang tanong ko. Lumingon siya sa'kin nang may inis sa mukha. Ayan na naman siya, lord! Naka maligno mode na naman!
"Dapat bang ipagkalat ko na 'di na 'ko gumagamit?"
Hindi naman sa ganon... pero hindi naman kasi mahirap malaman 'yung buhay nito. Huminga lang 'to, alam na ng lahat eh.
"Hindi naman! Chill, galit ka na naman beh," Sabi ko nang irapan ko siya.
Archie opened the door for me. Bumungad sa'kin ang isang kulay gray na studio apartment na puno ng instruments. May iilan ding mga painting na nakasabit.
"What took you so long?" Si Gino ang bumungad nang pumasok kami.
Poch was already sitting in front of his drums. Mukhang si Archie nalang talaga ang iniintay nila.
Okay 'yung paligid. Maaliwalas at talagang manly ang itsura. Sa tabi ng couch ay mayroong isang picture frame na kuha mula noong graduation namin.
"Why are you... here?" A girl who came out from the rest room said. It was Archie's sister, Zyra.
Napalingon ako nang marinig ko ang pamilyar na boses ni Z. Bukod sa buhok niya na ngayon ay kulay gray na, wala naman siyang masyadong pinagbago. Mukha pa rin siyang maldita.
"I brought her, Z. Be nice, she's a visitor," Sabi ni Archie bago niya ako iginaya na umupo sa couch kung saan umupo si Z.
Kinuha na kaagad ni Archie ang bass guitar niya at inayos ang distortion nito sa amplifier. Ilang beses ko na silang napanood tumugtog pero first time ko sa practice nila. Malamang! Hindi naman kami close ng mga 'to. Kulang na lang isumpa namin ang isa't isa noon.
"Bakit mo kasama kuya ko?" Tanong ni Z sa gilid ko.
"Ini-interview ko sa Clarion, sumama lang ako dito," I answered with all honesty. Ayokong sabayan 'yung taray look ni Z, 'di naman ako pumunta dito para makipag digmaan sakanya, 'no!
"Just say you like my kuya and go," She said and rolled her eyes at me.
Aba? Maldita pa rin talaga. Hindi uso character development, teh?
"Kadiri naman!" Umarte pa ako na parang nasusuka. Hindi ko naman talaga type si Archie, 'no. Masyado siyang mukhang maangas for my liking. Gusto ko 'yung mga soft boy lang para bagay sa soft babygirl like me!
"Whatever," She rolled her eyes once again.
Nag simula nang tumugtog sina Archie. It was an unreleased original song of them dahil ngayon ko lang narinig ang isang 'to.
Gino's voice is really one of a kind. Kapansin-pansin kasi maganda talaga. Sa kanilang tatlo, si Gino ang may pinaka maraming fans when it comes to their music. Mukhang mas malaki nga lang ang reach ni Archie dahil bukod sa music, kilala rin siya sa short films niya. He also frequents a lot of clubs kaya mas maraming kakilala.
Mukhang kilalang kilala ko sila sa pag k-kwento ko, 'no? Sa totoo lang, wala pa sa kalingkingan ang alam ko. Everything I know is surface level. Hindi ko alam kung ano talagang tunay na pagkatao ng mga 'to, lalo na kapag sila-silang mag to-tropa lang. Puro bad side lang yata ang alam ko sa mga 'to kasi ayun ang reputation na pinapakita nila. I wonder who's the most caring among them.
Hindi ko namalayan na tapos na ang practice nila. Hindi ko rin namalayan na malalim na ang gabi dahil aliw na aliw ako sa music nila.
"Uwi na 'ko," Paalam ko sakanila.
"You're so kj naman, stay for a while!" Z urged me.
Oh, isa pa 'to! Ano din ang nakain nito? Kanina, kulang nalang matanggal 'yung eyeballs sa kaka-irap sa'kin, tapos ngayon, gusto na akong ka-bonding?!
"Ayaw, uwi na 'ko!" I insisted to go home. Nakita ko ang pag babago sa mukha ni Z. Oh, galit na naman. Kanina, gusto akong maging bff tapos ngayon mortal enemies na naman kami!
"I don't like you for my kuya na!" She frowned. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Pucha, akala ba talaga nito may gusto ako kay Archie? Gustong makilala, pwede pa— pero gustong "gusto"? jusko, hindi na 'no! Over my dead body!
"Ay bakit? Hindi ko rin naman like 'yang kuya mo!" I said defensively.
Gino and Poch laughed at what I said and teased Archie. He seem irritated already. Pikon!
Kinuha ko ang mga gamit ko at tumayo. Uwing uwi na 'ko! Bukod sa masakit na ang likod ko, marami pa 'kong gagawin pag uwi ko. Hindi yata ako nauubusan ng gawain sa mundong 'to! Parang ang dami masyado ng misyon na nabigay sa'kin si lord noong ginagawa niya ang character ko!
"You're so mean, kuya's nice kaya," Z defended her brother.
"Ito, defensive! Wala naman akong sinabing masamang tao kuya mo," I answered back.
Mukha naman pala silang normal na tao kapag sila-sila lang. Hindi naman nila inaaragabyado ang isa't isa. Normal na mag to-tropa lang, ganon. Hindi ko lang talaga sila makitang normal noon kasi ginagawa nilang hobby maging bwisit sa buhay ko.
"Uwi na 'ko. Thank you! Archie, una na 'ko," Naka ngitinh sabi ko bago ko sila tuluyang talikuran. Poch and Gino waved their goodbyes, Z continued to murmur stuff, while Archie remained silent.
Dire-diretso akong lumabas ng pintuan at tuluyan nang nag lakad palabas sa subdivision kung nasaan ang apartment nila. Medyo madilim ang kalsada dahil hindi naman lahat ay may ilaw sa labas.
Medyo malayo na ako nang mapahinto ako dahil sa naririnig kong tumatawag sa pangalan ko.
It was Archie.
Agad siyang lumapit nang mapagtanto na huminto ako para hintayin siya. Naka suot siya ng isang simpleng puting t-shirt habang hawak niya sa kanang kamay niya ang gray na hoodie na suot niya kanina nang magkita kami sa UP.
He handed it to me. I looked at him confused.
"Malamig," Sabi niya na para bang nababasa niya ang mga tanong sa isipan ko.
"Thank you," I smiled genuinely at him. Tinanggap ko ang hoodie at akmang tatalikod na sana nang hawakan niya ang braso ko.
"Can I bring you home?" He said as he showed a small smile. It was his most genuine one yet.

BINABASA MO ANG
Letters never sent
FanfictionEveryones sees Archimedes as this good for nothing guy from UP Diliman's film department. He's intimidating, arrogant, and a total red flag, like what most of them would say. However, Roxanne seems to see him from a different light. She has always t...