Chapter 6

438 19 9
                                    


"Wow, city lights!" Parang bata kong sambit ko nang ihinto ni Archie ang sasakyan sa isang tabi.

The car windows are open kaya patuloy lang ang pag salpok na malamig na hangin sa amin. Madilim ang paligid at hindi gaanong dinarayo ng mga tao ang lugar na pinag tigilan ni Archie ng sasakyan. Nang tanungin ko siya kanina, Antipolo raw 'to.

"Sorry, I wasn't able to bring you somewhere nice. Hindi ako prepared," He said shyly.

Agad ko siyang nilingon nang may pagtataka. Anong pinagsasabi nito? Somewhere nice naman 'to ah! Tsaka anong sorry? Kailan pa 'to natutong mag sorry? Gabi-gabi nalang talaga ako ginugulat ni Archie sa mga pasabog ng personality niya. Para siyang pokemon na nag e-evolve tuwing gabi!

"Ano bang definition ng nice sa'yo? Maganda naman dito ah!" I stated genuinely.

First time ko nga makapunta sa ganito! Hindi naman kami gumagala dahil wala naman kaming car na galing kay mom and dad kagaya ng mga richkid sa Northford— mga taong ka-level nito ni Archie. Hindi rin naman kami nag co-commute dahil nanghihinayang kami sa pamasahe. 18 pesos na kaya ang LRT ngayon!

"I don't know, something fancy? Like a dinner or something," Sambit ni Archie habang nananatili kaming nakaupo sa sasakyan niya.

Napatingin ako sa kanya.

"At bakit mo naman ako iti-treat ng dinner?" Pang aasar ko sakanya.

Napansin ko na agad siyang nag iwas ng tingin at tila 'di alam kung anong sasabihin o gagawin. Ang cute! Para siyang bata na naliligaw sa sm na tinitignan ang lahat ng taong may kapareha ng kulay ng damit ng nanay niya para pag kamalang ayon nga ang guardian niya.

Syempre kapag kay Archie ko sinabi 'yan, hindi niya makukuha 'yung reference. Paano maliligaw 'to sa mall nung bagets pa siya, eh may bodyguard sila mom and dad?

"Let's go na nga," Ayan nalang ang nasabi niya. Akma ko na sanang bubuksan ang pinto kaso naunahan na naman ako ni Archie. Binuksan na naman niya ang pinto para sa'kin.

Agad kong naramdaman ang lamig ng hangin sa sandaling bumaba ako ng sasakyan. Buti nalang binigay ni Archie 'yung jacket niya. Pati si queen elsa, sisipunin sa ganitong lamig, ate ko!

Sinundan ko si Archie na nakatayo lamang sa isang tabi habang pinagmamasdan ang ganda ng ilaw ng mga kabahayan. Ang ganda. Mukha silang mga stars. Pakiramdam ko tuloy nasa ulap ako ngayon.

"Madalas ka ba dito?" Hindi ko napigilang mag tanong nang mapagtanto ko na tila kabisadong kabisado niya ang bawat detalye ng lugar: mula sa kung paano papunta hanggang sa kung saan dapat pumarada.

"Yeah, lalo nung senior high," Sagot niya nang hindi man lang ako tinignan.

"Weh? Bakit? Ikaw lang?" Sunod-sunod kong tanong sakanya.

"Sobrang daming nangyayari non, Roxy. This is the only place where I could breathe," He stated.

During our senior year, puro kamalasan yata ang dumating sa buhay ng lahat. Sa totoo lang, parang mas mabigat ang dinala ni Archie kesa sa akin noong mga panahong 'yon.

Their life was an open book. Everyone knew how their family fell apart back then. Silang mag kapatid lang ang naging mag kakampi sa buhay noon— pero may bigat na dinadala rin si Z na hindi niya kayang buhating mag isa kaya talagang si Archie ang umagapay sakanya dahil sa kanila, siya ang mas okay.

Nag simula rin na mag watak-watak 'yung samahan nila noon. Gino had countless of family problems. Poch had trouble here and there too. Si Archie? Hindi ko alam kung ano ang mga bagahe niya pero alam ko na mabigat din ang mga 'yon.

Letters never sentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon