REAL STORY
Sa bahay na inuupahan namin ngayon ay may nagsasabing dito daw inilamay ang lola ng may-ari ng inuupahan naming bahay. Si Lola Teresa.
Bagong nirenovate ang inuupahan namin ngayon. Nirenovate ito ng may-ari at ginawang mini apartment. Tatlo kaming magkakatabing nangungumpahan nito ngayon.
May oras ang daloy ng tubig dito sa amin. Ala una hanggang alas dos ng madaling araw ang oras namin. Palaging nagseset ng alarm clock si mama ng ala una para magising siya.
Pero ngayong gabi ay pinatay niya lang ang alarm clock at natulog ulit. Kaya ginising ko siya.
"Ma.. yung oras ng tubig natin." sabi ko
"May tubig pa naman tayo." sagot niya na halatang inaantok pa.
"Pero sayang naman yung tubig."
"May susunod pa naman. Matulog ka nalang ulit." sabi niya at tuluyan nang natulog kaya natulog nalang ulit ako.
SA KABILANG BANDA AY...
Betty's POV (Kapitbahay namin)
Narinig ko ang malakas na agos ng tubig mula sa hose kaya nagising ako. Naisip ko.. Parang hindi yata mag-iigib ng tubig sila Nene (Mama ko pinalitan ko ang pangalan). Sayang naman ang tubig mas mabuti pang ako nalang ang mag-igib.
Kaya bumangon ako at pumunta sa likod ng bahay namin kung saan malapit lang din sa apartment nila Nene.
Kalahating oras na akong nakaupo sa labas at binabantayan ang daloy ng tubig nang may marinig akong parang kumakanta. Akala ko noong una ay may nagkakaraoke lang pero imposible dahil parang malapit lang sa akin ang kumakanta at saka madaling araw kaya imposibleng may nagkakaraoke pa ng ganitong oras.
Lumingon lingon ako sa paligid at hinanap kung saan nanggaling ang boses kahit ramdam kung nagtatayuan na ang mga balahibo ko.
Patuloy pa rin ang pagkanta na sa tingin ko ay isang babae.
Kahit sobrang takot na ako ay pinagpatuloy ko pa rin ang ginagawa ko hanggang sa mahagip ng paningin ko ang isang nakaputing babae na nakaupo sa malaking bato sa likod ng apartment nila Nene.
Tiningnan ko ito ng mabuti na sa tingin ko ay isang WHITE LADY!
Ilang sandali lang ay tumigil ito sa pagkanta at unti unti akong nilingon.
Halos tumigil ang tibok ng puso ko ng makita kung wala itong mukha!
Oh God!
Dahan dahan itong tumayo at humarap sa gawi ko.. at dahan dahang lumapit.
Napayuko ako sa takot at nanginginig sa sobrang kaba.. hindi ako makagalaw at makatakbo.
Hanggang sa naisip ko ang sabi ng may-ari ng apartment nila Nene na ang babae raw ng palaging nagpapakita sa malaking bato ay si Lola Teresa. Palagi daw itong nandun sa malaking bato dahil doon inilibing ang mga dugo nito ng binalsamar ito kaya siguro palagi itong nandoon.
Kaya napabulong ako..
Lola, wag nyo po akong takutin.. Nag-iigib lang po ako.. bulong ko at nagdasal ng mataimtim.
Ilang minuto akong nasa ganoong posisyon ng maramdaman kung matiwasay na ulit ang hangin at hindi na tumatayo ang balahibo ko.
Kaya agad akong tumakbo papasok sa loob ng bahay ng walang lingon..
Author's Note:
Totoo po siyang nangyari. Mabuti nalang at hindi nag-abang si Mama sa hose ng tubig at lumabas nun kundi si Mama ang makakakita sa multo ni Lola Teresa.
BINABASA MO ANG
Mga Kwentong PATAY
HorrorHanda ka na bang matakot? Mag-isa ka lang ba? Mahina ba ang puso mo? Matatakutin ka ba? Basahin mo para malaman mo.