Ang Bestfriend kong si Alvin

184 4 0
                                    

Fiction

Alas diyes na ng gabi pero andito pa rin ako sa opisina at kasalukuyang tinatapos ang trabaho ko. Makalipas ang kalahating oras ay natapos ko na agad ito.

"Hayyy salamat at natapos din." sabi ko at nag-inat ng katawan.

Ako nalang ang natitirang tao sa loob ng opisina kaya nagsimula na akong nagligpit ng gamit. Ipinasok ko na lahat ng mga papeles ko sa loob ng briefcase ko nang mapansin kong may taong nakatayo sa labas ng pintuan ng office ko.

"Manong Greg ikaw ba yan? Malapit na akong matapos dito paalis na rin po ako." sabi ko. Si Manong Greg ang security guard namin dito. Napadaan siguro ito para i-check ang buong building kung naka lock ba lahat ng opisina.

Maya-maya ay natapos na rin ako at wala na sa labas ng pintuan si Manong Greg. Lumabas na ako at siniguradong nai-lock ko ang opisina.

Pagkalabas ko ng building ay nakita ko si Manong Greg.

"Ang sipag po natin Sir ah?" pansin niya sa akin.

"Oo nga po eh para may makain." sabi ko sa kanya ng nakangiti.

"Sige Sir mag-ingat po kayo. Papasok po muna ako sa loob ng building para mai-check lahat." sabi niya na ipinagtaka ko.

"Di po ba't umakyat na kayo sa itaas kanina?" tanong ko.

"Ho? Hindi pa po Sir, hinintay ko po muna kayong bumaba bago ako mag-roaming sa itaas." takang tanong niya.

"Pero sino po iyong..." hindi ko na ipinagpatuloy ang balak ko sanang itanong dahil baka matakot pa siya at hindi niya magawa ang trabaho niya. "Ah.. sige po Manong alis na po ako. Mag-iingat po kayo." paalam ko.

"Sige po Sir."

Agad na akong lumakad pauwi. Walking distance lang kasi iyong boarding house ko mula dito sa pinagtatrabahoan ko kaya hindi mahirap sa akin ang umuwi na ng gabi.

Dumaan ako sa isang maliblib na bahagi pauwi. Kasalukuyan kong tinatahak ang short cut pauwi at medyo tahimik na at madilim.

Hindi ako matatakutin na tao kahit yong isip ko ay kung anu-ano nang nakakatakot na bagay ang pumapasok pero patuloy pa rin ako sa paglalakad.

Nang mapadaan ako sa isang malaking punong mangga ay biglang nagsitayuan ang balahibo ko at nakaramdam ako na may sumusunod sa akin.

Binilisan ko ang paglalakad pero parang binilisan niya din ang paglalakad. Dahil bawat hakbang ko ay ganoon din ang hakbang niya.

Mas binilisan ko ang paglalakad pero ganun na lang ang pagkagimbal ko nang naramdaman kong tumatakbo na ito dahil sa mabilis na yapak niya na naririnig ko kaya napatakbo na rin ako.

Takbo ako nang takbo at hindi lumilingon sa likod. Masyado na akong napaparanoid at hindi ko alam kung sino o ano ang humahabol sa akin.

Ilang sandali lang ay tumigil na ako sa pagtakbo. Walang tao. Kaya nagpatuloy na ulit ako sa paglalakad.

Palingunlingon ako at sinisiguradong walang sumusunod sa akin. Pero napatigil ako sa paglalakad ng makita ko ang best friend ko na si Alvin sa likod ko.

Ngumiti siya sa akin at kumaway kaya ngumiti rin ako at kumaway kahit nagtataka.

Nagtataka ako kasi hindi mahilig gumala si Alvin lalo na at malalim na ang gabi. Pinapagalitan kasi siya ng mga magulang niya kapag naglalakwatsa pa siya ng gabi.

"Alvin pare, san ka galing?" tanong ko sa kanya.

Ngumiti siya pero may bahid na lungkot tapos tinuro ang malaking puno ng mangga sa likod niya.

Mga Kwentong PATAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon