Unpredictable

139 2 0
                                    

Fiction

Naisipan naming magbabarkada na mag mall at mamili ng mga damit for the upcoming acquaintance party pagkatapos ng klase.

Bumyahe kami papuntang mall na naka school uniform. Medyo malayo at almost 30 minutes ang byahe.

Kasama ko sa pamamasyal sina Candy, Marie, at ang bakla kong bestfriend na si Dina.

Pasado 6 pm na kami nakarating kaya agad kaming pumunta sa 2nd floor dress section para mamili ng mai-susuot.

Panay lang ang tawanan, kulitan at pagfi-fit namin ng mga damit hanggang sa di namin namalayan ang oras. Pasado alas nuwebe na ng gabi at hindi kami nakapagpaalam sa mga parents namin.

"Guys uwi na tayo. Sigurado ako hinahanap na tayo ng mga parents natin." yaya ko sa kanila.

"Ok lang yan' Joanna. Wag kang kill joy." sabi ni Dina.

"Hayy naku. Pano kung wala na tayong masakyan pauwi? 9 pm ang last trip pauwi sa atin." nag-aalalang sabi ko.

"Oo nga naman guys. Tara uwi na tayo saka gutom na din ako." sang-ayon Marie. Gutom na din talaga ako.

"Ok. Uuwi na tayo.. but.. kumain muna tayo sa **** resto! Miss ko na pagkain nila!" masiglang sabi ni Candy at pumunta sa cashier at nagpa counter ng mga pinamili niya kasama iyong sa'amin. Pagkatapos magbayad ay agad kaming lumabas ng mall at sumakay ng tricycle papuntang **** resto.

Pagkarating namin doon ay agad kaming nag-order at kumain.

Pagkatapos naming kumain ay pumunta na kami sa isang waiting area kung saan doon nagpa-parking ang jeep. Pagkadating namin doon ay may konting taong naghihintay din nang masasakyan.

Nagtanong tanong kami kung may jeep pa bang dadaan sinabi nilang wala na daw.

"Pa'no yan guys wala na tayong masasakyan..?" nag-aalalang tanong ko.

"Don't worry. May dadaan pang v-hire kaya makakasakay pa tayo. Wag kang maniwala sa mga yan." kalmadong sagot ni Candy.

Ilang minuto na kaming naghintay ng masasakyan hanggang sa lumipas ang isang oras kaya medyo nag-aalala na ako dahil siguradong pagagalitan na ako. Lowbat kasi iyong cellphone ko kaya hindi ko na text ang mama ko. Tinanong ko sila Candy kung may pwedeng makitext pero wala silang load at halos sirado na lahat ng tindahan kaya talagang wala nang paraan.

"Guys mag-iisang oras na tayong nag-aabang dito wala pa rin tayong masasakyan."

"Guys may private van na nagpapasakay ng pasahero. Tara." biglang sabi ni Candy at sabay takbo papunta sa sasakyan.

"K-kaninong sasakyan yan?" nagtatakang tanong ko.

"Hayy naku Joanna di ba gusto mo nang umuwi tayo? Kaya wag ka nalang matanong." -Candy.

Nakapasok na kami sa loob ng sasakyan. Medyo marami kami dahil sumakay na din iyong mga nakasabay namin kaninang nag-abang kami sa may waiting area.

"G-guys.. kinakabahan ako.." biglang sabi ni Marie kaya napalingon ako sa kanya.

"Bakit Marie?" tanong ko. Pareho kasi kami ng nararamdaman. Parang may masamang mangyayari.

"E-ewan ko.. parang may hindi ma-magandang mangyayari." sabi niya. Hindi na ako nagtanong pa ulit at itinuon na lang ang tingin ko sa kalsada.

Ibang kaba ang nararamdaman ko.. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

Nilingon ko sina Candy at Dina na panay lang ang kulitan habang ang iba ay papikit-pikit at ang iba ay tuluyan ng nakatulog.

Mga Kwentong PATAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon