Kababalaghan #1 (Tatlong Bata)

179 0 0
                                    

True Story

Itong mga nakaraang buwan ay may nangyayaring kababalaghan sa school namin.

Nagsimula ito ng sinira ang lumang auditorium sa school. Maraming estudyante ang nahihimatay at dinadala sa clinic. Ang iba naman ay dinadala na talaga sa ospital pero walang maipaliwanag ang doctor.

Hanggang sa sumapit ang malaking pagdiriwang sa school namin. Lahat ng mga guro, staff, facilitator at pati mga estudyante ay busy sa paghahanda. One week ang pagdiriwang naming iyon dahil Golden Years ng skwelahan namin.

Hanggang sa dumating ang linggong iyon at medyo nalimutan na ang mga kababalaghang nangyayari.

Lahat ay nagkasiyahan at nagkaroon ng ibat ibang program sa loob ng campus namin.

*****

Madaling lumipas ang mga araw at natapos ang pagdiriwang namin na iyon at bumalik sa dating routine ang galaw ng mga tao sa loob ng paaralan namin.

Pero isang balita ang gumulat sa amin ng mamatay ang isa sa mga facilitator sa paaralan namin isang linggo pagkatapos ng pagdiriwang namin.

Sabi nila ay cardiac arrest ang ikinamatay ni Kuya Rence (hindi tunay na pangalan) pero karamihan sa amin ang hindi naniniwala. Dahil sa pagkakaalam namin walang sakit sa puso si Kuya Rence.

Simula noon mas nadadagdagan pa ang nahihimatay sa school namin.

Merong bigla nalang nahihimatay na estudyante sa daan at sabi nila may nakita daw itong tatlong bata na galit na galit na nakatingin sa kanya.

Doon ko naaalala ang kababalaghan ding nangyari sa loob ng classroom namin na naranasan ng isa sa mga kaklase ko.

Isinalaysay niya sa amin ang tunay na pangyayari.

*****

Papunta noon si Ate Ellah (hindi tunay na panggalan) sa classroom namin. Medyo late siya ng araw na iyon dahil may whole day rosary ang paaralan namin ng araw na iyon. Idinaos ang araw na iyon bilang pag-alala sa mga ligaw na kaluluwa sa loob ng paaralan namin at ipagdasal na sana ay malagay na sila sa tahimik.

Medyo malayo pa siya sa classroom namin ng may maaninag siya mula sa bintana na tatlong babae na nakatalikod at parang nag-uusap.

Kaya medyo panatag siya na pumunta sa classroom namin at naisipang yayain ang mga ito na
pumunta sa Alumni Hall kung saan idinaraos ang rosary. Baka kasi late din ang mga ito kaya nagtago na lamang sa loob ng classroom para hindi mapagalitan.

Malapit na siya sa classroom at naaninag parin niya ang mga ito na nakatalikod na nakatayo habang nag-uusap.

Nang makarating siya sa classroom namin ay agad niyang pinihit ang siradura at binuksan ito pero ganun na lang ang pagkagimbal niya ng makitang walang tao sa loob at tanging malamig na hangin lang ang sumalubong sa kanya. Kaya hindi na siya nagdalawang isip at agad niyang isinirado pabalik ang pinto at tumakbo papuntang Alumni Hall.

Agad niyang ikwenento sa amin ang kanyang nakita at lahat kami ay nanindig ang mga balahibo.

Agad kaming naniwala sa kanya dahil si Ate Ellah ang pinakamatanda naming kaklase sa classroom namin. At siya iyong tipong pagseryoso ang usapan ay talagang seryoso ang lalabas sa bibig niya. At kitang kita namin sa mga mata niya ang takot at panginginig ng katawan niya habang isinasalaysay sa amin ang nakita niya.

******
A/N:
Walang halong biro pero totoo po talaga siyang nangyari. Hanggang ngayon ay usap-usapan pa rin sa buong campus namin at kumalat sa ibang lugar ang tungkol sa mga kababalaghang nangyayari sa school namin.

Pati mama ko ay nag-aalala na at gusto na niya akong ilipat sa ibang skwelahan dahil sa hindi lang isang beses na may namatay sa paaralan namin kundi nasundan pa ito makaraan ang isang buwan. At ang pagpapakita ng tatlong bata ay nasundan ng maraming beses.

NEXT...
Kababalaghan #2 (Sir Marc)

Si Sir Marc ang school nurse sa paaralan namin. Siya ang tumutulong sa mga estudyanteng nahihimatay sa loob ng school namin....

Continue......

[HAPPY HALLOWEEN!!]

Mga Kwentong PATAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon