True Story
(Sa totoo lang natatakot akong ikwento sa inyo ito dahil talagang naninindig balahiho ko sa twing kinukwento ko ito. Remember niyo yung mga panaginip ko na nagkaroon ng kahulugan at nangyari sa totoong buhay? This time, isang sumakabilang buhay na ang nagpakita sa aking panaginip... not just once but twice...)
*****
Pagkatapos mamatay ni Kuya Rence at ang pagkakahimatay ng mga estudyante at pati mga guro ay sunod-sunod na ang ginawang pagrorosaryo at pagmimisa sa loob ng paaralan namin.
Sa mga panahong iyon, isang araw ay biglang sumakit ang tiyan ko at panay iyong suka ko. Kaya nagpasama ako sa isa sa mga kaklase ko na samahan ako sa clinic para humingi ng gamot.
Pagkarating namin dun nakita namin si Sir Marc (hindi tunay na pangalan) nakaupo at gwapong gwapo sa puting uniform niya na pang nurse.
Bago palang si Sir Marc sa school namin bilang school nurse. Sa pagkakaalam ko ay mag-aapat na buwan pa lang siya dito sa school namin. Gwapo si Sir Marc, maputi, makinis ang balat, matangos ang ilong at matangkad. Minsan naiisip ko baka iyong ibang nahihimatay ay nag-aacting lang para makita itong guwapong nurse na ito and.. I can't blame them.
Bago kami pumasok ay kumatok muna ako sa pinto to catch his attention.
"Good morning Sir" bati namin sa kanya.
"Good morning din sa inyo. What can I do for the both of you?" nakangiting tanong niya sa amin. "Please have a sit."
Umupo ako sa tapat ng desk niya. Iyong kaklase ko naman ay lumabas at sinabing doon na lang niya ako hihintayin.
"Sir.. medyo masakit po kasi iyong sa bahaging itaas ng tiyan ko sa may gitna at parang ang sarap isuka parati." sabi ko sa kanya.
"Kumain ka ba ng breakfast ngayon?" tanong niya.
"Eh.. hindi po eh. Nakasanayan ko na pong hindi kumain ng breakfast."
"Naku.. masama yan. Baka symptoms na ng ulcer iyang pananakit ng tiyan mo kaya dapat kumain ka nang agahan palagi." sabi niya at may isinulat sa notebook niya.
"Opo."
"Kailan pa nagsimulang sumakit iyang tiyan mo at pagsusuka?" tanong niya.
"Noong nakaraang araw din po sumakit din siya. Pabalik balik."
"Okay.. bibigyan kita ng gamot ngayon at dapat magpa check up ka baka kung ano na iyan. At saka wag na wag mong kakalimutang kumain ng breakfast kasi importante iyon." sabi niya at binigyan ako ng gamot.
"Thank you Sir."
"You're welcome." sagot niya at umalis na ako.
*****
Madaling lumipas ang araw at nawala na iyong pananakit ng tiyan ko at pagsusuka. Isang linggo ang sumapit at ganun pa rin ang sistema sa school namin puro katatakutan at kababalaghan ang nangyayari.
Hanggang sumapit ang isang araw ng may hindi magandang balita ang dumating sa school namin.
Si Sir Marc... PATAY na...
Iyon ang pinakaunang balitang sumalubong sa akin pagdating ko sa paaralan. Lahat gulat na gulat at nalungkot sa balitang iyon.
Itinanong ko kung ano ang dahilan ng pagkamatay niya sa mga kaklase ko at ang sagot ay the same case as Kuya Rence's cause of death... cardiac arrest.
Cardiac Arrest ang tawag kung sa medical records. But in people it was called Bangungot. Na kung minsan ang mga taong binangungot ay hindi na magigising at tuluyan ng mamamatay.
No one can explain kung ano nga ba ang misteryo sa likod ng bangungot.
*****
Dalawang linggong binurol si Sir Marc sa bahay nila. Kaklase namin ang kapatid ni Sir Marc na si Miro kaya lubos kaming nalungkot.
Noong inilibing na si Sir Marc ay iilan sa amin ang hindi nakahatid at kasali ako dun. Umulan kasi ng malakas noon.
Lumipas ang ilang linggo ay nagkaroon ako ng panaginip.
Panaginip na hindi ko maintindihan.
Sa loob ng panaginip ko kasama ko ang dalawa kong matalik na kaibigan habang naglalakad sa pasilyo ng paaralan namin papunta sa clinic nang biglang makasalubong ko si Sir Marc. Buhay na buhay siya sa panaginip ko. Nakasuot siya ng pang nurse iyong kulay puti lahat. Nang lumagpas na siya ay nilingon ko siya at deretso lang ang lakad niya palabas ng gate.
Iyon ang una niyang pagpapakita niya sa aking panaginip. Isinalaysay ko iyon sa kapatid niya at pareha ko ay napanaginipan din daw niya ito. Naikwento din niya sa akin nung dinala umano nila si Sir Marc sa ospital para ipaimbalsamo ay may kakaiba daw siyang nakita sa katawan ng kuya niya.
Kasalukuyang siya ang nagbabantay noon sa morgue, doon kasi i-imbalsamo ang kuya niya.
Tinitigan niya ang kuya niya at ganun na lang ang pagkagimbal niya nang makita ang mga mata ng kuya niya... mayroong mga langgam na lumalabas doon. Napakarami!
Kinwento niya iyon sa akin pati ang pagpapakita ng kuya niya sa kanyang panaginip pero hindi din niya naiintindihan.
*****
Lumipas ang mga araw at isinawalang bahala na lang namin iyon.Pero hindi ko inakalang magpapakita ulit siya sa panaginip ko. This time kinilabutan ako.
Sa panaginip ko kasi, nasa paaralan ako papuntang classroom ng makasalubong ko si Sir Marc. Nagtaka ako. Kakausapin ko sana sya kaso naisip ko ba't andito siya? Patay na siya di ba? Kaya umiwas ako sa pagkakasalubong ko sa kanya pero tinawag niya ako. Ganun na lang ang pagkagimbal ko ng makita ko ang mukha niya na putlang putla at may bahid na kulay itim ang ilang parte ng mukha niya pati ang ngipin.
"Patay na po kayo!" sigaw ko sa kanya. Gusto kong tumakbo pero parang nakadikit iyong mga paa ko sa sahig.
Bigla niyang iniabot ang kamay sa akin at may sinabi siya sa akin na sabihin ko daw kay Miro pero hindi ko maintindihan kong ano tapos bigla na akong nagising at pawis na pawis.
Kinabukasan, kinwento ko ulit kay Miro iyong napanaginipan ko at sinabi sa kanya iyong pagpapakita ng kuya niya sa akin at iyong parang may hinabilin si Sir Marc para sa kanya pero hindi ko na maalala.
"May sinabi siya sa akin Miro hindi ko na maalala."
"Hala, lagot ka. Magpapakita ulit iyon sa iyo ngayong gabi dahil nakalimutan mo ang tugon niya sayo." sabi sa akin ng kaibigan kong si Nessa. Ewan ko kong tinatakot lang niya ako.
Pero nung gabing iyon ay hindi na ulit nagpakita si Sir Marc sa akin dahil talagang natakot ako. Hindi ako takot dahil lang sa pagpapakita niya kundi dahil sa mukha niya. Nakakatakot talaga.
____________
A/N:
I want some reactions from you guys. Pleth :]Vote.
Comment.
Follow.
BINABASA MO ANG
Mga Kwentong PATAY
HorrorHanda ka na bang matakot? Mag-isa ka lang ba? Mahina ba ang puso mo? Matatakutin ka ba? Basahin mo para malaman mo.