Papa

252 10 1
                                    

REAL STORY

Bata pa ako noon four years old ilang buwan pagkatapos mamatay ang papa ko dahil sa cancer.

Nang mamatay ang papa ko ay umuwi si mama sa probinsya niya sa negros kasama kami ng kapatid ko. Apat na taon ako at dalawang taon naman ang kapatid kong lalaki.

Simula nang tumira kami sa negros sabi ng mama ko ay palagi ko daw tinatawag si papa. Minsan natatakot na daw si mama sa akin dahil palagi ko daw talagang hinahanap at tinatawag si papa sa tuwing MAG-ISA lang akong naglalaro.

Ang pinakamalala daw na nangyari ay noong nakaupo lang akong mag-isa sa ilalim ng hagdanan namin at nilalaro ang buhangin.

Kasalukuyan namang nagwawalis si mama noon sa bakuran. Habang ako patuloy pa din sa paglalaro nang bigla ko daw tinawag na naman si papa.

     "Papa! Papa! Papa!.." malungkot na sunod sunod kung tawag na para bang maiiyak na ako.

Nilingon ako ni mama pero hindi na lang ulit ako pinansin. Siguro daw namimiss ko na ang papa ko ng mga panahong iyon.

Pero ilang sandali lang ay bigla daw lumakas ang hangin at nanindig ang balahibo niya kasabay ng pagsabi ko..

     "Papa! Bakit ngayon ka lang? Ang tagal-tagal mo namang bumalik." sabi ko na para bang may kausap daw ako. Bigla daw nangamoy kandila kaya bigla akong kinuha at binuhat ni mama at inakyat sa taas.

Iyak pa daw ako ng iyak dahil si papa nasa baba pa!

Sabi ng mama ko kinabahan daw siya ng mga panahong yun dahil baka kunin ako ni papa.

Simula noon.. hindi ko na daw parating tinatawag si papa.... na para bang ... KASAMA ko na ito palagi.

Author's Note:

Gusto kong maiyak habang sinusulat ko ito.. kasi .. namimiss ko na naman ang papa ko. Ang bilis niya kasi akong iniwan..! Apat na taon ko lang siyang nakasama.. Ang bilis ng panahon wala man lang akong maalala ni isa na kasama ko siya.. :'(

I miss you Papa Domingo Olivares Jr.

Vote.

Comment.

Follow.

Mga Kwentong PATAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon