chap. 9

133 3 0
                                    

'TATTOO'



Elijah's Pov.

Kanina pa ako nagtataka kung bakit palaging tumitingin sa akin si Cyrel. Simula nung naligo kami sa ulan parang natahimik siya bigla.

Hindi ko alam kung bakit. Nagpalit na ako ng oversized t shirt at shorts.

Bumaba na ako sa kwarto ko at nakita kong nag luluto sina manang flor at ang mga ibang yaya. Tumulong ako sa pag aayos ng mga pagkain para makakain na kami. Nakita kong papunta na sina cyrel sa kusina kasama ang daddy lo niya. I waved at them and smiled.

"Kain na po tayo sir.. At Cyrel.." Bati ko sa kanila.

Nakita ko na naman ang pagsulyap sa akin ni cyrel kaya nagiwas ako ng tingin at kunwari ay pinagmamasdan ang mga magagandang larawan at paintings sa ding ding.

"Iha wag mo na akong tawaging sir.. Tawagin mo na lang akong lolo ambo.." Nakingiting saad ni lolo ambo.

"Sige po.. Lolo ambo.." Nginitian ko din ito at umupo na rin sa upuan.

Kumain kami ng tahimik at wala man lang nagsalita sa amin.

Paminsan minsan ay nararamdaman ko ang pagtitig sa akin ni Cyrel at minsan naman ay tinititigan ko rin siya.

"Elijah ba ang pangalan mo iha?" Tanong ni lolo ambo.

"Opo.. Lolo Ambo.. Eli nalang po.." Masaya kong tugon.

"Eli.. Kamukha mo yung isa kong apo-apohan dati.. Sino nga ba ulit iyon Cyrel?" Tanong sa kaniya ni lolo ambo.

Napabuntong hininga nalang si cyrel at umiling iling.

"Daddy lo, kumain muna ho kayo jan." Pagiiba ng usapan ni Cyrel.

Natahimik na naman kami hanggang sa matapos kaming kumain.

Nagtungo na ako sa kwarto ko at nag cellphone. Scroll lang ako ng scroll sa ig ko nang biglang makita ko ang post ni Gio sa ig niya.

May picture siya na nasa kotse siya at may caption na:

'Going to pangasinan:)'

Namilog ang mata ko dahil sa nakita. Pupunta siya sa  Pangasinan? Para saan?

Nawala ang iniisip ko nang makarinig ako ng busina ng kotse sa labas ng mansion.

Agad ko itong tinignan sa bintana at napanganga ako dahil tatlong magagarang sasakyan ang nakita ko. Isang Ferrari, isang BMW, at isang Lamborghini.

Ganito na ba talaga ka yaman ang mga bumibisita dito sa mansion ni Lolo Ambo?!

Pumasok na ang tatlong kotse sa mansion kaya lumabas ako ng kwarto ko para silipin kung sino ang mga bisita.

"Lolo Ambo!" Sigaw ng isang lalaki mula sa ibaba.

Hindi ko makita ang mukha nito dahil nahaharangan ng isang pader.

Nakita kong lumabas si Cyrel sa isang kwarto at sinalubong ang mga bisita.

"Oh bakit kayo narito Gio?" Rinig kong tanong ni Cyrel.

Huh?! Si GIO?! NARITO!? WHAT THE FVCK?!

Agad kong sinilip at nanlaki ang mata ko dahil si Gio nga ito..

AND GUESS WHAT?! KASAMA NIYA ANG IBA PANG BOYS!!

Ano kaya ginagawa nila dito? Shet! Napangisi lang si Gio kay Cyrel at napakindat pa!

"Of course, i miss lolo ambo! Why? You dont want us to visit here?!" tanong ni Gio.

"Thats not my point. Im just shocked na bibisita kayo ngayon. Edi sana nag paluto ako kina manang flor ng pagkain!" Saad ni Cyrel.

My Four Boys Roommates (FOUR BOYS SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon