chap. 13

130 3 0
                                    

'HOT'


Nagising nalang ako na nasa isang kwarto na ako natutulog. Wala akong ibang maalala kundi yung natulog ako sa kotse at bakit nandito ako natutulog?

Teka... Hindi ito yung kwarto ko ahh?!

Tinignan ko agad ang damit ko at ipinagpasalamat kong ganun padin ang damit ko simula kagabi.

Sumilip ako sa bintana at doon ko napagtantong bahay ito ni Naomi. Agad akong lumabas at nakita kong nakaupo si Naomi sa lamesa habang minamasahe ang ulo.

Pumunta ako sa pwesto niya at nginitian siya. Ngumiti din ito sa akin kaya umupo ako sa tabi niya.

"Nasaan sina Cyrel?" Tanong ko sa kanya.

"Nandun sa labas, nagliligpit ng mga basura at gamit doon sa venue kagabi." Saad niya sabay inom ng kape.

"Ahh.. Sige puntahan ko lang, salamat." Saad ko sabay tayo at punta sa labas.

Nakita ko silang apat na nag liligpit nga ng mga basura at gamit habang ang ibang mga bisita ay kumakain. Lumapit naman ako sa pwesto nila at tinulungan sila.

Marami kasing bisita lalo na kagabi kaya marami ang kalat. May pool din dito sa venue kaya mamaya ay mag kakaroon ng pool party.

Habang nag lilinis ako ay tumatagatak ang pawis sa noo ko dahil sa sobrang init. Lumingon ako sa mga boys na pawis na pawis din sila.

Magpupulot pa sana ako ng mga basura ng biglang mag hubad ng t-shirt si Gio mismo sa harapan ko.

Aba'y ang gàgo?!

Nanlaki ang mata ko at umiwas ng tingin. Tàngina nito ahh?! Sa harapan ko pa talaga!

"Ang init pag may t-shirt." Aniya ni Gio sabay ngisi sa akin.

Nabaling ang atensyon ko kay Oliver na masama ang tingin kay Gio.

Nagulat pa ako ng tumingin din ito sa akin pero ang mas nakakagulat ay nag hubad din ito ng pang itaas na damit.

Umawang ang labi ko sa nakita at agad din akong umiwas ng tingin. Kunwari ay busy ako sa pag pulot ng mga kalat.

"Ahh ganyan kayo ah?" Rinig kong sigaw ni Spencer kaya napalingon ako sa direksyon niya.

Mas lalong lumaki ang uwang sa labi ko ng makitang nag hubad ito ng suot na sando sa harapan ko din! Jusko!

Anong nangyayare?! Sumigaw ang bisita na parang na e-excite sa nangyayari.

"Oy! Couz! Wag kang KJ! Mag hubad kadin ng t shirt!" Sigaw ni Naomi na nasa gilid ko. Hindi ko pala namalayang nasa tabi ko na siya sa sobrang kaba ko sa nangyayare!

Rinig kong sumangayon ang mga bisita kaya napatingin ako sa kanya. Bumuntong hininga muna siya bago nag hubad ng t-shirt!

Jusko! Lalong lumalakas ang tibok ng puso ko! Lord naman!

Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang umiwas ng tingin kay Cyrel. Sh*t!

Nag sigawan ang mga tao sa paligid. Pero ako dito halos mahimatay na sa sobrang kaba! Nakailang lunok na ako dahil sa nangyayari!

"Ah.. A-ang init.. Wooh! Need ko ata ng tubig." Sambit ko habang pinapaypayan ang sarili.

Kukuha na sana ako ng tubig ng biglang may tatlong mineral water ang nag abot sa akin. Kumunot ang noo ko at umangat ng tingin.

Nanlaki ang mata ko dahil sina Spencer, Gio, at Oliver ay nasa harapan ko ngayon! At silang tatlo may hawak hawak na mineral water! Para bang binibigay nila sa akin! Oh Lord! This is not good!

Napalingon ako kay Cyrel na may hawak hawak ding tubig malayo sa amin habang nakatingin sa puwesto namin.

Nakita kong umiling ito at nilagay ang tubig na hawak niya sa lalagyan ng mga tubig. Anong problema non?!

"Wow! Grabe, ako ang may birthday pero wala manlang nag alok sa akin ng tubig! Ang haba ng hair mo elijah!!" Sigaw ni Naomi na ikinatawa ng tao.

"A-ahh.. O-okay na ako.. Salamat nalang.." Saad ko at umalis na sa lugar na yon.

Pumunta ako sa kwarto na pinanggalingan ko kanina at tumingin sa salamin.
Grabe?! Namumula na pisngi ko sa nangyari kanina! Baka hindi na ako lumabas sa sobrang hiya!

Napabalikwas ako ng pagkakaupo dahil may kumatok sa pintuan. Binuksan ko ito at si Naomi ang nakita ko.

"Elijah, eto oh suotin mo mamaya sa pool party ha! Ako pumili niyan! Bagay sa kutis mo yan!" Saad ni Naomi at binigay sa akin ang paper bag.

"Hindi mo naman kailangan gawin to naomi." Sambit ko at ngumiti.

"Naku! Gusto ko kasing asarin yung apat nayon! Dapat maglaway sila mamaya ha! Kapag hindi ka lumabas at sinuot yan, magtatampo ako." Nakabusangot na saad ko.

"Ahh.. Hindi ko sure Naomi eh. Pero ita-try ko." Saad ko.

"Sige! See you at the pool party!" Sambit niya sabay alis.

Napabuntong hininga nalang ako at sinarado ang pintuan. Binuksan ko ang paper bag at nanlaki ang mata ko sa nakita. Tàngina?! Nilabas ko ito at ipinatong sa katawan ko. Isa tong Red Two Piece na bikini. Gàgo?! Maisusuot ko ba ito?

Ilang oras na ang nakalilipas bago magsimula ang pool party. Nag ayos na ako ng sarili at nag lagay ng kaunting make up. Sinuot ko na din ang binigay ni Naomi sa akin.

Tumingin ako sa salamin at boom! Bagay nga! Nag lagay ako ng shawl para matakpan muna ang bikini ko. Tatanggalin ko nalang ito pag mag swimming na kami.

Nang ma satisfied na ako sa sarili ko ay lumabas na ako. Medyo na iilang ako dahil panay tingin ng mga tao sa akin. Hinanap ko si Naomi at doon ko nakita siya na kausap ang apat na lalaki.

Gosh! Bakit diyan pa siya pumunta! Ayoko nga munang makita yang mga iyan eh!

Aalis na sana ako nang tawagin ako ni Naomi! Napapikit lang ako at lumingon sa kanya. Sh*t!

"Elijah! Tara dito!" Sigaw ni Naomi.

Ngumiti lang ako ng pilit at pumunta sa pwesto nila. Hindi ko sila binabalingan ng tingin dahil nakakahiya!

Ramdam ko ang pagtitig nilang apat sa akin habang papunta sa kanila.

"Oh pak! Ang sexy naman!" Sigaw ni Naomi.

"Witwiw..." Rinig kong sambit ni Gio.

Inirapan ko lang ito at pinayuhan. Sa kanilang apat si Gio ang lagi kong tinatarayan!

"Buti sumama ka elijah kala ko hindi eh!" Sambit ni Naomi.

Nakaharap kami sa kanilang apat, simula nung dumating ako ay hindi ko narinig na nagsalita ang tatlo.

Nakatitig lang ito sa amin. Bumaling ang atensyon ko kay Cyrel na nakatitig lang sa akin.

Nang mapansin niya na nakatingin ako sa kaniya ay agad itong umiwas ng tingin. Anyare?

My Four Boys Roommates (FOUR BOYS SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon