chap. 5

147 5 0
                                    

'CONFESS'




Lunes ngayon kaya maaga akong gumising kaya agad akong tumayo at pumunta sa banyo.

Medyo ok okay na yung pakiramdam ko at nawala na rin yung lagnat ko. Bumaba na ako sa kwarto ko at nakita kong hindi pa gising ang mga boys kaya nagluto ako ng almusal namin.

Nagluto lang ako ng ham at piniritong itlog para madali lang.
Habang nag pre-prepare na ako ng pagkain nang biglang nanggulat si Gio.

"AY! G*GO!" Muntik ko pang malaglag yung plato buti nalang nasalo ko.

"Hays! Ganyan ba talaga kayong mga babae kapag nakakakita ng gwapo?" Ngumisi pa ang loko.

"Asa ka? Saan banda?!" Pangaasar ko.

Napasimangot naman ito at umupo na sa upuan. Kumuha na agad ang demonyo ng ham pero agad kong inalayo sa kanya. Ngumuso ito na parang bata.

"Mamaya na! Hintayin mo muna sina Cyrel!" Sigaw ko.

"Ano ba yan! Gutom nako!" Parang bata niyang sagot.

Nakita ko namang lumabas na sa kwarto sina Spencer at Oliver. Kumunot ang noo ko dahil hindi lumabas ng kwarto si Cyrel.

"Nasaan si Cyrel?" Bungad ko agad kina Spencer.

"Ewan. Baka tulog pa yon. Tara kain na." Saad ni Spencer sabay upo.

Inilapag ko yung ham na nasa kamay ko at umakyat sa itaas.

"Saan ka pupunta?" Rinig kong tanong ni Gio.

"Kay Cyrel yan pupunta." Saad namn ni Oliver.

Kumatok ako sa pintuan ni Cyrel pero walang sumasagot. Kaya binuksan ko na yung kwarto niya at nakita kong nakahiga ito sa kama.

"Oy cyrel.. Gising na malalate na tayo.." Saad ko sabay tapik ng braso niya.

"Give me 5 minutes.." Sambit nito sabay talukbong ng kumot.

Ano ba yan?! Parang bata! Napairap nalang ako at tinapik ulit siya.

"Dalian mona! Mag 7 am na!!" Pambibiro ko sa kanya.

Agad naman itong bumangon at dali daling pumunta sa labas para mag banyo. Sinundan ko ito sa labas habang pilit na hindi tumawa.
Lumabas na ito sa banyo at nakatingin sakin ng masama.

"Bakit?" Saad ko habang kagat ang pangibabang labi para pigilan ang tawa.

"Its 5:00 in the morning.." Saad niya sabay irap.

tumawa ako ng malakas hanggang sa makarating kami sa kusina. Napakunot naman ng noo ang tatlo habang nakatingin sa amin.

"Mukhang ang saya mo ngayon eli.." Saad ni Spencer.

"Parang hindi kagagaling sa sakit ahh.." Sambit naman ni Oliver.

"Paano ba naman kasi tignan nyo ung isa dyan." Pagpaparinig ko.

Tumingin naman sila kay Cyrel at tumawa. Baliktad kasi yung uniform niya dahil siguro sa pagmamadali. Mukha tuloy siyang ewan HAHAHA!

"Oh shut up.!" Saad ni Cyrel saka tumingin sakin ng masama.

Napaayos ako ng tayo at umubo kunwari dahil sa nakakapaso niyang tingin.Lumapit ito sa akin at nagulat naman ako dahil hinubad nya  yung pang itaas nyang damit sa harapan ko. Napalunok ako ng ilang beses habang nakatingin sa matipuno nitong katawan. Tumingin ako sa mga boys at tumatawa sila sa reaksyon ko.

"Look at me.. You want this, right?" Saad nito sabay ngisi.

"H-huh?! U-umayos.. Ka nga.. M-magsuot ka nga ng damit!" Utal kong sambit.

Tumawa ito at isinuot na ang damit.

"Hala ka pre! Ginawa mong kamatis mukha ni eli HAHAAHA!" Saad ni Gio.

Tumalikod ako at hinawakan ko ang pisngi ko at totoo nga! Dali dali akong umalis at nagpuntang banyo. Takte! Ano ba kasing nakain nung lalaking iyon?! Sa harapan ko pa talaga?! Shet..
Chapter 10

Pumasok na kami sa kani-kaniyang subject. Habang nag lalakad ako sa hallway ay may lumapit sa akin na mga grupo ng mga babae. Napakunot ang noo ko nang nasa harapan ko na sila.

"Elijah right?" Saad nung nasa gitnang babae.

Parang nakita ko na yung mukha nito ahh.. Saan ba iyon?!

"Uh.. Yes? Bakit?" Tanong ko.

"Layuan mo si Oliver.." Mataray na saad niya.

"And why? Who are you?" saad ko habang naka taas ang kilay.

"Basta layuan mo siya! Kapag hindi, ako ang makakalaban mo." Pagbabanta niya.

Hinawakan niya pa ang braso ko at sinamaan ako ng tingin. Binitawan niya na ako at umalis kasama ang mga ka grupo niya. Sino ba siya para pagbantaan ako! Hmp! Hindi ako natatakot sa bruhang yon!
Pumasok na ako sa subject ko at buti nalang wala pa ang professor namin.

"Hi.. Elijah ba name mo?" Nakangiting tanong ng katabi kong babae.

"Uhmm..yes.." Saad ko.

"Balita ko..ka close mo sina Spencer?" Tanong nito kaya lumingon ako sa kaniya.

"Medyo.."

"Lagi mo kasing kasama eh.. Sana all talaga.."

"Huh? Bakit naman?" Tanong ko.

"Ay nako! Sikat yung mga yun! Halos mga babae dito nababaliw sa kanila!" Saad niya.

Oo nga.. Kasama nako dun, char.

"Siyempre gwapo." Saad ko.

"Hindi lang yon! Matatalino rin sila. Pero ang pinaka matalino sa kanila si Spencer! Kaya crush ko yun eh!" Malanding saad nung babae.

Napairap nalang ako. Hinintay ko nalang yung professor namin habang itong katabi ko panay kwento sa akin tungkol sa kanilang apat. Daig pa magulang HAHA!

Habang nag didiscuss na yung professor namin ay biglang nag vibrate yung cellphone ko kaya palihim kong kinuha at binuksan ito.

Unknown number:
Si Gio ito, pagkatapos ng klase niyo sakin ka sumabay may pupuntahan tayo:)

Elijah:
Saan?

Unknown number:
Secret;)

Binaba ko nalang ang cellphone ko at nakinig nalang sa professor namin.
--
Natapos na kami sa klase namin kaya dali dali akong lumabas para hanapin kung nasaan si Gio. Nakita kong nakasandal siya sa pader habang nakapamulsa ang kamay. Nang makita ako ay agad siyang ngumiti at lumapit sakin.

"Tara sa kotse ko." Saad nito habang nakangiti.

Napakunot ang noo ko at hinanap sina Cyrel.

"Nasaan na sina Cyrel?" Tanong ko.

"Hindi sila sasabay.. May pinuntahan sila." Saad nito.

"Ahh.. Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko habang pumasok na sa kotse niya.

"Malalaman mo rin mamaya." Sagot ni Gio sabay paandar ng kotse niya.

Makalipas ang ilang oras ay nakarating kami sa isang restaurant na hindi  pamilyar sakin. Binuksan na niya ang pintuan ng kotse niya at inilahad niya ang kamay niya sakin. Inabot ko naman ito at pumasok na kami sa loob ng restaurant.

"Tell me, bakit tayo narito ha?" Nagtatakang tanong ko.

Napangisi naman ito sa akin at hindi nag salita. Uupo na sana ako sa bakanteng upuan ng pigilan niya ako.

"Hindi diyan! May nakareserba parin satin." Sambit niya sabay turo sa malayong lamesa.

Pumunta kami roon at umorder na kami ng pagkain. Habang nag hihintay ay nakita kong hindi makapakali si Gio.

"Ano ba kasi meron Gio?" Tanong ko.

"Ano.. Kasi.."

Hindi niya maituloy ang sasabihin niya dahil sa kaba.

"What?" Tanong ko habang umiinom ng tubig.

"Uhm... C-can i.. Court you?" Kinakabahan niyang tanong.

Muntik pa akong masamid dahil sa tanong niya! Anak ng! Seryoso ba siya?!

My Four Boys Roommates (FOUR BOYS SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon