chap. 12

139 2 0
                                    

'COUSIN'

Natapos na kaming mamili at hinintay namin sina Cyrel na matapos ding mamili.

Napagdesisyunan din ni Oliver na isama sila Naomi sa restaurant para makapag usap pa daw kami. Kahit labag sa kalooban ko ay sumang ayon na din ako.

Pumunta na kami sa restaurant na sinasabi ni Oliver at umorder na kami. Nag seselpon lang ako habang hinihintay yung pagkain dahil ayokong makita ang ginagawa ng higad kay Cyrel.

"Alam mo Oliv, bagay kayo ni Elijah." Saad ni Naomi.

Napatingin naman ako sa kanila at lahat pala sila ay nakatitig sa akin. Napalunok ako ng tatlong beses bago tumingin kay Cyrel na nakataas ang kilay sa akin.

"Naku, nililigawan ko na nga yan eh. Kaso may karibal ako." Saad ni Oliver.

"Huh? Sino? May iba pa bang nanliligaw sayo eli?" Tanong ni Naomi.

"Oo.. Si.. Gio." Saad ni Oliver.

nanlaki pa ang mga mata ni Naomi sa narinig.

"Weh?! Seryoso? Si Gio? Eh wala ngang tumatagal na babae yun eh!" Natatawang saad ni Naomi.

Tumawa silang dalawa habang kami ni Cyrel ay seryoso ang mga mukha. Parang may sariling mundo ang dalawa.

Bakit hindi si Cyrel kausapin niya? Bakit hinahayaan lang ni Cyrel na kausapin ng babaeng gusto niya si Oliver? Hindi ba siya nagseselos?!

Napailing ako dahil sa mga naiisip ko. Ano ba yan! Kung ano ano nalang naiisip ko.

Dahil siguro sa gutom ito?

Dumating na ang mga pagkain kaya nag simula na kaming kumain. Tahimik lang ako habang nag ku-kwentuhan sila.

Hindi naman tumagal ng dalawang oras ay nakauwi nadin kami sa mansion. Nagpaalam na din si Naomi kaya ipinagpasalamat ko iyon.

--
Gabi na at sabi nila ang party ay magsisimula ng 7 ng gabi kaya nag simula na akong mag ayos ng sarili. Nagsuot lang ako ng pantalon at croptop.

Nilugay ko lang ang buhok ko at nag lagay ako ng light make up. Nag high heels din ako para tumangkad naman ako.

6:30 na ng matapos ako sa pag aayos at nakita kong nasa ibaba na ang mga boys na parang hinihintay nila ako.

Damn! Ang ho-hot nila sa mga suot nila!

Lahat sila napatingin sa direksyon ko. Napangisi si Gio at napangiti naman si Oliver at Spencer sa suot ko.

Nabaling ang atensyon ko kay Cyrel na seryoso padin ang mukha.

Sumakay kami sa mamahaling kotse ni Lolo Ambo at ang driver nila ang nag mamaneho ngayon.

Katabi ko si Lolo Ambo habang nasa likod naman ang mga boys. Tumagal ng isang oras bago kami nakarating sa venue. Napanga nga ako dahil sa sobrang ganda at sobrang dami ng tao.

Wala akong kakilala kaya tahimik lang ako habang ang mga boys ay kani-kaniyang bati sa mga kaibigan.

Sumalubong sa amin si Naomi na naka dress na pula. Hindi ko maitatanggi na maganda talaga siya, lalo na ngayon kaya nagustuhan siya ni Cyrel. Agad namang niyakap ng babae si Cyrel kaya umirap ako ng palihim.

"Buti dumating kayo guys! Im very happy to see y'all here! Especially you, elijah!" Masayang tugon niya sa amin sabay beso sa akin.

Ngumiti lang ako ng pilit habang matalim na nakatingin sa kamay ni Naomi na nakaakbay kay Cyrel.

Gosh! Relax Elijah, hindi naman kayo ni Cyrel kaya wala kang karapatang mag selos!

Habang naglilibot ako ng tingin ay pumunta muna ako sa bar counter at kumuha ng alak.

My Four Boys Roommates (FOUR BOYS SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon