chap. 11

130 3 0
                                    

'NAOMI'



Gumising ako nang maaga para makapag jogging ako. Nag suot lang ako ng crop top at leggings. Pinusod ko din ang buhok ko para hindi ako pag pawisan.

6 am palang kaya magandang mag jogging nang ganitong oras. Lumabas na ako sa mansion at nagsimula ng mag jogging.

Masarap mag jogging para maalis ang mga toxic sa katawan. Lagi ko itong ginagawa dati noong bata palang ako kasama ko si mommy.

Habang nagjo-jogging ako ay may nakita akong Mamihan sa kanto kaya bumili ako.

"Ate ito po yung bayad." saad ko at binigay ang bayad.

"Ay maam may nag bayad na ho." Sagot ng tindera.

"Po? Hindi papo ako nagbabayad." Tugon ko.

"Hindi po maam, si kuya po ang nag bayad." Sabay turo sa katabi ko.

Nanlaki ang mata ko nang makita si Spencer na nakaupo sa tabi ko.

Kumunot ang noo ko, bakit siya nandito?

"Spencer? Bat ka nandito?" Tanong ko.

"Wala lang nag jojogging lang tapos nakita kita dito." Saad niya.

"Sus, bakit mo binayaran yung akin?" Tanong ko.

"Syempre, libre ko na nga galit kapa?"

"Hindi naman, nagtataka lang.. Anong nakain mo? Bakit bumait ka?" Natatawang saad ko.

"Grabe ka sa akin ha. Sige babaiwiin ko nalang yung libre ko."

"Oy joke lang, ito naman hindi mabiro!" Saad ko.

Tumawa pa siya at bumili din ng mami.

"Maam, boyfriend niyo po ba si kuya?" Tanong ng tindera habang naka ngiti.

Muntik pa akong mabilaukan dahil sa sinabi ni ate.

Kumuha agad ng tubig si Spencer at binigay sakin.

"Okay ka lang?" Tanong niya matapos kong Uminom ng tubig.

Tumango lang ako at kumuha ng tissue.

"Ate, kaibigan ko lang ho yan." Saad ko.

"Ahh.. Parehas ho kasi kayo ng kulay ng damit tapos parang close na close kayo akala ko ho boyfriend niyo." Natatawang saad ng tindera.

Tumawa naman yung katabi ko kaya kinurot ko ang braso nito.

"Hoy Spencer! Andiyan ka pala!" Sigaw ni Gio sa amin.

Parehas kaming lumingon at nakita namin sina Gio, Oliver at Cyrel.

Mukhang nag jojogging din sila dahil pawis na pawis ang mga ito.

"Miss elijah, kasama mo pala si Spencer?" Nagtatakang tanong niya habang papunta sa amin.

Umupo ang tatlo sa lamesa at bumili din ng mami.

Ano ba yan? Pati dito susundan nila ako!

Nakasimangot ako habang kumakain. Akala ko mag isa muna ako ngayong umaga pero hindi pala!
Natapos na kaming lahat kumain kaya napagdesisyan ko nang umuwi na sa mansion.

"Saan ka pupunta eli?" tanong ni Oliver sa akin.

"Uuwi na ako bahala kayo jan." Saad ko.

Lalakad na sana ako nang may biglang lumapit na babae kay Cyrel. Kumunot ang noo ko at lumapit ako sa kanila.

"Hi cyrel, andito ka pala? Akala ko nasa maynila ka ngayon?" Tanong nung babae.

"Uh i visited my grandfather here." Saad ni Cyrel.

My Four Boys Roommates (FOUR BOYS SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon