chap. 31

124 1 0
                                    

'NEW YEAR OR.. NEW RELATIONSHIP?'


"What the hèll?!" Sigaw ni Spencer.

Halos mag kapareho lang kami ng itsura ni Spencer dahil sa gulat.

"Its funny right? Kahit ako, hindi ako makapaniwalang naging girlfriend ko siya." Sambit niya at ngumisi.

Tahimik lang si Valerie at nakayuko padin. Ano kaya nangyari sa kanila?

"C-cyrel.. Can we... Talk?" Tanong ni Valerie habang nakayuko padin.

"Why? Wala naman na dapat tayong pag usapan."

"Please.. Lets talk for a while.. Cy.." Pagmamakaawa niya.

Napabuntong hininga nalang siya at lumabas sumunod naman si Valerie sa kanya. Para kaming t*ngang naghihintay sa kanila.

"Hey guys? What happened?" Tanong ni Oliver na kakatapos palang atang magluto.

"Si Cyrel at Valerie mukhang.. Magaaway ata." Sagot ni Spencer.

"Why?" Tanong ulit niya.

"Mag ex pala sila.. Haha.." Nagawa pang tumawa ang loko.

"What? I didn't know that he had a girlfriend before." Taka niyang saad.

Tahimik lang yung mga kaibigan ni Spencer at nagbubulungan bulungan. Minsan tumitingin sila sa akin at tinitignan ako mula ulo hanggang paa.

Ano?! Tusukin ko mga mata niyo eh!

Bigla na lamang bumukas ang pinto at iniluwal nito si Cyrel na naka kunot ang noo.

umakyat siya sa hagdan at bago pa man siya pumasok sa kwarto niya tumingin siya sa akin.

Luh? Bakit niya ako tinignan?

Sumunod namang pumasok si Valerie na parang kakagaling lang sa iyak.

"I..uhm.. S-spencer.. Aalis na ako.." Saad niya at kinuha niya ang bag niya.

"Wait! Hatid na kita.."

Tumango nalang siya at bago pa siya umalis ay galit na tumingin siya sa akin at umalis siya.

Anyare,? Bakit sila tumitingin sa akin? May ginawa ba akong mali?

Sumunod na umalis yung iba pang kaibigan ni Spencer kaya umakyat na ako. Bago pa man ako makarating sa kwarto ko ay bumukas ang kwarto ni Cyrel.

"O-okay ka lang ba?" Tanong ko na may pagaalala.

"Do i look like okay?" Inis na tanong niya sa akin.

"Sorry naman.. I saw Valerie.. Umiiyak siya kanina.." Sambit ko.

"And so?"

"Nagaway ba kayo?" Tanong ko.

"We're not." Bored niyang sagot.

"Galing no? Naging kaklase at kaaway ko din si Valerie noong highschool at naging girlfriend mo din pala siya? What a small world.." I laughed.

"Tanong ko lang, Bakit kayo naghiwalay?" Tanong ko ulit.

"She cheated on me."

"Ahh.. Ganun ba? Sorry curious lang ako.." Saad ko at napayuko.

Pano ba naman kasi ang sama ng tingin niya sakin. Parang hindi na siya yung Cyrel na kilala ko noon.. Na kaibigan ko noon..

Bumalik na ako sa kwarto ko dahil sobrang awkward sa labas! 

Nagpahinga na lamang ako at nagising na lang ako sa tawag na naman ni Ishie. Inis kong sinagot ang tawag niya.

My Four Boys Roommates (FOUR BOYS SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon