CHAPTER THIRTY

5.9K 29 0
                                    

Ba't ang tagal naman bumalik ni Calvin? Pagtataka ko dahil hanggang ngayon ay wala pa rin ito; kala ko ba'y kukuha lang siya ng tubig? Luminga-linga ako habang nakahiga, si Vincent naman ay nakayakap sa akin habang nakapikit.

Agad na nagimbal ang buo kong pagkatao nang biglang may marinig akong isang malakas na kalabog—putok ng kung ano sa labas. Mabilis kaming napabangon ni Vincent at nagkatinginan habang nagtataka kung ano ang malakas na putok na iyon.

“A-ano 'yon?” kinakabahan kong tanong. Tumayo kaagad si Vincent at hinagilap ang mga damit niya; kaya napatayo rin ako at hinagilap ang mga damit saka ito isinuot.

Hinawakan ni Vincent ang kamay ko matapos naming magbihis. Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Calvin. Nakasuot na ito ng damit at may hawak na baril habang hinihingal.

“What the fuck is happening, bro?” agad na tanong ni Vincent kay Calvin. Sa tingin ko'y parang nagkakagulo. Ngunit anong klaseng gulo naman? At bakit may dalang baril si Calvin?

“I think they're ambushing us! We need to hurry! Marami sila; we can't fight them back!” lumapit sa akin si Calvin at hinawakan din ang kabilang kamay ko.

“They're too desperate to kill us, huh? Take care of Catherine; make her safe,” saad ni Vincent at binitawan ang kamay ko saka mabilis na lumabas habang nagmamadali.

“Saan pupunta si Vincent?” kinakabahan kong tanong. Nakarinig na naman ako ng isang putok mula sa labas ng bahay hanggang sa apat na sunog-sunog na putok ang muli kong narinig. Para kaming nasa gera.

“Let's go, Catherine, bago pa nila tayo maabutan dito!” sambit ni Calvin at hinaltak ako papalabas ng aking silid. Dahan-dahan kaming naglalakad sa labas habang nagmamasid at palinga-linga si Calvin, nakatutok ang hawak nitong baril sa iba't ibang sulok.

“Pa'no ang mga kasambahay?” alalang tanong ko kay Calvin dahil marahil ay nasa delikado rin ang kanilang buhay. Mapanganib sa lugar na ito ngayon.

“Don't worry about them, Cath; they are already safe,” sagot ni Calvin habang mahigpit ang pagkakakapit sa kamay ko, na parang hinding-hindi ako iiwan sa lugar na ito.

Hanggang sa makatungtong kami sa unang palabas ng mansion, hindi pa rin nawala ang mga malalakas na putok ng baril. Mutikan pa akong mapairit nang makakita ng isang lalaking duguan na nakahandusay sa sahig. Sa may gilid kami dumaan palabas ng mansion. Ngunit sa kasamaang palad…

May tatlong lalaking biglang sumalubong sa amin at nakatutok ang mga baril nito sa amin ni Calvin. Hinigit naman ako ni Calvin para ilagay sa kaniyang likod at protektahan ako.

Kinakabahan ako habang unti-unting papalapit sa amin ang tatlo. Nakangisi pa ang mga ito habang tinututukan kami ng baril ni Calvin.

“Stay here; I'll protect you from them,” bulong ni Calvin sa akin. Naiiyak naman akong napatango habang natatakot ang dibdib sa mga maaaring mangyari.

“Put your gun down!” sigaw ng isa sa mga nakaitim na lalaki. Unti-unting ibinaba ni Calvin ang hawak niyang baril dahil tinutukan siya ng tatlo, dahilan para wala siyang magawa kundi sundin ang mga ito.

Lumapit ang tatlong naka-itim na lalaki sa amin ni Calvin at hinawakan kaming dalawa para hindi kami makatakas. But… suddenly, when we were about to go outside, Calvin attacked one of those men. Mas lalo namang humigpit ang pagkakahawak sa akin ng isang lalaki para hindi ako makawala.

Malakas kong iniumpog ang aking ulo sa lalaking ito para tumama ang ulo ko sa bagang nito. Napangiwi pa ako sa sakit, ngunit ipinagpatuloy ko pa ang ginagawa. I kicked his manhood, which made him weak at matumba sa sakit.

Isang putok naman ng baril ang narinig ko mula sa likod ko kaya napalingon kaagad ako. “Calvin!” tawag ko sa pangalan niya habang nanlalaki ang mga mata.

Pleasured By The Twin Billionaires (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon