Sender # 8

177 9 2
                                    

Hi po , paadvice lng po sana ako.

Ganito po ksi yun , may lalaki po akong classmate simula first day of school naging crush ko napo sya , at habang tumatagal na fafall na po ako skanya..

Alm nya pong crush ko sya ksi po sinabi ko na po sakanya . Pero di nya po alam na minahal ko sya.

Then, habang tumatgal nagiging malapit po sya skin minsan po sweet sya skin at napagkakamalan po kaming mag boyfriend at girlfriend.

Tpos po isang araw ,after naming i-celebrate yung closing party namin, pumunta kmi sa bahay ng classmate nmin at nagkwentuhan . Habang nagkkwentuhan po , naging seryoso yung usapan namin. Then, napunta sa , tinanong nya ko kung pwede daw po syang manligaw. Pumayag po ako nun kasi kala ko po seryoso sya sa mga sinabi nya..

Tapos po, lumipas yung mga araw , baksyon na po nung nagkachat po kmi , tinanong kopo sya kung totoo yung sinabi nya sking lligawan nya ko. Sabi nya dw po HINDI joke lng dw po yun, nasaktan po ako sa sinabi nya ksi mahal ko na sya that time ..

Kaya po , nung pasukan napo ulet tuwing nagkakasama sama kaming magkakaibigan hndi kopo sya pinapansin.

Tpos isang araw , nagtanong sya sa iba kong kaibigan kung bkit di ko dw sya pinapansin sbi naman ng kaibigan ko "eh, tanga kaba ? Pagkatapos mong i-broken sa tingin mo papansinin kapa nyan?".

Ayun po , ano po bang dapat kong gawin ? Kasi po hanggang ngayun andun parin yung sakit , at mahal ko padin sya..Nasaktan po ako kasi parang pinag laruan nya yung feelings ko.--jelly_rica

-------

Dear jelly_rica,

Hi jelly! After kong basahin ang iyong mensahe ay naging malinaw sa akin ang lahat. Kaya ka ngayon nasasaktan dahil nag assume ka isang bagay na hindi mo alam ang magiging resulta nito, kung imposible or posible. Tinanong mo ba sa sarili mo kung gusto ka niya? kung sa tingin mo totoo siya sayo?

Iyang mga ganyan lalaki, Wala iyang magawa sa buhay. Trip trip ang alam! Walang puso! Hindi iniintindi ang feelings ng mga babae!! Akala mo kung sino talagang gwapo! sa susunod kung magpapasikat alamin muna kung may ikakabuga! (hahahahahaha nagagalit si Miss reyna sa mga ganito promise) Walang magandang idudulot ang lalaking iyon sayo!

Sweet lang iyan sa umpisa, kinabukasan Wala na. Ampait na!

Ang dapat mong gawin, Hayaan mo na si lalaki! Mag move on ka na sa lalaking iyon na ginawa ka lang laruan! Remember! babae tayo, We're much wiser than them! We can conclude easily! wag tayong magpapakatanga sa isang lalaki. We're not toys, They just can't drop us when they got bored!

Kung kilala ko lang iyan sinasabi mong lalaki, pinektusan ko na iyan!

P.s: Wag mag assume sa isang bagay agad. Wag ma fall agad, Kilalanin mo muna iyong tao :D

Loveyouuuuu! xx

Nagmamahal,

Miss Reyna Katanungan

Confessions and True StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon