Sender # 21

138 3 2
                                    

[True story]

Sana(wala po akong maisip na title eh)


May crush ako at ang pangalan niya ay armando.Ang bantot ng pangalan noh? Una ko siyang nakita sa hallway.Oo sa hallway dahil nung time ng math subject namin ay bored ako kaya hundi ako nakikinig.Bigla akong napalingon at nakita siya ng dalawang mata ko.Katulad ng mga nasa novels ay biglang nag slow motion.Nung time na iyon pinagalitan ako ng teacher ko dahil nahuli akong hindi nakikinig.One time nawalan ako ng pag-asang makilala siya kasi nga ni hindi ko alam ang pangalan niya.Pero habang nagkukwento ang kaibigan ko tungkol sa crush niya ay nabanggit niya ang pangalan na armando.Pinakita niya pa nga sa akin ang picture niya pero laking gulat kong siya pala iyon.Nagtaka naman ang kaibigan ko at tinanong ako kung bakit daw ganun ang reaksiyon ko eh.Nasaktan ako nung sinabi niyang MU na daw sila.She's my bestfriend kaya naman hindi ko akalain na ganun ang sasabihin niya sa akin.


I searched your name on facebook but then I found nothing dahil puro posers.Doon ko nalaman na sikat pala siya.I searched more about him at ang dance group na sinalihan niya.And then I found a photo of your dance group.Nakita ko na may naka-tag dun.I stalked every person that is tagged in that photo.But i noticed one unique name and I clicked it.Sapatos na nike ang profile at kotse ang cover.Nothing special pero I send friend request na rin.You accepted it quickly.Nagulat nalang ako dahil may nag-notif sa messenger ko then boom! You say hi and asking how did i find your facebook account.At sinabi ko naman ang totoo.Hindi na inistalk ko siya ah! Kundi dahil sa picture.We talked about our stuffs and many more.Hindi ko napansin na inabot na pala ng gabi ang pag-uusap natin na kanina ay parang 3 palang ng hapon.Pinag-uusapan na tayo sa school pero hindi ko alam kung paano.Wala naman akong pinagsabihang iba pero ang alam ko lang ay nagalit ang bestfriend ko.Nagsisimula na ang kantyawan at asaran na natatanggap ko.Kinausap ako ng bestfriend ko na layuan na rin kita kaya I blocked you kahit alam kong sarili ko lang ang sinasaktan ko.Aaminin ko na hindi kita na natiis kaya naman when Unblock you I receive a message from you.Syempre you asked me. Why i blocked you.Pero sorry lang ang naisagot ko.You only said 'okay you are forgiven'


I let myself to be free at hindi pinapansin ang sinabi ng bestfriend ko.Tinanong mo ako kung crush kita pero idonadaan ko lang sa joke ang lahat.Hindi ko rin alam kung paano kumalat sa school na crush kita pero aaminin ko sa sarili kong totoo.One time hindi ka na nag-chat dahil hindi ko sinagot ang tanong mo na kung crush ba kita.Kaya naman nag-reply na ako ng oo.Pero nagulat ako dahil ang reply mo ay crush din kita.Pagkatapos nun ay close na tayo that 2 months nagtyaga akong mag-online araw araw.Feeling ko nga nun tayo na eh.Feeling ko lang pala.Dahil nung nagkabati na kami ng bestfriend ko agad mo namang sinabi na aalis ka papuntang davao.Flight mo monday next week at 7 am.Umiyak ako buong week at hindi kita chinat nun.Pero pinagsisihan ko iyon.Alam kong sa chat lang tayo nag-uusap pero duon ko nalaman na inlove na pala ako.Hindi lang crush.Sinabi ko sa sarili kong hindi ako iiyak kapag aalis ka na.Nag flood ka ng chat sa akin nun nung binuksan ko ang messenger ko pero hindi pa rin ako nag-reply.Nasasaktan ako dahil ngayon na ang alis mo.At ang huli kong chat sa iyo ay Bye.


After 7 months.


Nag-scroll ako sa newsfeed ko at nakita kong cover mo ang isang babaeng maputi pero hindi ko masasabing maganda.Maraming nagsasabing kayo na daw pero palaging status mo ay with bestfriend.Akala ko nga naka-move on na ako.Tanga ko noh? Hindi ko alam kung akok ba ang tinutukoy mo sa mga post mo na ikaw ang naghihintay na mag-chat si someone ng kamusta.I chat you Musta na? You said you are okay but then Tinanong ko kung kamusta na kayo ng bestfriend mo.you said you two are okay.Pero feeling ko you only makes me jealous dahil palagi mo siyang kinukwento sa akin kahit hindi ko naman siya tinatanong.Nagsimula ang conversation natin na parang katulad noon.Nalaman ko na hindi lang pala kita mahal.Mahal na mahal kita kaya sana pagkitain tayo ng tadhana kahit nasa malayo ka.At hinihiling ko na hanggang ngayon ako pa rin.


Red_Sauce/Pasay City/2015

Confessions and True StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon