Dear Miss Reyna ng Katanungan,
Hi po :) I have read some of your stories po. Akala ko nga po story yung reyna ng katanungan but yes, mali po ako Hahahaha. Kaya itatry ko na din po ^_^ Ganito po kasi yun, 2 na po yung naging boyfriend ko. Yung first po sobrang tragic para sakin. Niloko niya ko, and 2 weeks lang kami tumagal kaya sobrang bitter ko since then. Umabot din po sa point na nagkakagusto na ko sa babae dahil sa takot ko na maulit uli yun. Never na po kong nag entertain ng manliligaw. Minsan sinasabihan na ko na manhater ako. Pero hindi po, dahil majority ng friends ko lalaki. Actually po lahat ng lalaki nasa friendzone lang. Sa loob po ng two years ganun ako. Nagfafan girl sa babae. Nanligaw na din po ako once. One of the boys. Ganun lang po ako sa loob ng two years, nagpapakalalaki. Pero nung nagtransfer po ako sa isang school. I met this guy. Parati niya kong hinaharot tas ako binabara siya. I hate him so much. Kasi malandi siya. Amoy manloloko. At gwapo Argh. Tas yun po unfortunately, nalalaglag ako. I dont why or how. Maybe nagstart nung pinakilala niya ko sa ate niya and sa group of friends niya outside school. And Im amazed. Hanggang hindi ko na po namalayan na, nahihirapan na kong barahin siya kasi, kinikilig na po ako. Kung dati nasusuntok ko siya everytime na niyayakap niya ko. Ngayon, nauuna na yung gulat at pamumula ng mukha ko. Nagsimula na din akong magalit sa magaganda na nilalapitan or nagpapacute sakanya. Eh dati grabe ako kung makakatitig. Madalas din inaabutan na ko ng curfew ng dorm ko kasi nanunood ako ng volleyball game niya. Hanggang sa naging kami. Wala ng ligaw ligaw. Everything was fine. Sa school parang normal na schoolmate lang kami. Tas pag after class magkasama kami. Kung san sang court napupunta para manood ng laro niya at mga kaibigan niya. Di ko napansin na, babaeng babae na ko. Nagshoshorts. Nagpapaganda. At kung dati inis na inis ako sa mga nagppda ngayon, gustong gusto ko na hinahawakan niya yung kamay ko.
Sobrang colorful po ng lahat kaya nahirapan po ako ng nalaman ko na magtatransfer ako ng school. Sinuggest ko na magbreak kasi ayoko ng ldr. Natatakot po ako na maapektuhan yung schooling namin. Ayoko po kasing sumabay sa iintindihin niya. School. Projects. Pagiging athlete. At scholarship niya. Kaya sabi ko break na lang. Then nung April 17, nagkita kami. Nagstay kami sa bahay nila. Then we did what we always do. Cuddle. Movies. Food. Hanggang sa naghiwalay na kami. Di kami nagtetext. Nagchachat. At eto po ngayon nalaman ko na hindi na ko magtatransfer. Naguguluhan po ako. Ang sabi ng kaibigan ko sabihin ko na hanggang maaga pa kasi nga baka isipin niya na naghanap lang ako ng excuse para makipagbreak. Pero natatakot ako. Baka wala na siyang paki. Baka nga may iba na siya. Kasi okay lang naman sakanya nung break kami. Hindi naman siya affected. Ni-hindi niya tinanong kung okay lang ako. Ano po bang gagawin ko? Mag momove on na lang? Or ipagpatuloy ko pa?
Pasensya na po ang haba Hahahaha. Thank you po in advance. Sana po matulungan niyo ko. :) more power po :*
------
Dear JerkCPrincess,
Nang mabasa ko ang kwento mo, Everything was fine. Everything was magical. Iyon nga lang you did what you wanted to do. You want to call it quits dahil ayaw mo ng LDR.
My advice, Pwede mo muna siguro i observe ang nangyayari sa side niya, Iyong wala ba siyang nililigawan, wala bang nalilink sa kanya, or baka may liligawan pa.
Kasi diyan mo lang naman malalaman na hindi na siya affected sayo dahil sa pamaraan na iyon, Kaya na niyang tanggapin na wala na kayo at ready na siya mag move on at humanap ng iba.
kung sa tingin mo naman ay wala pa siyang pinopormahan, Pwede mo naman siguro siyang kausapin about in your past relationship. Try to explain in your side, pakikinggan ka naman siguro niya. Kasi lahat naman may paraan, Lahat may solusyon. Kung mahal mo ang isang tao ipaglaban mo ang nararamdaman mo,kung sa tingin mo karapat dapat ka ng bumitaw, bumitaw ka na, Wag ka ng kumapit pa dahil masasaktan ka lang pag ipagpipilitan mo pa sarili mo sakanya tapos siya, ayaw niya na.
Nagmamahal,
Miss Reyna Katanungan