Sender # 18

123 2 0
                                    


Dear miss reyna ng katanungan,



(Please dont mention my name. Hihi) May crush kasi ako. And sya, parang nagpapakita po talaga sya ng motive na gusto nya rin ako or ASSUMING LNG TALAGA AKO. Kagaya po nung palagi nya akong chinachat, sinesendan nya ako ng voice message o ano pa. At first, sabi ko lng na "ah, wala lng yun para sakanya." Kaya di ko po binibigyan ng malice. Pero Sabi po kasi ng kaibigan ko na sinabihan ng crush ko ng mga secret nya. Crush daw rin ako ng crush ko. (Kaya parang umasa na ako dun sa sinabi ng kaibigan ko saken) Pero po, the thing is. MAY GIRLFRIEND NA SYA. Sabi ko nga sa kaibigan ko "May girlfriend na nga lumalandi pa". Then, they also keep on saying na gusto nga talaga ako ni crush. Gusto nga po syang tanungin about dun, pero baka sabihan lng ako ng assuming.Should i ask him about it? Or hayaan nlng.



 Nagmamahal, Ang iyong tagahanga


------

Dear sa aking tagahanga,


Hi! :D Normal lang naman na magka crush sa isang tao pero base sa sinasabi mo. Kung talagang crush ka man ng crush mo,  Normal lang naman na humanga sa isang tao pero alam naman natin na iyong crush mo eh may girlfriend na so it means Hanggang diyan lang kayo.Hanggang inspirasyon nalang. Wala ng step forward kumbaga.

kung gusto ka nga naman ng crush mo, Normal lang rin ang humanga siya sa iyo. Siguro may mga katangian siyang nakikita sayo na kaya't humahanga siya sa'yo. 

Magkaiba naman kasi ang salitang CRUSH sa GUSTO KITA/GUSTO MO SIYA.

 CRUSH (humahanga ka sa isang tao)

GUSTO KITA (Like mo lang siya pero hindi ka mahal)


Wag mo na siyang tanungin kong talagang crush ka niya, Minsan nakakababa ng level iyon sa isang babae na gumagawa ng first move.  Hayaan mo muna. 

"Hi! (insert his name here) Crush mo ba talaga ako?"

  Hindi ba awkward iyon?  Hayaan mo nalang. :D



Hindi rin natin alam ang magiging reaksyon niya diba?

At base sa sinabi mo, nalaman mo lang rin naman sa kaibigan mo iyon diba? Hintayin mo nalang na sakanya mismo nanggaling dun sa lalaking iyon ang totoo...pero sana friends lang kayo sa ngayon ha? Alam mo naman may lovelife ang isa sa inyo. hehehe




Nagmamahal, 
Miss Reyna Katanungan






Confessions and True StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon