5th Day
Isang estrangherong lalaki ang naglalakad habang hawak niya ang aking kwintas na bigay ng isa kong matalik na kaibigan, sinundan ko siya upang kunin ang aking kwintas."Ah sir, akin po yan" ang sinabi ko sa estrangherong lalaki kaya napatigil ito sa kaniyang paglalad.
Binalak netong lumingon ngunit bago ko pa makita ang kaniyang mukha ay......
*There's another side that you don't know, you don't know. I can't wait to get you all alone, all alone. Once I'm in there ain't no letting go, letting go. Watch me turn your mind into my home*
Tumunog ang aking alarm.
Dahilan upang magising ako sa panaginip na iyon. Nang tignan ko ang aking kwintas ay nakasabit pa naman sa aking leeg.
"What a weird dream, sino kaya yon? Bakit naman nasa kaniya ang kwintas ko?" Pagtatanong ko sa aking sarili at pinatay ang aking alarm at tinignan ang oras.
"6am na, trabaho nanaman. Pero gusto ko pang matulog" pagmamaktol ko sa aking sarili habang bumabangon at naghahanda para sa aking pag pasok sa opisina.
7am bago ako nakarating sa office, pinark ko ang aking sasakyan at bumababa, habang naglalakad ay may nakita akong anino sa isang madilim na side ng building ng office.
Out of curiosity, lumapit ako dito. At nakita ko si Noah.
"Noah? Ha! Patay ka sa akin ngayon. Ako naman ang babawi sa pang gugulat mo sa akin" sinasabi ko sa aking sarili habang dahang dahang lumalapit sa lugar kung nasaan si Noah.
"Oh, my sweet yana. You will sooner be mine." Eto ang mga katagang narinig ko galing kay Noah habang papalapit ako sa lugar kung nasaan siya. Napansin ko ring mayroon siyang hawak na manika habang inaamoy pa ito.
"What the hell is doing?" Labis akong natakot sa nakikita kong ginagawa ni Noah, kaya naman umalis ako ng dahandahan upang hindi niya ako mapansin.
Dahil sa nakita kong pangyayari, buong araw ay pilit ko iniiwasan si Noah sa kahit anong paraan.
"Yana, lunch tayo kasama sila Noah. Tara?" Pag aaya sa akin ni Akira. Na ikinagulat ko, kaya naman naghanap ako ng aking madadahilan
"A-ay hindi aki, busog pa ako. Ikaw na lang muna para ma solo mo din si Noah." Pagdadahilan ko kay akira at agad niya namang sinangayunan at agaran rin siyang umalis.
4th day
Naglalakad ako sa parking lot nang tinawag ako ni Noah na ikinagulat ko naman. Labis akong natatakot sa kaniya pagkatapos kong makita ang pangyayaring iyon.
"Yana!"Sigaw ni Noah
"H-hey, Noah? Anong ginagawa mo dito?" Nauutal at pagtatanong ko kay Noah, at pilit kong tinatago ang pagkatakot ko sa kaniya.
"Uhm, ano kase yana. Matagal ko ng gustong sabihin to sayo, kaso natatakot kase ako sa kung anong magiging resulta, pero ngayon magiging matapang ako kahit ano mang sagot mo. Yana, gusto kita." Pagaamin ni Noah, kasabay rin nito ang pag hawak niya sa kamay ni yana na ikinagulat ng dalaga.
Dahil sa gulat, hindi ko agad naalis ang kaniyang kamay na nakahawak sa akin. So totoo nga ang narinig ko kahapon? Nahihibang ka na ba noah? Hindi to maaaring malamang ni akira, sigurado akong magagalit siya.
"Baka naguguluhan ka lang noah hahaha." Kabadong kong sinabi dahil, baka mali lamang ang aking narinig.
"Hindi, alam ko ang naramdaman ko sayo yana. Totoo to." Sinserong saad naman ni Noah
"Noah.. sorry but I-I can't." Saad ko at tumakbo ng mabilis.
"No, no,no. Magagalit sa akin si aki" nangangambang sabi ko habang naglalakad ako palayo kay Noah.
Pero huli na ang lahat. Nang makasalubong ko si akira ay agad niya akong kinompronta. Alam at nakita na niya ang nangyari na iyon. At naging bingi at bulag siya sa aking paliwanag. She misunderstood it. Akala niya kami ni Noah!
"Yana, pano mo to nagawa sa akin? Akala ko mapagkakatiwalaan kita." Sakit at galit ang namuo sa loob ni akira habang sinasabi niya ang mga katagang ito sa akin.
"Anong ibig mo sabihin aki?" Nagtatakang sabi ko kay akira. Hindi ko alam anong sinasabi niya. Hindi ko siya naiinitindhan
"Don't you dare act innocent yana, alam mo yung ginawa mo! I saw you and Noah at the parking lot! Ano kayo na ba? Masaya ka bang nasasaktan ako ha? Yana?" Galit ang mas nananig kay akira sa mga kataga niyang ito.
"What are you talking about? Kung ano man yan yana dapat mong malaman hindi kami ni Noah nag uusap lang kami akira. You are jumping to conclusions" Pagpapaliwanag naman ko sa kaniya. Mali ang iniisip mo aki, sana makinig ka sa paliwanag ko.
"Yana? Sinong niloloko mo? Talking? Holding hands? Oh! Don't lie to me yana, hindi ako tanga! Alam mong gusto ko siya diba? Pano mo to nagawa sa akin!" Tumaas ang boses ni akira at umalis na.
"Please, akira hear me out. Let me explain." Habol naman sabi ko sa kaniya. Bakit ayaw niya akong pakinggan?!
"No, we should not talk again." Panghuling sabi ni akira at tuluyan ng umalis.
Hahabulin ko pa sana si akira ng mag ring ang aking telepono.
Si mama....Alam ko naman ang pakay niya kaya siya tumawag.
Hindi pa ako nakakapagsalita ng unahan ako ni mama ng pasigaw na galit galing sa kabilang linya ng telepono.
"Yana, ano ba?! Kailan mo ba balak bayaran ang mga utang namin ng papa mo? Hindi na kami makatulog at makakakain ng maayos dahil lagi kaming ginugulo ng mga naningil. Yana ano? Wala ka bang awa sa pamilya mo? Wala kang utang na loob!" Sigaw ni mama sa akin. Utang nila, pero ako ang magbabayad. Grabe naman tong nangyayari sa akin. Sunod sunod na problema!
"Ma? Wala manlang hello?" Kalmado at nagtitiis na sabi ko. Matagal ko ng silang hindi nakikita at ito ang ibubungad niya sa akin
"Ay yana, hindi na ako magpapatumpiktumpik. Ang kailangan namin pera! Kailangan namin mabayaran ang utang! At hindi ang hello na gusto mo!" Pasigaw nanamang sabi ni mama sa akin. Sanay na ako sa kanila ni papa. Matagal na silang ganyan, kahit noong nasa puder pa nila ako. Utang doon, utang dito. At nauubos nila sa sugal. Sinasabi nila sa akin na magaral akong mabuti at makahanap ng trabaho para matulungan ko sila.
"Oo ma, hahanap ako ng paraan dyan sa mga utang niyo. Huwag po kayo magaalala" matamis ko namang sabi kay mama, bagaman puro pait ang kaniyang mga sinabi.
"Hay anak, salamat. Hihintayin ko yan! Magpapadala na lamang ako ng lista sa iyo. Salamat anak" at parang isang kisapmata, naging matamis ang kaniyang boses sa akin. Kakausapin ko pa sana siya para kumustahin sina papa at lucio ngunit...
*Toot*toot
Pinatayan niya na ako...
"Grabe na tong araw na to, hindi ko na ata kaya. Gusto ko na lang maglaho" naiiyak kong saad.
BINABASA MO ANG
Among Us
Mystery / ThrillerA girl named Yana, was found dead in her room. The suspects were among her friends. Who is lying? Who do you think did this?