Prologue: Ang Araw

27 1 0
                                    

Ika-20 ng Disyembre, 7:30pm. Tatlongpung minuto bago ang nasabing usapan na pagtatagpo ng mga magkakaibigan sa bahay ni Yana.

Dialing......

Dialing.......

Waiting......

Napagtanto ni Akira ang tagal nang pagsagot ni Yana sa kaniyang tawag. Ibaba niya na sana ito ng sinagot ng nasa kabilang linya.

"Girl? Bakit ang tagal mo naman sumagot?" Kunwaring naiinis na sambit ni Akira.

Ngunit walang sagot na nakuha si Akira kay Yana. Pinagsawalang bahala niya na lamang ito at tinuloy ang kaniyang pakay.

"Yana? Anyways, ano ba dapat kong suotin? Dapat ba bongga? Or---"

*toot* toot*

Hindi pa natatapos si Akira ng babaan siya ng telepono ni yana

"D-Dapat simple lang? Hindi pa ba siya okay? E bakit naman kase magsisimula siya ng party? Pero kahit ganon pa man sisimulan ko nang pakinggan ang gusto niyang sabihin. Maybe I can now understand her. " Pangungumbinsi ni akira sa kaniyang sarili. Binaba ang kaniyang telepono at masayang tumuloy sa kaniyang paghahanap ng maisusuot.

7:55pm ng matapos si akira sa kaniyang pag aayos.

"Hala! Malelate na ako! Well, lagi naman akong late, nothing new. Pero nasaan ba yung susi ng kotse ko?"

At pagsapit ng 8pm nakaalis ng bahay si akira, ngunit may hindi inaasahang aksidente sa daan kaya lalo pa itong nag patagal sa kaniya.

Nang madaanan ito ni akira, nakita niya ang kamay ng drayber sa labas ng bintana, natakot si akira at tumingin na lamang ng diretso at nag maneho na papunta sa bahay ng kaniyang kaibigan.

Pagka park niya ng kaniyang sasakyan. Agad niyang napansin ang dalawang motor at isang sasakyan na tiyak na pagmamayari ng kaniyang mga kaibigan.

At Hindi nga siya nagkamali dahil pag katok niya sa pinto ay sinalubong siya ng pangsesermon ni Noah.

"Oohhh! Dumating na ang prinsesa. Ano 30 minutes late? Pati talaga sa party? Gawa ka bagong new year's resolution ha, siguraduhin mong susundin mo. " Naiinis kunwaring ani neto.

"Noah, nahirapan yan sa susuotin niya. Sure ako jan!" Ani naman ni Kyla

Tinuro ni akira si kyla at tumango tango hudyat na tama ang sinabi niya.

" At, hindi lang yun noh. Meron kasing aksidenta sa daan. Yung sa kanto nila yana. Ang scary nga grabe, nakalabas yung kamay niya sa binta. Geez!" Sabi naman ni Akira habang inaakto niya pa ito.

"Eh, nasaan na nga ba yung nag invite invite sa atin dito? Bakit wala pa siya dito sa baba?" Pahabol na sabi ni akira.

"Andun sa taas, may gagawin at mag aayos lang daw siya, sinabi niya rin kase na wag daw tayo aakyat. Pero tignan mo naman, Isa't kalahating oras na wala pa din."  Ani naman ni Benjamin.

*Ding dong*

"Salamat! Dumating na din ung pizza na yan. Napakatagal, katulad nung isa jan. " Ani ni Noah sabay tingin kay akira nang may pangaasar. Na sinagot naman ni akira nang pagtataray.

Habang kinukuha ni Noah ang pizza biglang tumayo si Kyla at sinabing..

"Ang tagal naman ni yana don, hindi ko na siya mahihintay. Aakyat muna ako at tatawagin ko siya. Ano ba kase ang ginagawa niya sa taas?" Ang sabi ni kyla habang naglalakad paakyat ng hagdan.

"Pizza coming thru!" Masayang sabi ni noah habang nagmamadali papunta kay akira at benjamin.

"Hay nako, kain na tayo nagugutom na ako." Sabi ni akira habang nakahawak sa kaniyang tiyan.

"Lagi ka naman kasing gutom hahaha." Biro namang sabi ni benjamin.

"AHHHHHHH!!"

Hindi pa nila nabubuksan ang pizza nang marinig nila ang sigaw ni kyla, nagulat ang magkakaibigan at dali dali silang umakyat na may halong takot at pag-aalala. At doon nga nila nakita ang walang buhay na katawan ng kanilang kaibigan na si yana.





Among UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon