Suspect No. 2: Noah

18 1 0
                                    

Hindi pa rin nag sisink in sa akin na wala na si yana. Hindi pa rin ako makapaniwala. The girl I admire and look up to is now gone. Kung panaginip man ito, sana magising na ako.

"Your name sir?"

Napatingin ako sa imbestigador na nasa harapan ko. Siya ay makisig at matangkad meron mang magtangakang saktan siya ay sigurado akong matatalo lamang ito.

"Noah Martinez sir."

"Proceed to your statement sir Noah." Buong  tinig na sabi niya. 

"On the 4th day before the incident, I confronted my feelings for her in the parking lot. It is around day time..."

Re-enactment

"Okay, kaya ko to. Yana, gusto kita. Pwede ba kitang ligawan? No, no, no masyadong direct to the point baka magulat siya. Yana, wag ka magugulat please, I like you. Nope, still nope. Yana, liligawan kita." Napatigil si Noah sa pagkausap niya sa kaniyang sarili ng makitang naglalakad si yana.

"Yana!"Sigaw nito, at agad naman siyang napansin ni yana.

"H-hey, Noah? Anong ginagawa mo dito?" Nauutal na sabi ni yana. Sa hindi malamang dahilan.

Napansin ito ni Noah, ngunit ipinagsawalang bahala niya na lamang ito at tinuloy ang gusto niyang sabihin

"Uhm, ano kase yana. Matagal ko ng gustong sabihin to sayo, kaso natatakot kase ako sa kung anong magiging resulta, pero ngayon magiging matapang ako kahit ano mang sagot mo. Yana, gusto kita." Pagaamin ni Noah, kasabay rin nito ang pag hawak niya sa kamay ni yana na ikinagulat ng dalaga.

Ilang segundo ang lumipas ng tanggalin ni yana ang kamay ni Noah.

"Baka naguguluhan ka lang noah hahaha." Kabadong sabi naman ni Yana

"Hindi, alam ko ang naramdaman ko sayo yana. Totoo to." Sinserong saad naman ni Noah

"Noah.. sorry but I-I can't." Saad ni Yana at tumakbo ng mabilis.

Back to Investigation

"Nakikita ko sa mukha ni yana na hindi siya maayos ng panahon na iyon. Kaya naman hinayaan ko nalang siya. Baka meron rin siyang mabigat na problema na hinaharap. Inaamin kong nasaktan talaga ako dahil hindi niya ako kayang mahalin pabalik. Pero nirerespeto ko ang ano mang desisyon ng babaeng gusto ko."  Makikita ang sinserong pahayag ni Noah sa kaniyang mga sinabi.

"Sigurado ka bang hindi ikaw ang gumawa nito? Ang pag reject niya sayo ay isang malaking motibo sir Noah." Saad naman ng imbestigador

"Nasaktan man ako sa pag reject niya sa akin sir, mas hindi ko kayang gawin ang bagay na iyon. At Hindi ko naman siya mapipilit kung hindi niya talaga ako mahal. The only thing I could do is accept and move on." Malungkot ngunit makahulugang sabi naman ni noah. Na nakapagkumbinsi sa imbestigador.

"Sige sir Noah. Maaari mo ng ituloy ang iyong pahayag."

"Sa araw rin na iyon, nakitang kong nag uusap si Akira at Yana, na parang nagkakaroon sila ng argumento. Ngunit, hindi ko na ito pinagtuunan ng pansin at interes dahil sa kirot ng nararamdaman ko ng panahong iyon." Pahayag ni Noah.

"Nagkaroon rin ng promotion si yana sa tatlong araw bago ang insidente trabaho sir, masaya ako para sa kaniyan. Binati ko siya ng may galak sa aking puso, ngunit sadyang hindi ko talaga siya mabihag."

"At ang Gabi bago ang insidente, ang sobrang pagaalala ko nalamang kay yana. Nakita ko si yana naglalakad na parang wala sa sarili. At dahil siguro sa lalim ng kaniyang iniisip, tumawid siya sa kalsada ng hindi tumitingin. At muntikang masagasaan ng isang malaking truck."

Re-enactment

"Yana!" Sigaw ni noah at mabilis na hinila si yana palapit sa kaniya, dahilan para mayakap niya ito.

Mabilis na tumulo ang luha sa mga mata ni yana, at nang makita na si noah ang nagligtas sa kaniya, mabilis niyang kinalas ang pagkakayap.

"Please, leave me alone Noah." At tumakbo ito si yana palayo kay noah.

Back to Investigation

"At ng sumapit ang kinabukasan, wala akong nakita kahit anino ni yana na pumasok sa trabaho. Ngunit, alas dose ng tanghali nagulat na lamang ako ng makatanggap ako ng imbitasyon sa pamamagitan ng text mula kaniya na magkakaroon kami ng kaunting pagsasalo salo. Nagtataka man, dahil sa maraming pangyayari katulad ng pag reject niya sa akin. Pinaunlakan ko pa rin ang kaniyang imbitasyon." Saad ni Noah

"Pag dating ko ng bahay ni yana, nakita ko si benjamin na mayroong tinitignan na mga papeles, malamang ay gamit ni yana iyon..."

Re-enactment

Pag pasok ni Noah sa bahay, nakita niyang mayroong tinititigan na papel si benjamin.

"Benj, anong ginagawa mo?" Tanong ni noah kay benjamin.

Nagulat si benjamin at agad niyang nabitawan ang papel na hawak niya.

"U-uhm wala.. " saad ni benjamin

Back to Investigation

"Hindi ko na lamang tinanong kung ano ang mga iyon. I also have no interest in it, since I am in the state of moving on. Ayoko munang maka kita ng mga bagay na makakaalala lamang sa nararamdaman ko kay yana. Pagkatapos noon, ay nagusap kami tungkol sa trabaho lalo mayroon kaming malaking proyekto na parating. Ilang minuto ang lumipas ng dumating si kyla, siya na din ang nag order ng pizza habang inaantay namin si yana at akira."

Re-enactment

*THUD*

Naguusap si sina Kyla, Noah at Benjamin ng mayroon silang narinig na kalabog, katulad ng isang mabigat na bagay ang nahulog mula sa taas ng bahay ni yana.

"Ano yun? Narinig niyo na ba? Daga ba yon?" Nagtatakang sabi ni Noah.

"Baka si yana lang yun, may ginagawa pa siya diba. " Ani naman ni kyla.

"Yeah.."  ang nasabi na lamang ni benjamin. Hudyat na sumasangayon sa pahayag ni kyla.

Back to Investigation

"Nagpatuloy kami sa paguusap, tungkol sa ibat ibang mga bagay sir. Hanggang sa hindi namin namalayan ang oras, natigil lamang ang amin kwentuhan ng dumating na si Akira. Ako rin ang kumuha ng pizza sa pinto, at bumalik sa pwesto kung nasaan ang aking mga kaibigan,  lumipas lamang ang ilang segundo ng sumigaw si Kyla. My body froze sir, seeing the girl that I love and dreamed of was in a cold body. My heart doesn't want to accept her death yet."  Naiiyak at nasasaktan na sinabi ni noah.

Among UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon