Chapter 2

20 1 0
                                    

"Anong nangyayari? Bakit ka umiiyak?"

Agad kong dinaluhan si Jared na nasa labas ng bahay habang umiiyak. Hindi ito makasagot sa tanong ko dahil sa patuloy na paghikbi nito kaya ay tiningnan ko ang bahay. Sandaling nagtaka ako sa katahimikan kung kaya ay binilinan ko si Jared na huwag siyang aalis sa pwesto niya. Ibinigay ko sa kaniya ang dala kong pasalubong na biscuit at chocolate bago pumasok sa bahay. Nakita ko roon si Mama na nakaupo habang hilot hilot ang sentido. Inilibot ko ang paningin sa paligid. Nagkalat ang mga binili kong paninda ni Ate Yana na ukay-ukay. Nakita ko rin na nahulog ang maliit na television na pinag-ipunan ko nang ilang buwan. Nanlumo ako sa nakita ko. Pagod na pagod ako ngayon at konti lamang ang tulog nang ito pa bubungad sa akin. Excited pa naman sana ako umuwi para maihilata ko na ang masakit kong likod dahil sa ilang oras na pagtayo suot ang mataas na sapatos.

"Anong nangyari?" Mahinang tanong ko. Inilibot ko ang paningin ko at hinahanap ang ilang kasamahan dito sa bahay.

"Tangina talaga! Wala na kayong ibinigay lahat sa akin kung hindi konsumisyon!" agad na sikmat ni Mama. Nangunot ang noo ko sa narinig. Ano na naman nangyari?

"May pumunta ditong mga tao. Hinahanap si Audrina! Potang bata na 'yan! Ano bang pinagtuturo mo doon at natutong magnakaw!"

Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko na ininda ang paninisi niya dahil sa narinig. Paano? Paanong magagawa iyon ni Audrey?

"Nagnakaw? Si Audrey?" halos magkandabuhol buhol pa ako sa pagsasalita. Hindi makapaniwala na nagawa niya iyon.

"Oo! Nanguha ng wallet sa bangketa! Sa isang dayuhan dito! Punyeta naman! Mahirap tayo, pero putangina, hindi tayo magnanakaw!" nahahapong palahaw ni Mama. Napahawak ito ulit sa sentido. Pansin ko ang ilang butil ng luha sa gilid ng mata niya.

"Andito si Manuel kanina! Isa rin iyon! Wala man lang ginawa nang halughugin ng mga taong iyon ang bahay! Hindi ko na talaga alam kung bakit nagkandaleche leche ang buhay ko! Pinagsisihan ko talagang maaga akong nagkaanak at nagpaanak pa sa gagong Manuelito na iyan! Maayos sana ang buhay ko sa Japan ngayon. Hindi sana ako nagkakandakuba maglaba kung... tangina talaga ni Manuelito!" Panay mura siya kay Papa pero hindi niya man magawang iwan. Panay siya sabi na leche ang buhay niya nang kasama kami pero naririto pa rin siya, nagtitiis kasama kami.

Hindi ko na inintindi pa si Mama sa sala at agad akong tumakbo sa kwartong inuokupa ko at ni Audrey. Nanlumo ako nang makitang nakatalukbong ito at umiiyak.

"Audrina." tawag ko dito pero hindi ito sumagot. Mas lalo itong nagtalukbong ng kumot niya.

"Huwag mo muna ako pagalitan. Basag na basag na tainga ko sa bunganga ni Mama."

"Hindi kita pagagalitan kung sasagutin mo nang maayos ang tanong ko. Alam mong makikinig ako sa iyo, Audrey."

Hindi ako konsintidor. Ayoko ng ginawa niya pero alam kong may dahilan kung bakit niya iyon nagawa.

"Bakit mo nagawa iyon, Audrey? Sabi ko naman sa inyo, 'di ba? Kung may kailangan kayo, magsabi kayo sa akin. Hindi tama iyon. Kailanman hindi dapat iyon ginagawa dahil lang sa wala tayong pera."

"Hindi naman ganoon iyon." mahinang sagot ni Audrey. Naupo ako sa papag namin at hinintay siyang magsalita ulit.

"Ano?" pag-uulit ko. Tuluyan na itong umalis sa pagkakatalukbong sa kumot. Bumungad sa akin ang mukha niyang bakas pa ang sobrang pag iyak. Tiningnan ko ang mukha niya at nakahinga na hindi naman siya nasaktan. Isang bagay na pinagpapasalamat ko kahit papaano na kailanman ay hindi kami sinasaktan ng nga magulang namin ng pisikal pero hindi rin maiwasan isipin na sana pisikal na lang. Kumpara sa mga salita, mas madali maghilom ang sugat sa katawan kaysa sa sakit na dala ng salita. Lagyan lang iyon ng alcohol ay hihilom na pero sa salita, kahit ibuhos ko pa ata ang lahat ng alcohol at magpalunod sa alak ay wala, hindi pa rin maaalis.

Somewhere Only We KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon