Chapter 6

14 1 0
                                    

Katahimikan. Iyon ang namayani sa aming munting tahanan kinaumagahan matapos ang naging komprontasyon na iyon sa pagitan nila Mama. Wala si Papa. Hindi ito umuwi sa amin at ang sabi ni Audrey ay may tinanggap raw ito na service sa kabilang bayan. Si Mama naman ay tahimik lamang. Sa lahat ng away nila ni Papa, kahapon ang pinakamalala kaya sobra ang bigat sa dibdib ko. I made this silent war. Ako ang pinagsimulan ng away nila at alam kong nadadamay ang mga kapatid ko.

Hindi ko alam kung ano ang mas okay. I used to pray before na sana tumahimik man lamang ang bahay ng kahit isang araw pero ngayon, parang ayoko na. Mas nakakapanghina at nakakasira sa utak ang katahimikan sa paligid pero randam mo ang bigat. The silence is not giving peace, hence it screams loudly until your ears and mind were damaged.

Kasalukuyan akong naglalaba sa likod bahay nang maramdaman ko si Mama sa likod ko. Kunot ang noo nito at aburido sa sinasalansan niyang gamit.

"Ma..." paunang banggit ko — hinihintay ang reaksyon niya.

"Kung pipilitin mo lang rin naman ako sa kagustuhan mo, huwag ka na magsayang pa ng laway mo. Kung gusto mong layasan kami, lumayas ka na rin at magpakalayo layo tulad ng ginawa ng Kuya Alonzo mo." sa mababang boses na sabi ni Mama. Ramdam ko ang kalamigan sa boses nito.

Napalunok ako sa narinig. May kung ano na bumara sa lalamunan ko at kusang may mga nangilid na luha sa mga mata ko. Bakit ba ang sarado ng isip ni Mama?

Gusto ko lang naman sana humingi ng tawad sa kaniya dahil ako ang nag trigger sa kanilang mag asawa. Gusto kong sabihin iyon pero hindi ko makuha ang boses ko. Nauunahan ako ng takot na mabulyawan at dumagdag pa sa gulo sa bahay.

"Hindi po iyon, Ma." halos magkandabuhol buhol na ang dila ko dahil pinipigilan ko ring umiyak. Ni minsan ay hindi pa ako umiyak sa harapan nila. Lagi kong pinapakita na matatag ako kaya hanggat maaari ay pinipigilan ko ang luha ko ngayon.

Marahas na nilingon ako ni Mama. Bakas ang pagkairita sa mukha nito.

"Ano ba, Adahlia? Heto na, 'di ba? Binibigyan na kita ng karapatang umalis. Ano pa ba?" gigil na sabi nito.

"Hindi na po ako aalis." nabubulol kong sabi kasabay ng marahas na pag iling.

"Oh tapos ngayon ay aayaw ka? Kung kailan nag away na kami ng tatay mo? Kung kailan nagkasiraan kaming mag asawa?" napahawak ito sa sintido. Napayuko na lamang ako dahil sa kahihiyan. Nakikita ko si Audrey na nakikisilip sa bintana ng kwarto namin.

"Pasensya na po, Ma." mahinang sabi ko. Nakakapanghina.

"Umalis ka kung gusto mo, Ada. Hindi na ako makikialam pa sa kung anong desisyon mo dahil matanda ka na nga 'di ba? Kaya mo na ang sarili mo. Sino ba naman ako na nagkandakuba kuba na palakihin ka para makialam sa mga kapritso mo pero ito tatandaan mo, sa oras na umuwi ka dito na walang napuntahan iyang kapritsuhan mo, ewan ko na lamang sa inyong magkakapatid. Tandaan mo, hindi ka laking siyudad. Hindi mo alam ang buhay roon. Tatamlay tamlay ka nang gumalaw, hindi iyan papabor sa lugar na iyon na palakasan ng loob. Tingnan natin kung kayanin mo." huling sambit nito bago ako tinalikuran at iniwan sa likod bahay.

Doon na nagsituluan ang luha sa mga mata ko. Sinusubukan kong punasan iyon pero sunod sunod ang tulo nito na hinayaan ko na lang.

Bakit ba ang hirap sa inyong intindihin ako? Bakit laging ang tingin niyo sa akin ay mahina? Ni magtiwala ay mahirap gawin dahil lamang sa pagkakamali ng ate? Hindi ko buhay iyon. Magkaiba kami ng kapalaran. Kahit man lang sana paniwalaan niyo ako. Gusto ko naman ng growth eh. Hindi ako magu-grow kung mananatili lamang ako dito.

Ang sakit sakit mo mahalin, Ma. Ang sakit sakit niyong intindihin. Pinipilit ko ang sarili ko na huwag lumaki ang namumuong galit sa puso ko dahil iniisip ko pa rin na ikaw ang nagbigay buhay sa akin at habambuhay ko iyang utang na loob sa iyo pero ang hirap hirap pigilin. Gusto kong hayaan magalit pero kapag nangyayari iyon ay sumasagi sa isip ko na dala ito ng bagsik ng pinagdaanan ni Mama sa buhay. Na nagagawa niya lamang ito dahil hindi siya lumaki sa isang soft environment. Na lumaki siyang walang maayos na pagtaguyod mula sa mga ninuno ko. What she suffers and received in terms of parenting is what she could only give to us. Ang sakit lang na ganoon iyon.

Somewhere Only We KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon