Isang katok sa pinto ang nagpagising sa akin. Kasunod noon ay ang pagtawag ng pangalan ko kaya ay pupungas pungas akong bumangon sa pagkakahiga. Tiningnan ko ang orasan. Alas dyes na pala ng umaga. Apat na oras pa lamang ang tulog ko.
Sinipat ko ang higaan ni Audrey sa double deck namin at nakitang wala na ito roon. Bumaba na ako at kumuha ng twalya pantakip sa katawan ko dahil wala akong bra. Nang masigurong ayos na ang mukha ko ay binuksan ko na ang pinto at bumungad sa akin si Papa.
"Ano po iyon, 'Pa?" wala siyang sinabi maliban sa sundan ko raw siya. Sinunod ko naman siya at narating namin ang likod bahay. Sa tabi ng aming poso ay may upuan doon na ginagamit niya kapag nagsisibak siya ng kahoy. Pinaupo niya ako roon.
"Tungkol sa sinabi mo sa akin noong isang araw. Sigurado ka na ba doon? Kakayanin mo ba?" mahinang tanong nito. Alam ko kung bakit mahina ang boses niya — nag iingat na mapakinggan kami ni Mama na kasalukuyang nasa sala lang namin at nagtutupi ng mga pinalabhan sa kaniya.
Tumango ako. Sana talaga ay magandang balita itong pag uusap namin ni Papa.
"Ibang lugar iyon, Adahlia. Makakaya mo bang mag-isa? Saan ka ba roon titira?" sunod sunod na tanong nito.
"Kapag raw po natanggap ako ay may bahay raw po na titirhan na. Paupahan naman raw po iyon pero sabi ng kaibigan ko ay okay naman raw po doon." nasabi na kasi sa akin ni Wendy na kakilala ni Roel ang tatay ng anak na tuturuan ko. Hirap raw kasi magTagalog ang bata at balak nila paturuan magsalita nito. Bukod roon ay mahina rin ang bata sa klase dahil madali malipat ang atensyon non sa iba.
"Adahlia, mahirap ito. Alam mo naman ang Nanay mo. Mapa-praning iyon habang nasa malayo ka."
"Papa, mahirap naman po sa akin ito eh pero malaking oportunidad na rin kasi po iyon para sa akin." makakapag-aral ho ako. Gusto ko sana idagdag kaso ayokong sumama ang loob ni Papa at baka mas lalong mapurnada itong kagustuhan ko.
"Kakausapin ko ang nanay mo. Hindi ko alam kung gugustuhin niyon. Alam mo naman iyon, mainit ang dugo sa akin non."
Iyon na lamang ang sinabi ni Papa. Mukhang matinding usapan mangyayari sa mga susunod na araw ah.
Day-off ko ngayon sa trabaho ko sa pagiging brand ambassadress at balak ko sana maghanap ng papasukang extra na trabaho kaso ay naalala ko na may usapan pala ako roon sa nakasira ng TV namin na ngayon kami bibili. Sinabi ko doon na alas dos na lamang ng hapon kami magkita sa mall malapit sa amin.
Simpleng baby blue blouse at white denim short ang suot ko. Sinuot ko na lamang ang puting sapatos ko na ginagamit ko sa pagiging brand ambassadress ko at sikbit ang itim na shoulder bag ko. Hinayaan ko lang na nakalugay ang hanggang bewang kong buhok. Nagsuot akong itim na cap dahil mainit ngayon ang panahon. Sumasakit kasi ang ulo ko kapag sobrang liwanag. Bukod sa kitain ko iyong tao na iyon ay balak ko na ring bumili ng konting grocery sa bahay namin para isahang labas ko na.
Saktong 1:45 nang dumating ako sa mall. Sabi naman ng kausap ko ay on the way na ito at hintayin ko raw siya sa bukana ng mall. Sinabi ko na lamang ang suot ko para hindi siya mahirapan hanapin ako. Sa totoo lang ay kinakabahan ako. Ito ang unang beses na makikipagkita ako sa taong hindi ko kilala man lang pero wala akong magagawa dahil kailangan talaga na sa bahay. Ang hirap patigilin si Ryan sa pagwawala ng iyak sa bahay at pati sina Jared ay nakikita kong boring na rin dahil walang mapanood.
Inabala ko ang sarili sa panonood sa K-drama habang nakaupo sa isa sa mga bench sa gilid nang mall nang maramdaman ko ang isang pigura sa harap ko. Nangunot ang noo ko dahil pamilyar ang amoy non. Nagmadali tuloy akong tingnan iyon at tumama ang hula ko sa aking isip.
BINABASA MO ANG
Somewhere Only We Know
General FictionWabi-Sabi (侘寂) Wabi (wah-beeh) - simplicity and unique imperfections Sabi (suh-beeh)' - essence of an object and the effect of time. Nonetheless, it's finding beauty amidst the imperfections of life. Nothing lasts; nothing is finished, and nothing...