"Kain ka lang, hija. Huwag kang mahihiya sumandok ng gusto mong pagkain ha?"
Ilang ulit na ata iyan sa akin sinabi ni Tita Ces — ang nanay ni Kobe. Ilang beses ko siyang natawag na Ma'am at pinilit niya lang rin na tawagin ko siyang Tita. Kaming tatlo lamang ang nasa hapagkainan ngayon. Walang kabisera ang mesa nila kaya ay kaharap ko si Tita Ces at sa tabi ko naman naupo si Kobe. Naiilang ako kay Tita dahil halos subuan na ako ni Kobe. Siya ang nagsandok sa akin ng kanin at ulam, at noong aabutin ko sana ang pitsel ng tubig ay siya na naman ang kumuha noon at binigyan ako ng tubig. Sa ginagawa niyang iyon ay napapatitig talaga sa kaniya ang nanay niya at kapag nahuhuli akong nakatingin sa kaniya ay nginingitian ako.
"Napalinis ko na iyong guest room sa taas, Genesis. After you finish eating, send her to the room, okay? Ada, hija, feel at home. Call any of our helpers here or Genesis if you need something." paalala nito bago tumayo mula sa pagkakaupo. Hawak nito ang telepono dahil may tumatawag dito. Tumango naman si Kobe sa nanay niya dahil may laman pa ang bibig nito. Sa maliit na boses naman ako na nagpasalamat dito.
"About your clothes, I asked one of our helpers to buy you. Maya maya ay nandito na iyon." Kobe told me carefully. Nagpupunas na rin ito ng labi niya dahil tapos na rin siya kumain. Ako naman ay tumayo na at balak na kunin ang mga pinagkainan namin para hugasan. Nakakahiya kasi na iwan lamang iyon doon.
"Ako na po, Ma'am." agad na salubong sa akin ng katulong nila. Kobe, on the other hand, mumbled something. Hindi ko iyon narinig nang maayos.
"Sila na ang bahala diyan, Haya. Tara, ihatid na kita sa kwarto mo para makapagpahinga ka na."
Wala na tuloy akong nagawa kung hindi ang sumunod sa kaniya. Nauuna si Kobe na umakyat sa hagdan nila at sumusunod naman ako habang palinga linga sa bahay nila. Ang ganda at ang aliwalas tingnan. Gabi na at makikita mula sa naglalakihang bintana nila na nakatapat sa hagdan ang labas. Sumakto pa na nasa mataas na lupa nakatayo ang bahay nila kaya kita mo ang ilaw sa baba. Kitang kita ang mga ilaw ng nagdadaang mga kotse.
"Here. This would be your room. The room adjacent to it is my room. Katok ka lang if may kailangan ka." tumigil si Kobe sa tapat ng isang pinto. Tiningnan ko siya ng puno ng pasasalamat. Hindi ko alam ang fagawain ko kung wala siya kanina. He smiled a little to me.
"Salamat, Kobe." mahirap sa aking sabihin ang mga katagang iyan pero sa kaniya ay kusa na lamang itong nalabas sa mga bibig ko. Marahil siguro ay ramdam na ramdam ko ang pagkasinsero niya sa akin.
Kobe's smile grew wider. Napakamot na naman ito sa noo niya habang iniiwas ang tingin sa akin. Nangunot ang noo ko sa inakto niya pero ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon. Napapansin ko na lagi siyang ganito kapag magkasama kami — tila'y nahihiya o kaya ay may nais sabihin pero pinipilit na huwag na lamang.
"Pasensya na sa abala ah." mahinang sambit ko nang maaalala ang reyalidad ko. Napayuko na rin ako at piniling paglaruan ang mga daliri. May naabala na naman akong tao. Lagi na lang abala ang dala ko .
"Hey, don't think of you being a bother to me because you'll never be." automatic na napabalik ako ng tingin kay Kobe. Kitang kita ko sa mga mata nito ang sinseridad sa intensyon nito.
"Hindi ka nakakaabala, Haya." pag uulit nito — tila tinatatak sa isip ko ang mga katagang iyon.
"Naninibago ako, Kobe. Hindi ako sanay na may isang tao na hindi ko nararamdaman na pasan ko ang mundo. Nakakagaan pero ayoko ng kinakaawaan." tahimik na pag amin ko habang nakayuko na naman. Natatakot na tingnan siya sa mata. Ang emosyon na pinapakita ng mga mata niya ay masyadong malaking bagay para sa akin. Nakakatakot.
BINABASA MO ANG
Somewhere Only We Know
General FictionWabi-Sabi (侘寂) Wabi (wah-beeh) - simplicity and unique imperfections Sabi (suh-beeh)' - essence of an object and the effect of time. Nonetheless, it's finding beauty amidst the imperfections of life. Nothing lasts; nothing is finished, and nothing...