!! This is just a fanfiction !!
Vee pov:
Ngayon na ang araw na pinakahihintay naming lahat. Ngayong araw na kasi kami magiging isang ganap na pro player at tatapak na sa mpl stage. Ito na rin yung unang laban namin. I know it might sounds weird pero excited na kinakabahan ako.
Andito kami ngayon ni wais sa sala at inaantay sila Edward na matapos maligo para sumunod na kami. Habang nagaantay ay nanonood muna kami ng past games ng opponent namin. AP Bren ang makakalaban namin. Aaminin ko, malalakas sila at mahihirapan kaming talunin sila. Inaaral muna namin yung mga hero pickings nila and yung strategies nila para mamaya ay hindi na kami gaanong mahirapan.
"Wais." -pagtawag ko sakanya
"Hmm? Bakit??" -tugon ni wise
"Do you think kaya natin yung AP Bren?" -tanong ko. Kumunot naman ang noo niya nang bitawan ko ang katagang iyon
"Oo naman, anong pumasok sa isip mo at natanong mo yan?" -saad niya
"Wala,, ang lakas kasi nila ehh.. parang mahihirapan tayong mapanalo yung game" -sagot ko naman sa kanya
"Well, malakas nga sila.. pero mas naniniwala kasi ako sa kayang ipakita ng team natin eh. Naniniwala ako na kayang kaya natin silang talunin" -wika niya at ngumiti. Tama nga naman..
"Oh, pustahan tayo ohh" -mayabang na tono niya.
"G, ano ba yan?" -wika ko
"Pag natalo tayo against AP Bren, bibilan kita ng kahit anong gusto mo.. pero once na nanalo tayo, gagawin mo yung ipapagawa ko" -saad niya sabay ngiti.. nakuuu!! Alam ko na yung ganyang ngiti Wais ah!
"Jusko dzai, ano nanamang balak mo" -naiiritang sabi ko,, pero deep inside kinikilig ang lola niyo hahahaha
"Anong balak? Wala ah" -wise.
"Wag ako wais, alam ko na yang mga ngitian mo." -wika ko. Tumawa naman siya.. anong nakakatawa dun?
"Ohhh sige, kiss mo nalang ako pag nanalo tayo" -wise
"Oh sige, g!!" -saad ko nakipag shake hands pa nga hahaha
"Paps, tapos na kami kayo na sunod" -saad ni Oheb na kakatapos lang maligo galing banyo.
.
.
.
.
.This is it, pancit.
Wala na talagang atrasan.
Andito na kami ngayon sa backstage at hinihintay na tawagin kami para pumunta ng stage. Kinakabahan ako shetttt!!!
Nagsimula nang magsalita si Miss Mara (host) at hudyat na ito na nagsisimula na at malapit na kami tawagin isa isa.
"Welcome to MPL s7!
Sa pagbubukas ng bagong season ng mpl ay may isang bagong team na gustong magpakilala sa larangan ng eSports. These players wanted to prove that even though they are a new team, they can keep up with the veterans and be the mpl s7 champion!"
Ladies and gentlemen, please welcome.. Blacklist International!
Here is Ohmyv33nus, Wise, Oheb, Edward, and Hadji.. together with their coach, coach Bonchan ang Coach MTB!" -pagpapakilala ni ms.Mara saamin. Habang binabanggit ang mga pangalan namin ay kasabay non ang pagpunta namin sa MPL stage.
Naka-upo na kami sa kanya kanya naming gaming chair. Banning na ng heroes. To be honest, nakaka pressure. Ang daming tao...at alam naming lahat ng taong nanonood ngayon ay kaya kaming husgahan based sa kung anong ipapakita naming play. Best of 3 pala yung laban or paunahan magkaroon ng 2 match win. Kaya kailangan talaga naming pagbutihin.
FF ⏩ ⏩
Andito na kami sa crucial part ng game. 1-1 ang score namin. Yung unang match, nakuha ng AP bren..pero nabawi naman namin sa second game.
Lamang kami ngayon sa tower at sa gold. Kasalukuyang nagkakaron ng clash sa mid.
Nanalo kami sa clash at na wiped out sila. Kinuha na namin yung Lord then nag push na.
" Victory!!! " -tunog na nagmula sa phone namin. Naghiyawan yung crowd dahil sa intense ng laban. Heto ako, hindi makapaniwala sa mga nangyayari. Nakita ko naman si Wise na tumayo sa upuan at yumakap saakin
"Sabi ko sayo Vee kaya natin yan, tiwala lang" -bulong niya. Yinakap ko naman siya pabalik.
Dumeretsyo na kami sa backstage pero bago yon ay nakipagkamay muna kami sa players ng AP bren.
"Congrats Team!! Ang galing niyo!!" -pagbati saamin ni Dex
"Ang galing kamo ni momshoe" -wika ni Edward
"Oo nga, unli life HAHAHAHA" -saad ni Oheb. Estes pala yung ginamit kong hero,, one of my favorite heroes <33
"Oh pano ba yan? Mag celebrate tayo sa first win natin!" -wika ni Eson.
"G, libre ko na yung dinner natin!" -tugon naman ni coach Bon. Naghiyawan naman kami. Minsan lang kaya yung libre noh!
"Ohh bago yan, mag ayos muna tayo para sa interview" -wika ni coach MTB.
Habang naghihintay kami na tawagin for the interview, lumaput naman saakin si Wais
"Oh bakit?" -tanong ko
"Hmm, baka nakalimutan mo na" -nakangiting saad niya
"Nakalimutan ang alin?" -natatakang tanong ko muli
"Tongonang yan" -naka ngusong wika niya. Ano ba yon? Anong nakalimutan ko?
"Ano ba kase yun wais? Nakalimutan ko ngaa" -naiiritang tugon ko.
"Yung pustahan natin kanina Vee!" -wise
"Anong pustahan?" -vee
"Yung kapag nanalo tayo sa AP bren may kiss ako galing sayo" -tugon niya. Hays nagtatampo nanaman ang bebe na yan.
"Wala akong maalala" -pangaasar ko pa sa kanya. Natawa naman ako sa naging reaksyon niya. Nag pout pa nga hahaha
"Yan tayo Vee eh" -nagtatampong wika ni wais
"Oo na, mamaya hahahaha" -saad ko
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•
\( ˊᵕˋ )/
YOU ARE READING
•~ Enchanted ~•
RomanceIto ay kwento ng dalawang taong nagmamahalan. Marami silang hinarap at nalampasan na mga problema nang magkasama. Pero kahit gaano pa sila katatag, may hahadlang pa rin sa kanilang pagmamahalan. Sinusubukan ng tadhana ang tibay at tatag ng kanilang...