THIRTY-ONE

46 5 3
                                    

Vee pov:

Nakahiga lang ako sa kama. Nakatulala. Ang gulo gulo ng isip ko. Naglalaban ang puso at utak. Sinasabi ng utak ko na palayin ko si Wais para mahanap niya ang babaeng deserve niya, pero kasakungat ang opinyon ng puso ko. Sinasabi niya na ipiaglaban ko yung pagmamahal ko kay wais, dahil pareho kaming masasaktan kapag nawala kami sa isa't isa.


Napatingin naman ako sa cellphone ko nang tumunog ito. Sinagot ko ang telepono kahit hindi ko pa nabasa kung sino ang tumatawag dito.

"Hello?!" -irita kong bati

"Oh, Johnmar! How are you?" -sagot ng tao sa kabilang linya. I know that voice. Dapat pala hindi ko nalang sinagot.

"I'm good tito. What is it?" -tamlay kong tugon. Ang kausap ko ay si Tito Henry, siya ang namamahala sa company ng tatay ko sa Japan. Yes, may company kami sa Japan pero simula ng mawala si papa ay na bankrupt ito, pero si Tito Henry ang nagtaguyod.

"Wala naman, I just wanna remind you that I'll be retiring soon." -wika niya. Napabuntong hininga nalang ako, isa pa ito sa problema ko. Hindi ko nabanggot ang tungkol dito kay Wais dahil alam ko na pipilitin niya akong tamggapin ang inaalok ni tito.

"Tito, I already told you, I'm not interested in business." -sagot ko

"I know Johnmar, pero paaano naman itong company ng tatay mo?" -tanong ni tito. Pinipilit niya na ako ang mamahala sa Villaluna Corporation since he will retire soon.

"Tito, hindi ko kayang mamahala ng isang business. Isa pa, I have no idea on running a business." -sagot ko

"So you will just let your father's legacy fade? Johnmar, just try it. Hindi ka matututo kung hindi mo susubukan. And I don't believe that a Villaluna can't run a business." -page-enganyo ni tito. Napapikit nalang ako.

"Why don't we just sell it then? Or di kaya isa sa mga investors ang bumili niyan?" -iritang tugon ko. Narinig ko namang bumuntong hininga si tito bago ibaba ang telepono. Ibinato ko nalang yung cellphone ko sa kama.

Ang dami ko nang iniisip dumagdag pa yun, nakakaloka.






But seriously, I need to make a decision. It's either ipagpapatuloy ko yung pagiging pro player ko at ipaglalaban ang relasyon namin ni wise. O di kaya hayaan si Wise na hanapin ang babaeng nararapat para sa kanya kasabay ang pagpapstakbo ko ng kompanya...












.
.
.













Wise pov:

"Tori," -wika ko, kausap ko ngayon si Tori sa telepono. Gusto ko nang magka-ayos kami ni Vee. Hindi ko na kayang tiisin siya.

"Oh?" -sagot ni Tori sa kabilang linya

"Sa tingin mo ba pwede ko nang kausapin si Vee? Nabigay ko naman na sa kanya yung hinihingi niya. Hindi ko na kasi kaya yung ganitong sitwasyin namin, nag-iiwasan, hindi nag-uusap.." -wika ko

"Ewan ko Wais ah, kase knowing Vee, kung gusto niya na talagang makipag-ayos, siya mismo ang lalapit sa'yo. Pero try mo, baka kailangan nyo talagang mapag-usapan yan." -saad niya

"Ano kayang magandang gawin??" -tanong ko.

"Edi suyuin mo, alam mo wais, lambingin mo si Veenus, kailangan niya na ma re-assure na hindi mo kayang magloko sa kanya at hindi mo kakayanin kapag nawala siya." -opinyon ni Tori.

"Oo nga noh, sige salamat Tori." -wika ko at ibinaba ang telepono napangiti naman ako nang may maisip ako na ideya kung paano humingi ng tawad kay Vee.

•~ Enchanted ~•Where stories live. Discover now